Den-ly 24

18.7K 246 36
                                    

Nasan na ba ko??

Park ba to??

Beach??

AHHHH NASA MAY MANILA BAY AKOO!! –

Dito ako dinala ng mga paa ko.HOOOOOOOOO!!malayo layo din ang nilakad ko..Ngayon  ko lang narealize na nakakagaan pala sa loob ang maglakad at makipagpatintero sa mga sasakyan na dumadaan sa kalye pati na rin sa mga taong nakakasalubong mo. Sa halip kase na isipin mo yung problema na dala dala mo eh mas naiisip mo kung paano ka ba tatawid sa daan at saang direksyon ang tama at maganda mong lusutan.  (base lang to sa experience ni author,,pero try nyo nakakagaan talaga sa pakiramdam)At eto nga nakarating nga ako dito habang nagiisip pa rin ng tamang desisyon  kung ititigil ko na ba ang paglalakad o mageexplore pa ko..(pero pagod na ko…at dun ko lang naapreciate si Dora Da Explorer na ang hirap pala ng trabaho niya..pero nakakainggit nga sya e..atleast may kasama sya magexplore..answerte nya sa unggoy na si boots..e ako??  yung unggoy na gusto kong kasama.. AYUUUNN NAGPAPAKASAYA!!!)  Umakyat ako dun sa may semento na humaharang sa dagat at sa baywalk.. (malay ba ni author kung ano tawag dun -__-“) medyo mataas pero kakabwelo ko aba nakasampa ako ng bonggang bongga..Naupo ako tapos eto na naman tayo….ngayon ko talaga naramdaman na nagiisa lang ako..natulala ako at sa ilang sandali naibalik ng mga luha ko ang wisyo ko.. basta na lang sila tumutulo… T.T 

SINGHOT LANG AKO NG SINGHOT…ipinupunas ko lang to sa damit ko wala kase kong panyo…

Wala akong ginawa kundi aliwin ang sarili ko…pilit kong hinahanap ang dulo ng dagat na nakikita ko pero hindi ko Makita bukod kase sa madilim na.. humaharang yung mga luha ko sa mata na dahilan para maging blurred yung image na nakikita ko… nakakainis lang…. kase pagkatapos ng gabing to alam ko na gigising na naman ako bukas na mugto ang mata…Ano na naman kayang palusot ang sasabihin ko kapag may nagtanong kung bakit ganito ang mata ko…-___-“

“LORD… bigyan mo naman ako ng makakausap..”  -tumingin ako sa langit at nanginginig ang boses ko..

“LORD..maghihintay ako..” –tapos tumulo na naman ang mga luha ko

“LORD hindi ako aalis dito..sige ka magkakasakit ako..” –alam kong bad na kausapin sya ng ganun pero minsan talaga kase pag down na down ako palage ko na lang sya ginaganyan..kaya siguro nangyayare saken to..

“sorry Lord…ansakit kase e…hindi ko alam kung para san ang sakit na to…Lord bigyan mo lang ako ng sign kung itutuloy ko pa ba..kase kung wala na kahit masakit..pipilitin ko na syang kalimutan…wala ng urungan to..KAKALIMUTAN ko talaga sya” –napahagulhol na naman ako at napasubsob sa dalawa kong tuhod… hindi rin siguro nagustuhan ng puso ko ang bawat salitang sinasambit ko.. “ang kalimutan sya?? ang hirap kase..”

Ilang minuto lang ako na ganito..marahil ay nakatulong ang mga minutong lumipas para kahit sandali ay maging kalmado naman ako..

miss ” –may kumalabit sa likod ko..at bago naman ako lumingon..pumikit ako at tumingin sa taas “LORD THANKYOU may makakausap na ko”

PAGKALINGON KO..may isang batang lalaki na nagabot saken ng panyo (makausap ko kaya to?)…medyo madungis sya  ibang iba sa panyo na inaabot nya..malinis at nung ipinunas ko sa muka ko..mabango.. nakangiti lang sya saken..

Here in my Heart (AlyDen)Место, где живут истории. Откройте их для себя