CHAPTER 15

27.3K 320 41
                                    

===DANIEL'S POV===

 

Katatapos lang ng training namin kaya naman napagpasiyahan kong maglakad-lakad muna total sina Venice naman daw ang magbabantay sa booth namin.

Wala kasi sina Neil dahil magbabantay sila sa booth niya, si EJ naman nagpapahinga nalang para sure na makapaglaro talaga siya bukas, si Kiray naman pinuntahan daw si EJ, at si Kuya Diegs naman at si Julia ay nasa booth din. Kaya, ako na talaga ang loner.

Pumunta ako sa iba't ibang booth. Maraming pakulo ang bawat years and sections kaya naman marami kang pagpipilian. May mga marriage booth, destiny booth, horror booth, photo booth, at madami pa. Naglakad pa ako hanggang sa makarating ako sa personalized and customized booth ng mga 3rd years.

"Hi Daniel."bati sakin ni Krista, kaklase namin

"Uy."yan lang iyong sagot ko habang tumitingin-tingin sa mga customized accessories nila. May mga bracelet na pwedeng lagyan ng name, mga mugs, hats, plates, at t-shirt.

"Bili ka na DJ o. Konti palang kasi itong benta namin."sabi niya na parang nag-aalala

"Sige. Ah customized shirt nalang siguro."sabi ko at kinuha iyong wallet ko

"It's a couple shirt ha? Paalala ko lang. Pero mura lang naman siya. Anong design?"tanong niya habang kinukuha iyong pair ng black shirt

"Ikaw na bahala."sabi ko habang tumitingin pa sa ibang items

"Sige."siya

Medyo mabagal siya kasi iyong special design daw iyong ilalagay niya sa shirt dahil ako daw ang unang customer ng mga shirts ng booth nila.

"Pare, manood tayo ng swimming competition. Nadon si Kath pare!"

 

"Seryoso? Sige. Sige."

 

Napatingin naman ako sa mga lalaking nagkukwentuhan kanina pero paglingon ko sa kanila ay naglalakad na sila paalis para pumunta sa swimming area.

"Heto na Daniel."sabi ni Krista sabay abot ng paperbag kung saan nakalagay iyong binili ko

"Salamat."sabi ko at umalis na

Lalaban siya? Wala naman ang barkada dun ah. Tss. -_________-

Dumaan muna ako sa isang food booth.

"Milk tea po, isang bottled water, and 3 cheesecakes."sabi ko kay Ateng tindera

"Eto oh."sabi ng tindera at binayaran ko naman ito agad

HINDI KITA IIWAN ----- KATHNIEL (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon