Prologue

3.6K 158 10
                                    

Hindi ako masamang tao, o siguro, iyon ang akala ko bago ko matuklasan ang tungkol sa lihim ng baul.

Sa pagkakaalam ko isang ordinaryong tao lamang ako, humihinga, kumakain ng tatlong beses sa isang araw, may kinatatakutan at may kakayahan. Isang anak na walang hinahangad kundi mabigyan ng magandang buhay ang aking mga magulang at kapatid.

Ni sa hinagap, hindi ko inaasahang darating ang araw na magiging masahol pa ko sa halimaw na kinatatakutan ko. Na magagawa ko ang lahat ng karumaldumal na bagay na hindi ko malubos na maisip na kaya kong gawin. Dahil lang sa aking mga pangarap.

At ang lahat ng iyan, nagsimula ng matuklasan ko ang lihim ng baul.

Lihim Ng Baul (Series 1 COMPLETED)Where stories live. Discover now