===KATHRYN'S POV===

"Diyan na iyong sundo mo."sabi ni Yaya Bebang habang nakangiti sa akin.

Nandito kasi ako ngayon sa kwarto at nag-aayos ng buhok ko. Tss. Hindi ko nga alam kung ano bang bagay sa akin e. Hindi naman ako ganito dati.

"Hoy Chandria, halos mag-iisang oras ka na ata diyan sa harap ng salamin, di ka pa ba tapos? Mahiya ka naman sa sundo mo."sabi ni Yaya na parang natatawa

"Ya, ano bang bagay na hairstyle sa akin?"ako

"Ano ka bang bata ka? Kailan ka pa natutong magtanong kung anong bagay sayo? Dakilang fashionista, hindi alam kung anong babagay sa sarili niya? Tsk. Tsk. Inlove ka ngang bata ka."sabi ni Yaya at lumapit sa akin

"Anak, kahit anong ayos mo, maganda ka pa rin sa mata ni Daniel. Kaya bumaba ka na."umalis na si Yaya

Napatingin nanaman ako sa salamin.

"Err. Ano bang maganda? Tsk"kinuha ko iyong magazine ko ng mga buhok

"Eto!"sigaw ko as I look to the photos

Sinunod ko iyong steps na nakasulat sa magazine. Ayan. HIHIHIHI Ako na talaga ang tuwang-tuwa sa buhok ko ngayon.

Eto na nga oh, ipapaliwanag ko na: Nakaponytail siya, pero mababang ponytail lang at inilagay ko sa may right side ko. Then finishtail ko ito. And yeah, bumagay naman ata sa akin ;)

Nagspray ulit ako ng cologne at tumingin muli sa salamin at saka bumaba.

"Goodmorning babes."sabi niya habang inaalalayan ako pababa ng hagdan

"Goodmorning too Babes."sagot ko at nagpaalam na kami kay Yaya.

Habang nasa sasakyan ay panay ang tingin ko sa kaniya. Bakit parang

gumagwapo lalo ang boyfriend ko?

"Any problem Babes?"tanong niya noong mapansin niyang tingin ako ng tingin sa kaniya

"Wala Babes."sabi ko sabay tingin sa labas ng bintana