Kabanata 3

2.4K 120 14
                                    

Napakamalas naman. Napakailap naman ng swerte sakin.

Kanina pa kami nag-aabang ng customer pero mula pa kaninang umaga, alas tres na ng hapon wala pa din kaming customer. Nakasimangot na nga ang aming boss dahil ngayon lang kami nilangaw ng ganito.

Nilibang libang ko na lang ang sarili ko sa panonood ng tv. Habang naghihintay kami ng customer. Ang iba kong kasamahaan nagdesisyon ng umuwi, itutulog na lang daw nila ang inip. Sabagay di naman sila namomoblema kung may kitain man sila o wala, ako lang talaga tong umaasa sa tip na nakukuha sa mga customer.

Pasado alas kwatro na ng biglang tumunog ang chime na nakasabit sa pintuan ng salon, hudyat na may papasok. Napalingon naman ako, katulad ng iba kong katrabaho.

Isang lalaking mahaba ang buhok ang pumasok, mukha siyang sanggano. Napansin ko ding napaatras sila Beth nung nakapasok na ang lalaki. Mukhang babati siya, ngunit napigil ng makita niya ang kabuuan ng lalaki.

Tumayo naman ako para asistehin ang lalaki. Sigurado akong customer siya, dahil palinga-linga pa siya sa paligid.

"Magandang hapon po Sir, ano pong kailangan nila?" Magalang kong tanong.

Mukha naman siyang matino, hindi ko makita ang kanyang mukha dahil natatakpan ng mahaba niyang buhok. Hindi rin naman amoy mabaho ang isang to, kaya malabong isa siyang pulubi. At desente naman ang kanyang pananamit, na wala yata sa uso pero masasabi mong maayos siyang tingnan.

"Gupit."

Narinig kong sagot niya.

Ah. Obvious naman na magpapagupit siya dahil nga sa buhok niya.

"Halika po kayo Sir, upo po kayo."

Inalalayan ko siya sa isang upuan katapat ng malaking salamin. Inayos ayos ko pa ang mga dapat gamitin ng mapansin kong nakatitig siya sa salamin.

Naiiling akong lumapit.

"Sir ano pong gupit ang gusto niyo?"

"Ikaw na bahala."

"Sige po sir."

Inumpisahan ko ng bawasan ang buhok niyang lagpas balikat. Sayang naman ang buhok na to, siguro ilang taon din niyang pinahaba to, nasabi ko sa aking isip. Habang ginugupit ko.

Hindi nagtagal nakikita ko na din ang mukha niya sa salamin, marahan siyang nakapikit o natutulog na yata to.

Naramdaman niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya dinilat niya ang isa niyang mata. At tumitig sakin gamit ang salamin. Napayuko naman ako dahil sa kahihiyan.

Napansin kong pumikit ulit siya. Nakakunot na ngayon ang kanyang noo, napansin ko din sa kanan niyang pisngi ang isang peklat. Ano kayang nangyare dun.

Matapos ang 30 minuto, natapos ko na din gupitin ang mahaba niyang buhok. Kita naman iyon sa lapag na ngayon ay winawalis na ng isa sa aking kasamahan.

Siniko pa ko ni Beth.
"Uy bakla, gwapo pala si Kuya oh. Akala ko kanina holdaper hahaha." Mahinang bulong sakin ni Beth.

Itinulak ko na lang siya palayo at sinenyasan na tumahimik. Baka marinig kami ng lalaki, at ano pang isipin nito.

Trinitrim ko na lang ang natitirang lagpas na buhok ng lalaki ng dumilat ulit siya.

"Matagal pa ba yan?" Maotoridad niyang tanong.

Muntik ko pang mabitawan ang gunting sa pagkagulat ko.

"M-malapit na sir, mga 2 minutes po."

Inalis ko na ang kapa niya at pinagpag para maalis ang mga maliliit na buhok. Nilagyan ko din ng polbo ang bandang batok niya ng makita kong may peklat na naman duon.

Mukhang madami siyang peklat, nasabi ko sa aking sarili.

"Sir, tapos na po." Pukaw pansin ko sa kanya.

Tumayo naman siya sa pagkakaupo at nag-abot ng buong limang daang piso sakin.

"Keep the change."

Magproprotesta pa ko ngunit nagderetso na siya palabas ng salon.

Nagsilapitan naman sakin ang dalawa ko pang katrabaho at parang mga baliw na kinikilig.

"Girl, gwapo pala si Kuya. May future teh!" Parang tangang sabi ni Marie, sinusundot sundot pa ko.

"Heh! Magtigil ka nga."

Iniwan ko silang dalawang magkekendeng dun, at dumeresto kay Boss para ibigay ang bayad. Pero nasa pangalan ko na ang sukli nun.

Iyon ang patakaran namin, once na may nagbigay sayo ng tip. Iyo lamang ng buo yon, iyon ang kagandahan sa aking trabaho. Nakakabawi ako sa tip na binibigay. May mga araw din naman na wala talagang tip. Kaya kailangan hanapin mo ang kiliti ng customer.

Umuwi na din ako agad, sigurado namang wala ng customer na darating dahil mag gagabi na rin.

Pagpasok ko sa bakuran nakita ko si Charles na naglalaro.

"Sila mama?" Tanong ko kay Charles.

"Nasa labas ate, pinapakain si Momo."

Si Momo ang nag-iisa naming aso. Nahingi ko pa iyon sa kapitbahay namin sa dati naming tinirhan para may bantay na rin sa bahay namin.

Madalas kaming nasisita ng landlady namin sa dati naming tirahan, bawal daw kase ang may alagang hayop dun. Napakiusapan na lang namin na pansamantala lamang ang pagkakaroon namin ng aso.

Ngayon, lalo ko tuloy naramdaman na ang sarap talagang magkaroon ng sariling bahay. Yung walang makikialam at walang bungangang nakaabang sa amin tuwing araw ng bayaran.

Hindi ko pa nabisita ang mga kapitbahay namin, bibihira din kase ang bahay dito. Malalayo pa ang agwat. Sa likod may bahay naman pero walang nakatira. Sa harap namin ay isang bakanteng lote. Liblib pero abot naman ng wifi, yun ang ikinatuwa ni Ella. May pocket wifi kase siya at sobrang kailangan daw niya yun kaya nawala na din ang inis niya sa paglipat namin ng bahay.

Maganda ang bahaging ito ng nasabing lugar, masarap ang hangin at madami ring puno. Partikular na ang punong akasya.

Nakita kong pumasok na si Mama. Gabi na din kase at naghahanda na para sa hapunan.

Kami ng pamilya ko, we may not be perfect pero masasabi kong we love each other.

But then again, hindi naman totoo ang sinasabi ng kanta na 'Love is all that matters'. Kung minsan, pera pa din ang mahalaga.

Lihim Ng Baul (Series 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon