50. Den-Ly

6.2K 147 3
                                    

Sometimes when you love someone who isn't right for you, no matter how much you love them and want them back you have to let them go..

----------

"Ly, kanina pa kitang hinahanap. Nasa garden sya. Posibleng iniintay ka lang nya dun" -sabi ni Mika ng magkasalubong sila ni Alyssa sa kitchen. Kumuha kase ito ng tubig dahil paulit ulit natutuyo ang lalamunan at labi niya.

"Yeah I saw her there...Im just..." - at napahilamos lng si Ly sa di nya maintindihang rason.

"You're just..??" -Mika

"Ahhh.. Nothing I can do this" - sabi ni Ly at mabilis na ininom ang hawak na tubig at naglakad palabas ng Garden, pero bago yun ay lumingon pa sya Kay Mika at ayun nga lumapit muli sya dito.

"Mikaaaaaa....I really don't know how to start" - at parang bata itong kumapit sa braso ni Mika habang niyugyog ito.

"Ahhh.. Pathetic phenom. I really don't know that you have this side pala. Tumigil ka nga dyan." -Hinawakan nya ang dalawang balikat ni Ly at iniikot sya paharap sa direksyon ng garden.. "Simulan mo sa kung pano kayo nagsimula noon. LAKAD!" -sabay Palo sa pwet ni Alyssa at marahan namang naglakad itong si Alyssa habang iniisip ang ibig sabihin ni Mika sa sinabi nyang iyon.

Nakarating sya sa garden at natanaw si Laura habang tuwang tuwa nitong inaamoy ang magagandang bulaklak sa garden na iyon.

That was also the same exact place where she first saw Laura the time Lola Felicia brought her in this mansion.

Naalala nya nung nilapitan nya doon ang batang Laura para ayain maghapunan. Inutusan kase ito ng Lola nila para puntahan ito doon. Tinanong pa nga nya kung paanong nalaman nya na Nasa garden iyon e natatandaan ko maghapon syang wala sa bahay at nanood ng laro ko sa bayan. "Paborito nameng lugar ni Laura iyon apo..."

"Ahh.. Laura po ang pangalan nya?" -

"Laura Michelle" -

"Kung ngayon, pwede ko po syang tawaging Chel?.. sige Lola tatawagin ko na sya" -narinig pa nya na tumutol dito ang Lola nya pero bata at stubborn sya noon kaya Hindi na nya inintindi iyon.

Napailing sya ng maalala nya ang araw na iyon. Muli nabalik ang isipan nya sa realidad.

"Hindi na ito katulad ng dati na nagmamadali akong puntahan ka, heto ako ngayon Chel kinakabahan at halos Hindi ko maihakbang ang mga paa ko patungo sayo. Alam kong sa lugar ding ito nangako ako na hinding Hindi kita sasaktan. Ito ang lugar kung saan sinabi mong mahal mo din ako. Ang lugar na pinuno naten ng saya. Lugar na punong puno ng ingay namen noon. Punong puno ng mga rosas, lily, daisy at iba pang makukulay na bulaklak na sumaksi kung gaano ako katapat na nagmamahal sayo noon. Isang dahilan kung bakit gusto ko ang garden at mga bulaklak. Pero sa dami ng ala alang yun, isang bagay lang ang hinding Hindi ko na kakalimutan at yun pang pinakamasakit, nang sinabi mong aalis ka at iiwanan mo ko sandali..."

"tssss.. Ano ba to?" -sabay punas nya sa pisngi nya ng maramdaman nyang may tumulong luha dito.

Sa wakas ay nagawa nya ring humakbang papalapit kay Laura...Sinubukan nyang alisin ang kaba.. hoooooo!!!

Hindi pa din nararamdaman ni Laura ang presenya nya, pero nakuha na naman nya ang lakas ng loob para magsimula ng conversation.

"Tama pala ang sinabi ni Lola Felicia. Napakaganda mo" -Alyssa

Nilingon nya si Alyssa... Nagulat sya sa sinabi ng pinakamamahal nya. Naroon muli ang mga paro parong nagsisiliparan sa tyan nya bukod pa sa mga paruparong talagang umaaligid sa kanila ni Alyssa ngayon sa garden nila. Nagulat man ay hinding hindi nya maaaring nakalimutan ang salitang dapat sabihin nya, malinaw pa din sa memorya ni Laura ang mga ngyari noong unang beses silang nagkita.

Here in my Heart (AlyDen)Where stories live. Discover now