Forty [2]

73.9K 1.3K 52
                                    

Small kisses of Marco woke up Adie from her sleep. Umungol lang siya dahil inaantok pa siya.

"Wake up, sleepyhead.." Bulong nito sa tenga niya. She groaned and shifted her position sideways.

"Hey.. c'mon. Get up." Natatawang sabi sakanya ni Marco. Niyakap pa siya nito mula sa likod.

"M-Marco, I really love you but right now, I'm thinking otherwise." Paungol na sabi niya. Binuksan niya ang kanang mata niya para tignan ang orasan sa bedside table ni Marco and it's only seven in the morning.


"Get up, love. Baka maiwanan tayo ng flight natin. It's your parents anniversary. Baka pagalitan tayo ni Tita Adelaide." Natatawang sabi nito.


"Five minutes." Tawad niya.

She heard Marco chuckle from the back. "Alright. Five minutes." Sabi nito.

Naramdaman niya ang braso nitong pumalibot sa bewang niya at hinila siya palapit rito. Her back facing him. He buried his face at the side of her neck.

Sa totoo lang, gusto niya ulit matulog pero hindi na niya magawa dahil sa boyfriend niyang maharot. She felt Marco's lips biting the side of her neck.


"Mr. Cullen wannabe, nakikiliti ako." Nakangiting suway niya rito.

Narinig niya ang tawa nito. Buong lakas siya nitong inikot at pinaibabaw rito. "Marco.."

"I like you on top of me,love." Nakangiting sabi nito. Iniunan nito ang isang kamay sa ulo nito habang ang isa naman ay nakayakap sakanya.


Pinalo niya ang bibig nito. "Perv!" suway niya.

Marco just laughed at her. "Masama ba'ng pagpantasyahan ang girlfriend ko?" Marco wiggled his eyebrows at her.

Natawa siya rito. "Kahit kailan talaga! Sige na, maliligo na ako." Paalam niya. Umalis siya sa ibabaw nito at kinuha na ang tuwalya niya.

But before she could enter the bathroom, Marco inmediately pulled her for a kiss. It took them seconds until they broke off their kiss.

Marco wiped the side of her lips. "Make it fast." Bulong nito sakanya. Binigyan pa siya nito ng isang mabilis na halik bago lumabas sa kwarto. Napailing nalang siya sa inakto nito. She picked up her towel na nahulog at tsaka pumasok sa banyo ni Marco.


Isang taon na silang magkarelasyon ni Marco. Natatandaan niya pa kung paano siya nito angkinin bilang girlfriend nito.

----

A year ago..

"Be my girlfriend."

Natulala lang siya habang sinisink-in sa utak niya ang sinabi ni Marco.

"I'm not asking you, Adie. Because, I'm claiming you. Mahirap na baka tanggihan mo pa ako." He smiled coyly at her.

Natawa siya rito. "Tanungin mo man ako, the answer would be a yes over and over again!" She threw herself at him. Buti nalang maagap ito kaya hindi sila natumba.

That day was so far the happiest day of her life. Because officially, Marco belongs to her and she belongs to Marco.

------

Hindi mawala-wala ang ngiti niya sa labi habang naliligo. And last night was really a blast for them. Inaya siya ni Marco na manuod ng concert kaya naman sumama siya rito. And then they ended up here in his house. Paano ba naman? Ang kulit ni Marco. Hindi ito tumigil sa kakakiliti sakanya hangga't hindi siya pumapayag na sa bahay nalang nito siya matulog. Kaya heto, dito siya natulog. Pero walang nangyari sakanila, they make-out but no sex.

Ang she was really happy that Marco values her. That he respects her. Na sa tuwing naaabot sila sa sitwasyong makapagdadala sakanila sa kama, ito ang unang bumibitiw. He would just smile at her and hug her tight.

And it's not the first time that she sleeps over in his house. Minsan naman din ito ang natutulog sa unit niya. Magugulat nalang siya paggising niya nakayakap na ito sa kanya palibhasa may sarili itong susi sa condo niya.

Pagkatapos niyang maligo ay agad na nagpalit na siya ng damit - na to the point may sarili na siyang closet sa kwarto ni Marco. Nagsuklay lang siya at nagpabango pagkatapos ay bumaba na siya at pumunta sa kitchen kung saan naabutan niya si Marco na naghahain na sa mesa.

Hindi siya nito napansin kaya naman mabilis niyang niyakap ito.

"Ang bango ng love ko." Binaba nito ang mga platong hawak at tsaka mas lalo pa siyang hinapit palapit rito. "Pakiss nga!" Sabi niya at tska mabilis siyang kinabig sa isang halik na mabilis naman siyang nagpaubaya. She wants this anyways.

"Tama na iyan. Kain na tayo, kukunin pa natin iyong maleta ko sa condo." Sabi niya rito.

"No need love, nakuha ko na kanina." Sabi nito at tumabi na sakanya.

"What? Iniwan mo ko dito kanina mag-isa?" Gulat na sabi niya.

"Don't worry love, sandali lang naman ako. And besides, konti lang naman ang nakakaalam ng bahay ko, 'di ba?"

Napailing nalang siya rito at kumain na silang dalawa.

-----

Marco held her hand silently when their parents kissed each other. Anniversary ng parents niya pero hindi nila alam na may plano pala ang Daddy niya para sa renewal of vows nila ng Mommy niya. And she was just so happy for her parents.


Napangiti siya sa isipang pumasok sakanya. How would it feel if she and Marco get married?

Just the mere thought of it, she can't help but smile and fell giddy.

"What are you thinking?" Pukaw sakanya ni Marco.

Tiningala niya ito at ngumiti lang rito. "I'm just happy that everything's okay. I have my family, my friends.. and I have you."

Marco bent down his head so that he could kiss her. "I love you."

"I love you too." She pulled his nape again for a kiss.


"Hoy! Hindi kayo ang ikinasal ulit!" Natatawang singit ng ate Alex niya.

Natawa nalang silang dalawa at nakuntento nalang sa pagyakap sa isa't-isa.

-----

VOTE AND COMMENT PO :)

Follow. @kendeyss (twitter/instagram/ask.fm)

A Love to Report [Fin]Where stories live. Discover now