HDTP 14

66 3 0
                                    

14. // Sino ka ba talaga?

Tanya

Yeah, Tanya Park here. Remember me? I used to be Drake's love. . .

Pero simula nang dumating 'yang Sela na yan dito sa EU, gumulo na ang lahat.

Nandito rin ako sa Canteen at RINIG NA RINIG KO LAHAT.

'Sira na ba ang ulo mo?! Nanapak ka ng babae?! At talagang GIRLFRIEND KO PA ang sinapak mo?!'

Girlfriend huh. Just wow.

Alam ko walang kami ni 'kuya' Drake, pero alam kong GUSTO niya ako.

Pero nang dahil kay Sela, mawawala lahat nang yun?

Di ako papayag.

**

Nagpunta sila ng guidance kaya sumunod naman ako dun. Andun lang ako sa labas at pinapakinggan sila.

"Ano bang iniisip ninyo?! This is Evangelista University, for God's sake!" galit na galit si Dean Evangelista.

"Drake?!" nag-aantay siya nang sagot mula kay Drake.

"S-si T-third po kasi..."

"Third?! Third Espinosa, ke bago bago mo, ikaw ang may gawa ng gulo?! What were you thinking?! Nag iisip ka ba bago ka gumawa ng aksyon?!"

Bakas ang galit kay Dean Evangelista. Napaka istrikto niya, alam namin 'yun.

Ayaw na ayaw niya kasing nakakarinig ng bad comments tungkol sa Evangelista University, dahil bukod sa sikat ang paaralang ito, mahal na mahal niya ito.

Nakamatayan kasi ito ng asawa niya..

Hindi sumagot si Third. Nagsalita si Drake ulit. "Sinapak po ni Third si Sela bigla, a-at... i-inakusahang m-mamamatay-tao.." nangangatal pang sabi niya.

"Wtf is wrong with you guys?! Are you two even close?? Eh bago lang kayo rito parehas!"

Napansin naman ni Dean na madaming nakikinig rito sa labas. At pinaalis niya kami.

**




Sela

Naguguluhan ako sa nangyayari. Ni hindi ko alam kung bakit ako nandito, eh.

Hindi matahi-tahimik ang buhay ko sa eskwelahang 'to.

"Miss Cortez, magkakilala ba kayo ni Mister Third Espinosa?" normal na tanong ni Dean.

"Hindi po, Dean" kaagad kong sabi.

Ngumisi naman si Third. Si Seven naman ay nandito, pero tila wala rin siyang masabi dahil mukhang katulad ko, hindi niya rin alam ang nangyayari.

Naguguluhan rin si Dean at mukhang hindi niya rin alam ang sasabihin sa amin.

"Kilala ko siya" biglang usal ni Third.

Walang nagsalita at tila hinahayaan siyang ikwento ang side niya, tutal wala kaming alam lahat dito.

Biglang bumukas ang pinto ng guidance at iniluwa nito si....

"Cheese!" sigaw ko.

Yeah, si Cheese nga ang pumasok. "Ano ba! Bitiwan niyo ko!" pinipigilan siya ng mga guard pumasok.

Dahil utos nga ni Dean na wag hayaang may makarinig ng pag-uusapan namin dito. At may klase na rin ang ibang estudyanteng nakiki-chismis kanina.

"What can I do for you, miss...?" tanong ni Dean kay Cheese.

"A-ahhh..."

"Bestfriend ko po siya Dean. Baka pwede po siyang pumasok?" sabat ko.

"Okay. Bitiwan niyo siya." at hinayaan naman nga nila na  pumasok na si Cheese.

"W-wag ho kayong maniniwala sa kahit na a-anong sasabihin ni T-third... Dean" usal ni Cheese.

"Cheese??? Kilala mo si Third?"

"Ah... Eh..."

"Syempre kilala niya ako. Isa siya sa mga kasabwat na ilihim ang LAHAT sa iyo eh." Biglang nagsalita si Third.

Ano?!

Anong lahat?!

Gulong gulo na ko!!!!

::>_<::

>_<¦¦¦

------END OF CHAPTER FOURTEEN.

A/N: nyaaaay!! Go guys, hula hula naman diyan! Hahahahaha VOTE rin pag may time! Xoxo

He's Dating The PANGETWhere stories live. Discover now