HDTP 4

396 12 0
                                    

4. // Fifty Shades of Grey





Sela



Malambot na kama, mabangong kwarto, malinis na bahay, malaking TV, magandang view, mamahaling mga gamit. 'Yan ang mga bumungad sakin pagkalabas ko sa kwarto, saan nanggaling ang mga gamit na yan? Sa pagkakaalala ko, wala naman yan kagabi.


Pumunta naman ako sa living room-, "KYAAAH~ Anong ginagawa mo rito!?" nakita ko kasi si Drake na nakahiga sa sofa at natutulog. Nagulat ako kasi naka-sando lang ako at maikling shorts.


Aba, at hindi pa naka-uniform! Hindi ba siya papasok? Saka... pano siya nakapasok dito?


"Tanga ka ba? Natural may susi ako dito, sakin 'to eh!" tumayo naman siya tapos kinusot-kusot yung damit niya "Ako rin yung nagpadala ng mga gamit dito. Di ka ba magt-thank you?"


"Oh edi, Thank you pooooo!" ginaya ko pa si Chichay ng Got To Believe.


"Tss. Kala naman neto kasing ganda siya ni Kathryn Bernardo." bulong niya, pero narinig ko naman! Bwisit talaga 'tong kumag na 'to!! Bakit ba kasi ako pumayag na maging pekeng girlfriend niya!


"Di ka ba papasok? Bat di ka naka-uniform?" pag-iiba ko ng usapan.


"Ako lang? Ikaw rin. Hindi ka rin papasok no."


"Anong ibig mong sabihin?"


"Tito ko ang may-ari ng Evangelista University, kaya pina-excuse na kita. Sabi ko may AIDS ka."


"ANOOOOOO?"


"Joke lang!"



Hindi ko alam kung saan kami pupunta, ayaw niya namang sagutin pag nagtatanong ako. Pagkatapos siguro ng mga 10mins nakarating na rin kami. Pumasok kami sa loob ng-,


"LIBRARY???" bakit naman kami pupunta sa library, nagpakalayo-layo pa kami eh sa school lang may library eh! "Anong ginagawa natin dito?"

"Manahimik ka na lang. Ang daldal mo." OK.


Napatigil naman ako sa paglalakad nung umupo si Drake sa isang upuan dun at nagsalita "Library 'to ng Mama ko bago siya namatay.." HA PATAY NA MAMA NIYA???


"Sabi niya dapat mag-aral daw ako ng mabuti at dito ko yun gagawin sa library na 'to. Nangako kasi ako na mag-aaral ako ng mabuti."


"Bakit mo sinasabi sakin yung mga bagay na yan? Saka, bakit mo ko sinama dito?" di ko kasi alam kung anong gusto niyang gawin ko.

He's Dating The PANGETWhere stories live. Discover now