Twenty-five

64.6K 1.3K 42
                                    

Masayang nagtatawanan ang barkada ni Marco habang sila ni Jean ay tahimik na nakikinig lang sa pagjo-joke ni Mico.


"Shet,pare! Eto pala ang pinagkakaabalahan mo ah!" Kantiyaw ni Mico kay Marco sabay turo kay Adie.


"Ibaba mo iyang daliri mo Dominico at baka putulin ko iyan." Seryosong sabi ni Marco.


Dahan-dahan namang ibinaluktot ni Mico ang daliri at ibinaba habang tatawa-tawa. "He-He-He .. ikaw naman oh, 'di na mabiro." Sabay inom nito sa softdrinks sa harap.



"Paano niyo naman naging close si Adie?" Nakakunot-noong tanong ni Marco.


"Friend ko si Jean na friend din ni Adie." Simpleng sagot ni Colyn.

Tinignan ni Adie si Jean sa tabi niya at nakita niya ang itsura ng kaibigan na nagulat sa sinambit ni Colyn sa harapan nila.


Tumango nalang si Marco na tila kumbinsido naman sa sinabi ni Colyn. Ilang minuto lang ang lumipas ay tumayo na si Jean. "Uhm.. maiwan ko na kayo ah. Marami pa akong aasikasuhing trabaho." Paalam nito.

Akmang aalis na ito nang tumayo narin siya. "Tutulungan ko lang si Jean.. sige." Inangkla niya ang kanyang braso kay Jean at tumalikod na sa grupo nila Marco.


"Adie, wait!" Pigil sakanya ni Marco.


"Hmm?" Lingon niya rito. Tinignan niya ang mga kaibigan ni Marco at nakita niya ang mga nakangiting mukha ng mga ito, bagama't may tila itinatago na hindi niya mawari kung ano ba iyon.


"Aalis narin ako. Magpapaalam lang ako." Nakangiting sabi nito. Nagulat siya dahil bigla bigla nalang siya nitong halikan sa pisngi at bago ilayo ang mukha ay may ibinulong pa ito. "I'll call you later. Bye!"

Lumingon din ito sa mga kaibigan niya at kinawayan ang mga ito. "Alis na ako. Bye!" At sinundan nalang nilang lahat ang papalayong si Marco. Tila nadikit ang mga paa niya sa kinatatayuan at binabalikan parin sa isipan ang ginawang paghalik sakanya ni Marco sa harap ng kaibigan niya at kaibigan nito!


"Papasok na ako, Ads." Bulong sakanya ni Jean.

Tumango siya. "Sama na ako."

Pero bago pa naman sila makalayo ay may tumawag nanaman sakanya. Paglingon niya ay si Jeremie pala ang tumawag sakanya habang ang iba nitong mga kaibigan ay nakatingin lang sakanya.


"Do you mind if we talk?" Magalang na tanong nito.


Gusto man niyang tumanggi pero wala naman siyang magagawa. Ano ang idadahilan niya sa mga ito kung sakali mang tumanggi siya sa pag-aaya nitong makipag-usap?

At isa pa, wala naman ata siyang maisip na dahilan para kausapin siya ng mga ito, unless..


"Ms. Martin?" Pukaw sakanya ni Jeremie.


"Y-Yes." Pagpayag niya at tinignan nalang si Jean at sinabing kaya na niya iyon. Nakita niya pa ang itsura ng kaibigan na tila nag-aalala na kung ano ang mangyari pero nginitian nalang niya ito.


Dahan-dahan siyang umupo sa tapat ni Jeremiah at Colyn. Habang nasa gilid ng mga ito si Dylan at Mico. Silang apat lang ang naroon. At hula niya, ay kulang ang mga ito. Dahil alam niya, apat na lalaki ang kaibigan na matalik ni Marco.


"B-Bakit niyo ko gustong makausap?" Tanong niya sa mga ito. Kahit na kinakabahan na siya ng sobra ay pinilit niyang patatagin ang kanyang boses.




"May itatanong lang kami." Nakangiting sagot ni Dylan sakanya pero bakas sa mga mata nito na mayroon pang ibang pakay ang mga ito.



A Love to Report [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon