Epilogue

2.1K 91 7
                                    

Hindi ako masamang tao. Gusto ko yon ang isipin ngunit sinong niloko ko. Ginawa ko ang mga bagay na iyon dahil kagustuhan ko. Alam kong walang kapatawaran ang aking mga nagawa pero iniisip ko na lamang na isa ako sa biktima ng ibang klaseng pagkakataon.

Binigyan ako ng choice, ang choice na pinili ko ay ang pagpatay ng mga inosente man o masamang tao. Anu man ang naging dahilan, pumatay pa rin ako. At ngayon pinagsisisihan ko ito.

Kung maaari ko lamang isumbong ang aking sarili sa mga pulis, para sa pagkamatay ng batang namumulot lang basura, ang batang si Tom, si Carl na aking kaibigan at si Clarine. Ngunit pumili muli ako ng aking choice, ang manahimik at magpakatatag kasama ang aking pamilya.

Mananatili na lamang silang nakaukit sa aking konsyenya, at alam ko kahit saan ako magpunta, kahit anong gawin ko, lumipas man ang pagkahaba-habang panahon, susundan pa rin ako ng kanilang multo. At patuloy na magiging bahagi ng panghabang buhay na pagdurusa. Bahagi ng bangungungot na hinding hindi ko malilimutan.






Natuloy ang plano kong lumipat na kami sa bagong bahay namin sa Valenzuela. Nagtataka man ang aking magulang kung saan nanggaling ang perang pinambili ko ng bahay, hindi na rin naman sila nagtanong pa. Si Ella lang talaga ang mausisa sa lahat ng bagay. Kesyo daw baka nagbenta na ko ng katawan. Kung alam niya lang hindi lang katawan ang aking binenta, pati na ang kaluluwa.

Nagsimula kaming muli ng aking pamilya. Bagong bahay, bagong kapaligiran at bagong buhay.

At ayon sa Fengshui swerte ang bahay na ito. At sana sa pagkakataong ito, sana totoo na ang swerteng ito at walang kapalit na kamalasan.

Wala naman na akong balita sa bahay ng Tiyahin ni Clarine. Kahit tungkol sa baul wala na rin. Iniwan ko na lamang iyon doon at wala ng balak pang balikan. Handa naman akong ibaon ang aking mga nalalaman hanggang hukay. Alam kong iyon lang ang alam kong gawin, para putulin kung ano mang lagim na lihim ang baul na iyon.

Ngunit dumating ang isang matinding dagok sa aming pamilya.

Natuluyan ng naospital si Papa, at kakailanganin ng malaking halaga para sa pagpapagamot sa kanya. Hindi namin alam nila Mama at Ella kung saan kami kukuha ng perang ipanggagastos dito.

Hanggang sa isang araw, lumapit sa akin si Nadine. May dala siyang supot na inabot sa akin.

"Ano ito Dine?"

Binuksan ko ang supot at ganun na lamang ang aking panlulumo ng makita ang laman nito.

Mga butil ng gintong may bahid pa ng dugo.

At saka ngumiti sa akin si Nadine. Kinilabutan ako.












LIHIM NG BAUL CHARACTERS

-Joryll Santos
-Nadine Santos
-Charles Santos
-Ella Santos
-Clarine Bermudez
-Carl Monte

Lihim Ng Baul (Series 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now