18. Den-Ly

19.7K 191 15
                                    

Den’s POV

Nagtraining lang.. Nakarating lang sa old school, KINALIMUTAN NA KO??

Asan ang katarungan…???

Alyssa..why you keep on doin this to me??…for that simple thing..sobra mo na kong nasasaktan…

Kanina ko pa sya tinatawagan pero unattended naman lage..nung tinawagan ko naman si ate fille – e sabi nya 5:30pm pa daw naCut ang training nila at di nya din alam kung asan si alyssa..Maaga din naman umuwe si jirah kaso diretso sa room na sya at sobrang pagod.Hindi ko na lang din tinanong about kay Aly kase alam ko lolokohin na naman ako nun.

Hindi ko alam kung bakit ko kelangang magalala ng ganito sa taong walang pakialam saken..Gusto kong mainis sa kanya but at the same time more on myself kase maghapon na lang sya yung tumatakbo sa isipan ko..yung taong basta ako iniwan kanina..yung taong hindi nagpaalam saken..yung taong di marunong magparamdam..Nasa room lang ako hawak yung phone, nakabukas yung laffy ko at syempre nasa page ni Ly..may mga pictures kase na bagong upload lang...nagvovolleyball kse sya..sa gym siguro to  ng girls school. Tapos may caption na “she’s back in the atmosphere

Naiimagine ko yung mga ngiting tagumpay ng fans nito..Kung isaisahin ko na kaya silang patumbahin..?kung magsisimula ako ngayon siguro 3014 na hindi pa ko tapos..hayyyy dedma ko na nga lang mga fans nya pati ba naman sila isipin ko pa.      

10 pm…ayan 10pm nagtext sya..Gising pa ko nyan..Pinilit ko kaseng matulog kaso hindi ko talaga kaya..im worried about her..

From: Labss

Sorry labss for not answering your call and messages .DeadBat ako kanina. Goodnight..see you tomorrow J

Hindi ko sya nireplyan..nabalot lang ako ng inis..ewan pero nakakainis… >___

Next Day

Dito na ko sa school at magpapark ng sasakyan.. May isang sasakyan na kakapark lang pero hindi pa rin bumababa yung driver.Alam nyo kung ano nakakainis ulit..? Dun sya ngpark sa place na pinaparkan lage ni Alyssa nung car nya.. kuooohh..kahit naiinis ako kay Aly kelangan ko paalisin yung chuchu na yun dun aba,,aba..hindi nya lugar yun.. bababa na sana ko ng sasakyan ko ng bumaba ang isang babae mula sa pulang sasakyan na yun..

Isang babaeng kagabe lang ayyy kinaiinisan ko pero nung nakita ko na sya nawala lahat..pero hindi pwede yun..may kasalanan sya..DENNNN mainis ka…deeeennn…teka..teka..new car?? Nakasandal sya dun at busy sa phone nya may katawagan..hindi ko naman maririnig yung usapan kase nasa loob ako ng sasakyan ko…

Iniintay ko lang sya mauna papasok ng classroom..ayoko sumabay sa kanya… -__-“

Tagal naman ni Alyssa umalis..

At ayan na..ayan na..naglalakad na sya..

Pero..pero teka..papalapit sya sa car ko..

Yumuko naman ako… tapos kinakatok nya bintana ng car ko… tapos sumilip sya sa loob at nakita nya siguro ko..tssss no choice bumaba na ko..

Naglakad na ko ng mabilis na mabilis papunta sa building ng department namen at hindi ko sya pinapansin.

HEY!! ” –sabi nya (makaHey DI KAME CLOSE)

Lakad lang ako ng lakad..sunod naman ng sunod etong langaw na to…tapos nagovertake sya at humarap saken..naglalakad na ngayon sya ng paurong…dirediretso pa din ako..wala ako pakialam sa kanya..

Hey..i just met you..and this is crazy..” –kumanta pa sya  nyan at umayos na sya ng paglalakad..magkasabay na kame pero hindi ko sya kinakausap

Here in my Heart (AlyDen)Where stories live. Discover now