Kabanata 7

2.4K 102 5
                                    

"Ate saan tayo pupunta?"

Nilingon ko si Charles na ngayon ay nakaupo sa aking tabi, nakasakay kami ngayon ng jeep patungong Divisoria.

Dahil naipapalit ko na din naman ang ibang butil ng ginto. Nagdesisyon akomg pumunta kami sa Divisoria para mamili ng mga gamit nila.

"Mamimili lang tayo bunso. Diba gusto mo ng laruan, ibibili kita non." sagot ko na lamang.

"Talaga Ate, gusto ko ng sasakyang de baterya katulad nung sa kaklase ko." nangingislap ang matang sabi ni Charles.

"Oo ibibili ka ni ate nun. Ikaw Nadine anong gusto mong bilhin ko para sayo?"

"Wala."

"Kahit ano, sabihin mo lang." pagpupumilit ko.

Kahit anong pamimilit ko hindi na muling nagsalita si Nadine. Nagbago na talaga ang batang to, sa loob loob ko.

Inabala ko na lang ang aking sarili sa pagtingin-tingin sa paligid. Sa Manila ang tungo namin, sa Divisoria mas marami kang mabibili doon sa murang halaga.

Nang Malapit-lapit na kami, inayos ko na ang aking pagkakaupo pati na rin ang bag kong nakasabit sa aking balikat. Mahirap na madaming kawatan ang nag-aabang sa lugar na ito. Parang ang halimaw sa baul, naghihintay lang ng aking iaalay.











Matapos mamili, kumain muna kami sa isang kilalang kainan dito, ang Jollibee. Pangalawang beses palang kami nakakakain sa ganito, nung huli ay nung kaarawan ni Ella, trineat siya ng kanyang amo kaya napasama kaming buong pamilya. Sa sobrang kapos sa pera ni hindi kami kumakain sa mga ganito kamamahaling kainan, nakokontento na lamang sa lutong bahay pero sa pagkakataong ito, lahat ng gusto nila ibibigay ko. Madami pa akong gintong hindi pa naipapalit sa pera at sigurado akong madami pa kong makukuha sa baul.

Habang kumakain kami, napatingin ako sa batang pulubi ang nakasilip sa salamin ng Jollibee. Mukhang takam na takam siya sa kinakain namin. At doon sa batang nakasilip may ideyang sumagi sa aking isipan. Isang bata, baul, ginto.

Walang atubili akong tumayo at lumabas ng kainan, at nagderetso sa kinaroroonan ng batang pulubi.

"Boy, tara sama ka sakin kain tayo sa loob. " paanyaya ko dito.

Nakita ko ang katuwaan sa kanyang mga mata.

"Talaga po. Nako po salamat po."

Sumunod siya sa akin papasok sa loob ng kainan. Napansin kong pinagtitinginan kami ng mga iba pang kumakain doon at narinig ko pang pinag-uusapan nila ang ginawa ko.

"Ang bait nong ineng no Mare, inaya niya yung bata na kumain kasama nila." sabi ng isang matanda.

"Bibihira na ang ganyang tao ngayon, ang matulungin sa kapwa. Saludo ako sa kanya mare." sagot naman ng kausap niyang matandang babae.

"Tama tama."

Nangiti naman ako sa aking mga narinig. Nang makalapit na kami sa aming lamesa, pinakilala ko ang dalawa kong kapatid sa batang pulubi.

"Boy, siya si Charles bunso kong kapatid at siya naman si Ate Nadine. At ako naman si Ate Joryll. Ikaw ano pangalan mo?"

"Ako po si Tom, yun po ang tawag sa akin ng mga kaibigan ko."

"Oh sige Tom, kumain kana. Wag ka mahihiya ha. Magpakabusog ka."

Tuwang-tuwa naman siyang magsimulang kumain. Parang hindi siya kumain sa loob ng isang taon dahil sa pagmamadali niya.

Lihim Ng Baul (Series 1 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon