Kabanata 2

2.5K 126 3
                                    

Unang gabi namin sa bahay matapos ko matuklasan ang baul, nagising ako sa kalagitnaan ng gabi. Napakusot pa ko sa aking mata at dahan-dahang bumangon.

Nilibot ko ang aking paningin, masasanay din ako sa bahay na ito. Siguro namamahay lang ako, pero sanay naman akong gumigising ng ganitong oras.

Naalala ko, nananaginip ako ng isang masamang panaginip, ngunit hindi ko maalala at kung para saan ang panaginip na iyon.

Kinapa ko ang aking mumurahing cellphone para makita kung anong oras na, pasado alas dos na din ng madaling araw. Madalas akong nagigising ng ganitong oras pero wala sa akin yun, pero sa pagkakataong ito bigla akong nanlamig. Nakaramdam ako ng kakaiba, hindi ko mawari kung bakit.

Tumayo ako at hinanap ang akong tsinelas, nagderederetso ako sa pintuan.

Lumabas ako ng kwarto, at sumilip sa kwarto ni Charles. Itong batang to alam ko may pagkamatatakutin to, dahil bukas ang ilaw niya. Pero ngayon sa sobrang excited niyang magkakwarto ng sarili humiwalay talaga kina Mama. Ang himbing ng tulog, pinagmasdan ko ang aking kapatid at sinipat kung komportable ba siya. Mahimbing naman ang tulog, walang bakas ng paninibago sa bagong bahay.

Pinatay ko na ang ilaw dahil nanghihinayang ako sa ibabayad namin sa kuryente. Malaking bahay ito kaya sigurado akong lalaki ang kuryente namin. Tulog naman na siya kaya hindi na niya iyon mamalayan. Marahan kong isinara at nagpatuloy pababa ng hagdan.

Maayos na ang aming sala, mabilis lang namin naayos ni Nadine yun kanina dahil kakaonti lamang ang aming gamit. Tv, isang electricfan, mumurahing sofa na kinupas na ang kulay niya sa tagal ng panahon. May flower vase din kami sa gilid, nasabi kase ng isa kong customer sa parlor na magandang may bulaklak sa gilid ng bahay. At dahil mapagpaniwala ako sa mga swerteng pamahiin ginagaya ko iyon.

Lumakad naman ako patungong kusina, ngayon ko lang naappreciate ang mga bagay na to dahil nasa ayos silang lugar. Dati paglabas mo ng kwarto nasa harap mo na agad ang kusina, sa lapag kami kakain at wala kaming masasabing sala. Ngayon lahat nasa ayon ang pagkakalagay. Feel na feel ko ang bahay na to.

Nagbalik na ko sa aking kwarto, ipagpapatuloy ko na sana ang aking pagtulog ng mapansin ko ang baul. Hindi ko alam kung dahil lang sa groggy ako pero parang may lumabas na usok sa baul. Nang makita ko ang baul, kanina tiningnan namin ni Nadine ang laman nun pero wala naman kaming nakitang laman.

FLASHBACK

"Ate ano yan?" Turo ni Nadine sa baul.

"Ewan ko."

Lumang luma na ang baul. Sa tingin ko masisira na din ito pero di ko na inabalang pansinin pa. Baka gamit yan ng Tiyahin ni Clarine. Iginilid ko na lang sa isang tabi.

Nilapitan naman ito ni Nadine at sinuring mabuti. Wala naman laman iyon. Baka imbakan lang yun ng lumang gamit, sa loob loob ko.

"Ate!"

"Bakit?"

"Wala ka bang naririnig?" Ang sabi ni Nadine.

Nakatingin siya sa baul at nakatapat pa ang kanyang tenga sa bunganga non.

Kinilabutan naman ako ng paglapit ko ay may narinig din ako.

Parang may humihinga. Nakapagtataka naman bakit sa baul, gayong napaka imposible naman nito dahil wala namang laman ang baul na yun.

Pinagwalang bahala ko na lamang at sinabi ko sa kapatid ko na wala naman akong naririnig.

Mapagpamahiin akong tao. Ako yung tipo ng taong naniniwala sa swerte at malas. Naniniwalang bawat kapalaran ng tao ay nakaguhit na sa malawak na plano na only God knows. Pero masasabi kong praktikal din ako. Rational kung mag-isip, hindi ako naniniwala sa multo o kung ano-anong maligno. Mas matatakot pa ko sa buhay na tao, na kayang kaya kang patayin ano mang oras nila gustuhin.

Gayunpaman, wala kong panahon para intindihin pa yang baul na yan. Ni hindi na nga mapapakinabangan.

END OF FLASHBACK

Kung sa iba bigdeal na yun. Gagawa na ng haka-haka. Pero ako hindi ko na lang binigyan ng pansin. Dala na siguro ng antok at maaga pa ko bukas para sa pagpasok sa trabaho.

I thought it was just nothing, may mas malalaking bagay na dapat katakakutan at problemahin. Kesa sa lumang baul na yon na naglalabas ng hindi mo mawaring usok ba o guni-guni ko lang.

Wala sa isip ko na ang nakita ko pala ay isang babala. Isang pagbabadyang malapit ng dumating ang biyaya at ang nakakapangilabot na sumpa.

Lihim Ng Baul (Series 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now