Kabanata 5

2.4K 102 10
                                    

Pagdating ko sa bahay, agad akong sinalubong ng aso naming si Momo. Naglalambing na naman ang asong ito, saloob-loob ko.

Tumawag agad ako sa kanila, ngunit walang sumagot. Nagderetso na lamang ako sa sala, baka abala lamang sila sa panonood, ngunit walang rin tao doon. Nagtataka akong napalingon sa bandang kusina, baka sakaling nandoon silang tatlo.

"Nadine? Carl, Charles?"sunod sunod kong tawag sa kanila.

Nang ni isa wala akong naabutan sa kanila sa kusina. Naisipan kong umakyat sa taas, marahil nasa kwarto lamang sila. Nang bubuksan ko na sana ang pintuan ng kwarto ni Charles. Nakarinig naman ako ng ingay sa katabing kwarto, iyon ang kwarto ko. Nasa kaliwang bahagi kase ng kwarto ko ang kwarto ang kwarto ni Charles, at sa kanan ko naman ang kwarto ni Nadine. Sa makatuwid nasa gitna ang akin.

Naglakad ako palapit doon at dahan dahang binuksan.

"Anong ginagawa niyo diyan?" ang tanong ko habang lumalapit sa kanila.

"Wala naman, may ipinakita lamang sa amin si Nadine, nag-iisip kami kung ano bang dapat gawin sa baul na ito." mahabang lintanya ni Carl.

"Hayaan niyo na iyan jan. Ayokong pakialaman ang mga gamit ng may ari ng bahay."

"Ikaw bahala, gusto daw kaseng gamitin ni Nadine at ilipat sa kanyang kwarto."

Napatingin naman ako kay Nadine, na titig na titig sa baul. Ni hindi niya napansing dumating na pala ako.

"Dine, hindi pwede dito lang yan."

Imbes na tumugon, tiningnan niya lang ako at lumabas ng kwarto. Ipinagwalang bahala ko na lamang iyon.

Pero sa isang banda, nagtataka na din ako sa ikinikilos ng nakababatang kapatid. Nagkatinginan na lamang kami ni Carl sa inasal ni Nadine.




Hindi na rin nagtagal nagpasya ng umalis si Carl, hindi na daw siya makakapag hapunan dito dahil gagabihin na daw siya sa daan. Malayo pa naman itong lugar namin sa bayan.

Napagpasyahan ko na rin magluto ng hapunan namin, habang si Charles ay tumutulong sa akin sa paghahanda ng lamesa. Si Nadine naman, hindi pa rin bumaba. Nagkukulong na naman siguro sa kwarto niya.

"Ate." agaw pansin sa akin ni Charles.

"Hmm?" nilingon ko naman siya na ngayon ay tapos na sa paghahanda ng plato. Nakaupo na lang siya sa isang silya katapat ko.

"Ate, bakit ang sungit-sungit ni Ate Nadine. Kanina hindi niya ko pinapansin, ayaw na din niyang makipaglaro sa akin."

Bakit nga ba ganun ang inaasal ngayon ni Nadine? Nagdadalaga na ba siya at nagiging mailap na kanino man.

"Charles, baka hindi lang gusto ni Ate Nadine na maglaro. Alam mo naman ang mga babae, minsan may mood na hindi maganda. Hayaan mo na lang muna."

Tumango-tango na lang si Charles sa mga sinabi ko. Iniwan ko muna siya sa kusina para tawagin si Nadine, nang makaka-kain na kami.

Kakatok sana ako ng kwarto niya, pero kusa na itong bumukas.

Nakita ko siyang nakatayo sa harap ng pintuan. At nakatitig lang sa akin. Sa titig niyang iyon para akong kinilabutan.

"Anong kailangan mo?" malamig na sabi niya.

Naumid na yata ang dila ko sa sobrang lamig ng boses niya. Nakakapanibago sa masiglang bata na si Nadine. Ngunit pinagsawalang bahala ko na lamang iyon.

"Tena, kakain na tayo."

Niluwagan naman niya ang pagkakabukas ng pinto, at dere-deretsong bumaba ng hagdanan, na parang wala man lang ako sa paningin niya.

Lihim Ng Baul (Series 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now