CHAPTER 14

26.2K 254 21
                                    

===KATHRYN'S POV===

 

"Kath nakahanda na ang almusal mo. Hindi ka pa ba mag-aayos?"sabi ni Yaya sa akin habang nakahiga ako dito sa kama ko.

Ngayon iyong simula ng sportfeast pero wala talaga akong ganang pumunta sa school. Lalo pa ngayon, masama ang tinginsa akin ng lahat. Lahat hinuhusgahan ako. Lahat sinisisi ako. Pero ayos lang naman sana kahit kalaban ko iyong buong mundo eh basta kasama ko ang babes ko. Kaso wala e. Naging tanga ako.

"Busog pa po ako Ya."sagot ko sabay takip ng unan sa mukha ko

"Iha, ano bang problema mo? Sabi ng Ate Julia mo, gisingin daw kita dahil kailangan mong kumain at pumasok sa University dahil ikaw ang president ng student council. Kailangan ka daw doon."alalang tanong niya at umupo sa kama ko

"W-Wala po Ya."sabi ko at pigil na pigil sa paghikbi.

Naluluha nanaman ako. :'(

"Ako pang niloko mong bata ka. Alam mo bang ako ang naging Yaya mo mula noong 1 year old ka? Kaya bawat galaw at kilos mo, alam ko ang ibig sabihin. Anong problema mo Kath?"pangungulit ni Yaya Bebang

Umupo naman ako at humarap kay Yaya. At saka ako yumakap sa kaniya at umiyak.

"Shhhh. Tumahan ka na."sabi ni Yaya sabay himas ng likod ko

"Bakit ganon Ya? *sobs* Bakit kung kai;an mahal mo na iyong tao saka naman siya mawawala sayo?"sabi ko at umiyak nanaman muli

"Si Daniel ba ito? Ano bang nangyari?"sabi ni Yaya

"Nalaman niya na po iyong ginawa namin ni Ate Juls."sagot ko

Alam din ni Yaya ang bet namin ni Ate Juls. Bukod kasi na siya ang nagpalaki sa amin, siya din ang tinuturing naming magulang kaya naman naikwento ko sa kaniya.

"Nasa huli talaga ang pagsisisi."sabi niya kaya naman napatingin ako sa kaniya

"Hindi mo masisisi si Daniel Kath. Naging totoo siya sayo, pero ikaw? Anong ginawa mo? Tao siya Kath. Tao siya na may pakiramdam at panigurado, sobra siyang nasaktan."sabi niya at tuminginsa mga mata ko

"Pero Ya, lahat po ng pinakita ko sa kaniya totoo. Hindi po biro lahat ng iyon."sagot ko at yumuko

"Sa tingin mo maniniwala siya sa sobrang sakit na idinulot mo sa kaniya?"sabi ni Yaya

Hindi ako nakasagot at muli namang tumulo ang luha ko pero agad ko naman itong pinunasan.

"Iha, anak, sa mundong ito, hindi mo mabibili ang lahat ng gusto mo. Oo, mayaman ka. Pero hindi sapat ang bilyon-bilyong pera mo para maibalik ang tiwala ng taong nasaktan mo."iniangat ni yaya Bebang ang baba ko at nginitian ako.

HINDI KITA IIWAN ----- KATHNIEL (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon