Thirty

68.9K 1.1K 49
                                    


Napasapo nalang si Adie sa ulo habang pinipilit na humupa ang sakit nito.

Narinig niya ang iba't ibang ingay sa paligid niya pero hindi niya iyon pinansin dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman niya.

May naramdaman siyang kamay na hinahaplos ang kanyang buhok.

Minulat niya ang kanyang mga mata, pilit na inaaninag ang taong patuloy na humahaplos sa buhok niya.


"M-Marco?" Mahinang tawag niya.

Hindi man siguradong si Marco nga iyon, pero umaasa siya na baka sakaling binalikan siya nito kung saan siya nito iniwan at nakita ang nangyari sakanya.


"Princess.. ako ito."

Pagkarinig niyang iyon tuluyan na siyang umiyak. Mabilis naman siyang niyakap ng kuya niya.

"K-Kuya.." Yumakap rin siya sa kuya Adrian niya habang umiiyak sa may dibdib nito.

"Shh.. tama na princess.. Andito kami." Alo sakanya nito.

Napansin din niyang nandoon ang Ate Alex niya na nasa tabi ng kuya niya. Naroon rin si Jean.

"N-Nasaan sila Mommy?" Tanong niya habang pinipilit na tumahan.


"Hindi pa namin sila tinatawagan.. gusto mo ba'ng tawagan na natin?" Tanong sakanya ng kuya niya.

Umiling lang siya. "Ano'ng nangyari?"


"I was in a meeting and my phone kept ringing. Nakita kong ikaw ang tumatawg but to my surprise, ibang boses. Sabi nito na dinala ka nila dito sa ospital dahil hinimatay ka daw. Adrienne, ano ba'ng nangyayari? Sabi nh doctor ay stressed ka daw at umatake nanaman ang ulcer mo. Hindi ka nanaman nagkakakain!" Sermon sakanya ng kuya niya.

Napapikit nalang si Adie ng sermunan siya ng kuya niya. Number one kasi sa speed dial niya ang kuya Adrian niya. Ayaw niya ng pinag-aalala ang parents niya dahil ayaw niyang masyadong mamroblema ang mga ito sakanya.

At kahit na ayaw niyang sinesermunan siya ng kuya niya, wala siyang choice dahil silang dalawa lang naman ang magkapatid sa mundong ito.


"I'm sorry, kuya." Nakayukong sabi niya.


Narinig niya ang pagbuga ng hininga ng kuya niya na senyales na wala naman itong magagawa pa. "Adie.." Ayan, sumuko na ang kuya niya. Hindi na buong pangalan niya ang tawag sakanya ibig sabihin, balik na ito sa pagiging maamo sakanya. "What's happening? At sino si Marco? Ito ba iyong Marco na kinukuhanan mo ng interview?" Tanong nito sakanya.


Pero hindi siya kumibo.

"Hon, huwag mo munang tanungin si Adie. Baka lalo lang siyang ma-stress sa'yo." Pigil ng Ate Alex sa kuya niya.

Bumuntong hininga nalang ang kuya niya. "Fine. Lalabas muna kami, aasikasuhin namin ang bill mo. Sabi naman ng doctor ay hindi mo naman kailangang i-confine."

Hinawakan nito ang kamay ng asawa at tsaka lumabas. Narinig pa nga niya ang huling sinabi ng kuya niya bago ito tuluyang lumabas.

"I can't believe she's not my little princess anymore."

Pagkasarado ng pintuan ay iyon naman ang paglapit sakanya ni Jean.

"Ano'ng nangyari?" Nag-aalalang tanong nito sakanya.

Kinagat niya ang kanyang labi para mapigilang maiyak nanaman.

You can't blame her. Dahil sa tuwing naaalala niya ang mga nangyari kanina nasasaktan talaga siya.

A Love to Report [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon