AlyDen

15.6K 214 13
                                    

"I laugh, I love, I hope, I try, I hurt, I need, I fear, I cry. And I know you do the same things too, So we’re really not that different, me and you".

5 years after...

Wuhoooooohhh...

"Your girlfriend still not here huh? 30 minutes ako nag round wala pa din." - Ella, Den's forever besh plus a co-doctor in St. Lucas Hospital. Di na din talaga sila mapapaghiwalay nito.

"I've been waiting here since forever besh, di ko na alam kung saan na naman nagsusuot yun" -"nakakairita na kase talaga. Sabi lunch...lunch..lunch.. 1 pm na e usually 11:30 kame nagla-lunch dito sa hospital. Buti na nga lang at bago mag rounds tung besh ko na toh e dumaan sa office ko at may extra lunch for me."

Tok..

Tok..

Tok.

"Doc, tumawag po yung secretary ni Mam Alyssa. Naghalfday daw po ang clinic nya ngayon. On her way na daw po si Mam pero may dinaanan lang ata malapit sa restaurant nya" -saad ng secretary ni Den

"Saang restaurant baka sa Makati pa yun, buhusan ko sya ng pulang langgam dyan e" -sagot ni den

"Nag joke ka besh? Pakilinaw lang ha. Tsaka bakit kailangang idaan pa sa mga secretary nyo ang ganung usapan. Alam mo nagdududa na ko sa girlfriend mong yan. Mag aanim na taon na kayo ha wala pang ano.... hmmm ahhh nevermind (alam kase ni ella na magooverthink na naman tong si den kapag na-open nya ang di pa pagaaya sa kanya ng nobya na magpakasal... pero dahil bestfriends forever sila, gusto talaga ni ella na mag over think ito.. hahahaha). 27 and 28 years old... Di na masama. 1/3 psychologist, 1/3 multi-millionaire contracted athlete, 1/3 bussiness woman. Aba asang parte ka kaya dyan? Tapos may mga dinadaanan daanan pa? Naku, naku, naku dennise michelle ha. Wag mo mamasamain ha. Naisip ko lang. Kase lately laging nahuhuli na yan sa mga lakad nyo. Naku, naku, naku talaga" -at dahil sobrang kunot noo na si den ay minabuti na talaga nyang pumreno.

"Ako ella wag mo pinapainit ang ulo ko sa mga tanong mo kung saang parte ako ha... walang wanterd.. wanterd..wanterd.. AKIN SYA NG BUONG BUO! Kung may dinaanan man sya.. Flower shop,,, oo yun nga.. sa flower shop..Bibigyan nya ko ng flowers." -Pangungumbinsi ni dennise kay ella pati na rin sa sarili nya

"Sabi ko nga.... pero wala pa naman sya dito, may babae yun" -pabulong lang na sabi ni ella pero narinig pa rin ito ni Dennise

"Isaaaaaa...." -den

"Oo na lalabas na ko. Enjoy the date.. Wish you all the best. Babay."

"Naku, naku ella"

Maya maya pa ay pumasok na ulit sa office ang secretary ni Den.

"Mam andito na po si Mam Alyssa"

"Sige Anne (secretary ni Den) papasukin mo" -sabi ni Den habang nakasubsub sa table nya. Dinalaw na din kase sya ng antok kakaintay. It's already 2pm ng dumating ito

Narinig nyang nagbukas ulit ang pinto ng office nya. Narinig din nya ang taginting ng pag ka lock dito kaya agad syang napaupo ng ayos.

Gulo gulo na ang buhok ni dennise ng makita ito ni Ly.

Nakangiti lang naman si Ly na animoy nagpapacute sa girlfriend habang kamot ang batok at nakapamulsa pa. Kitang kita mo ang pagbabago sa kanya sa loob ng 5 taon. Mas pormal na ang mga suot nito at mas tumapang pa ang vanilla scent na perfume na ginamit nito. Mas malaking dagdag appeal dito ang paglapad ng balikat nya dulot ng mas matinding training sa volleyball. Sabi nga sa kanya ni alyssa kung babayaran ka rin lang ng malaki, dapat hindi mo binibigo ang mga bosses mo. Todo training yan at pabibo sa mga liga. Nag pa gupit na rin sya hanggang balikat at palaging nakapusod ang taas na bahagi (sana nagets nyo, yung bagong usong pusod ng mga lalaki na mahaba buhok, taas lang na part yung nakapusod). Yung eyebags nya na pinagpuyatan nya talaga e mas bumagay sa kanya ngayon, lalo na pag ngumingiti sya at biglang sasabayan ng di ko na mabilang na biloy.

Here in my Heart (AlyDen)Where stories live. Discover now