Twenty

67K 1.1K 11
                                    




'Kalahati na natatapos ko. I'm happy you bought me to that place.'

Napapangiti si Adie habang binabasa ang text ni Marco sakanya. Isang linggo makalipas mula ng dinala niya ito sa Picnic's Grove. They learned many things through each other. Feeling nga niya, nagdate sila nung araw na iyon eh. Tapos yung titigan nila noong sa fireworks display, she swears that there's some bolt that struck them together! Shet! Ang landi niya lang talaga!


Pinindot niya ang message box at nagsimulang mag-type ng irereply niya rito.


'Natutuwa ako at masaya ka. Konti nalang.. kaya mo iyan! :')'


Minsan gusto niyang sabunutan ang sarili dahil sa kakornihang ginagawa niya. Pero hindi niya ikakaila na kinikilig talaga siya. God, she must have really fallen deeply in Marco.

Biglang nag-vibrate ang phone niya, at lumitaw nanaman ang ngiti niya ng makitang si Marco ang nagreply. Ini-slide niya phone niya at tsaka binasa ang message nito.


'Yup, pero wala na akong inspiration. Alis ulit tayo. Ako naman ang magdadala sa'yo somewhere.'

Shet! Gusto niyang magsusumigaw ngayon mismo pero pinilit niyang hindi. Hindi pwede, lalo na nasa isang seminar siya ngayon.


'Sure. Pero may inaasikaso pa ako ngayon. Gusto mo bukas nalang?'

Ilang saglit lang ay nagreply narin ito.

'Bakit bukas pa? How about later after you finish what you're doing? I'll pick you up. Nasaan ka ba?'


Agad na nag-isip siya ng irereply rito.


"Psst.. Adie, itigil mo na iyan, kanina ka pa tinitignan nung isang usher oh." bulong sakanya ni Mel.


"Oo, sandali lang. Last na."


Mabilis na nagtype siya.


'Huwag na. Hmm..sige later punta nalang ako sa office mo after this. I gotta go, See you later!'


Matapos masend ang message ay mabilis niyang itinago ang cellphone at nakinig na sa seminar.


----

"Akala ko talaga sisitahin ka nung usher, kanina pa kaya nakatingin sa'yo." sabi ni Mel sakanya.


"Buti nalang hindi." sagot niya.


"Yup, buti nalang. Sino ba iyang katext mo at hindi mo matiis?" tudyo sakanya ni Pauline.


"Secret." nakangiting sabi niya nang lumabas siya sa isang cubicle at dumiretso sa sink kung saan nandoon ang dalawang kasama niya.



Nag-one hour break kasi ang seminar na kinabibilangan nila nina Mel at Pauline. Nakilala niya lang din ang dalawa kanina sa seminar. Magkasama kasi silang tatlo sa isang table kaya nagkakwentuhan at sila na ang naging kasa-kasama niya simula pa kaninang umaga.



Siya kasi ang pinadala ng team niya sa seminar na ito. The seminar that they're attending helps journalists on how to improve their writing skills more and the speakers serve as their inspiration to work better.



Gusto niya talagang makinig sa seminar pero hindi nangyari dahil nga katext niya si Marco kanina.



"Pa-secret secret ka pa. Halata namang boyfriend mo 'yun." sabi ni Mel habang nag-aapply ng red lipstick.


A Love to Report [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon