Thirty-seven

68.9K 1.1K 49
                                    

Tae, kahit sobrang korni at laking cut ang ginagawa sa Meteor Garden. Nakakawili paring manuod. Haha.

--------

Mag-tatatlong araw na simula ng makauwi si Adie sa Pilipinas. Balik trabaho narin siya. Sa ngayon, taga-edit muna siya ng mga works ng mga junior writers. Wala pa kasi siya sa huwisyo magsulat.

'Iniisip mo kasi siya.' Tudyo ng kanyang isipan.


Napahinga nalang siya ng maluwag habang nakaupo sa isang pwesto sa Starbucks at hinihintay matawag ang kanyang pangalan sa counter.


"One Mocha frap for Ms. Adie." Tawag ng nasa counter.

Tumayo na siya at pumunta sa counter at kinuha ang order. Umupo na siya sa kaninang pwesto at pinagmasdan ang mga taong naglalakad sa labas ng coffee shop.


"Adie?" Isang baritonong boses ang pumukaw sakanyang atensyon mula sa likod.

Napatuwid siya ng upo. Kilala niya ang boses na iyon. Biglang nagtindigan ang mga balahibo niya. Kilalang kilala niya kung kanino ang malalim na boses na iyon.

Lumunok siya ng ilang beses at dahan-dahan niyang nilingon ang lalaking nasa likod niya. Napapikit siya ng mariin ng tama nga ang hinala niya kung sino ang lalaking nasa likod niya.


"It's really you, Adie." Nakangising sabi nito. "Do you mind if I sit?" Iminuwestra nito ang upuan sa harap niya.


Sasagot na sana siya na hindi pwede pero ang hudyo ay umupo nalang bigla. Ano'ng sense pa ng pagtatanong nito sakanya 'di ba?


"Ano'ng kailangan mo, Kenneth?" Nakataas na kilay niyang tanong sa walang hiyang ex niya.

Natawa naman ito sa reaksyon niya. "Easy, I just heard your name when the lady called you. Akala ko nagkamali lang ako ng rinig, but it's really you!" Sabi nito.

Umirap siya rito. "Ayan, nakita mo na ako. Aalis na ako. Sige." Sabi niya. Kinuha niya ang frap niya at tumayo na pero hinila nito ang braso niya para sana pigilan siya pero natapon lang ito sa puting damit na suot niya.


Napatayo naman ito at kinuha ang panyo sa bulsa at pinupunasan ang nabasa niyang damit. Nanlaki ang mga mata niya nang matanto kung saan saan na napupunta ang mga kamay nito. Buong lakas niya itong tinulak.

"Ano ba!" Bulyaw niya rito. Wala na siyang pakealam kung nakakakuha na sila ng atensyon. Naiinis kasi siya sa mukha ng lalaki. Akala siguro nito hindi niya napapansin na hindi na simpleng pagpunas ang ginagawa nito sakanya.


"What? I'm just helping you." Patay-malisyang sabi nito.

She scoffed at his words. "Kahit kailan talaga, hindi ka parin nagbabago. Manyak ka parin." Nakangising sabi niya.

Nakita niya kung paano nagbago ang itsura nito. "Still can't get over what I did to you?" Nakangisi na ito nang magsalita ulit.

Natawa siya rito. "God! That was like two years ago. I don't care kung pinakasalan mo man iyang malanding secretary mo noon."


"Ken!" Tawag ng isang babae rito. Nilingon niya kung kanino nanggaling ang boses na iyon at nanlaki nalang ang mga mata niya sa nakikita. Nakita niya kung paano halikan ni Melody ang mga labi ni Kenneth.

If she can puke right there, damn! She will!

Tila napansin naman siya ni Melody pero hindi ito nagpakita ng pagkagulat man lang. "Oh, ikaw pala." Pinasadahan siya nito ng tingin. "You look..neat." Sarcastic na sabi nito.


A Love to Report [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon