55. Den-ly

7.3K 139 9
                                    

I love it when I see old couples in love b’coz it makes me believe that TRUE LOVE does exist.

-////////-////////-

"Sino sya Amelina?"-

Tinutukoy nito ang babaeng yakap ni Alyssa sa may bakuran.

"Sya si Dennise!"-

This is the night when alyssa and dennise talked over things. Ito rin ang gabi na inaya ni Lola Felicia si Lola Amelina sa kusina upang kumuha ng maiinom dahil hindi rin ito makatulog.

"Akala ko kanina pang tulog ang mga bata. It's almost 12 na at anong--- a-a--" -at napatakip naman ng bibig sa gulat ang matanda ng makita ang ginawang paghalik sa labi ni ALyssa sa kasamang babae.

"A-an-nong ibig sabihin nito Amelina!!?" -

"Marami ka ng hindi alam Felicia--"

"Dahil ang alam ko ay Ikakasal ang APO KO KAY ALYSSA!, AT YUN ANG DAHILAN KAYA NARITO AKO, KAME NI LAURA!"

Napayuko si lola amelina sa itinuran ng matanda dahil sa malamang ay hindi iyon ang inaasahan nitong dahilan ng paguwi ni Felicia.

Napansin naman ito ng isang matanda at agad na hinawakan ang nangungulubot na kamay ni Lola Amelina.

Hinawakan nito ang pisngi ni Lola Amelina.

"Gusto mong mangyari sa mga bata ang nangyari sa atin noon?" -lola amelina

"Aminin man naten o hindi, amelina naging masaya tayo!" -

"Pero alam kong mas sasaya ako kasama ka!" -lola amelina

"Pero mahal ni Laura si Alyssa!" -

"At mahal ni Dennise at alyssa ang isa't isa" - turan  ni lola amelina at sa oras na iyon ay iniharap ni lola amelina si lola felicia sa imahe ng dalawang taong naghahalikan.

"Paano to ngyare? Mahal nya si laura alam ko, nasaksihan ko iyon amelina, alam ba ito ni laura o ginagawa nya ito sa likod ni laura? Paano to natanggap ni laura, amelina masasaktan ang apo ko, alam ko ang pakiramdam ng ganito. Ang makita kang ikinakasal sa iba hi---"

"Marunong syang magbalik ng bagay na hindi sa kanya, handa syang magparaya para sa taong mahal nya. Felicia masakit para kay laura pero alam nya kung paano isuko ang sariling kaligayahan para sa kapakanan ng iba. Ganyan mo sa kanya itinuro ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Noong kailangan nating maghiwalay at sundin kung ano ang gusto ng magulang naten, sinunod naten kung anong sa tingin nila ay tama dahil mahal naten sila. Mapanghusga ang mundo at aminin na naten na nangibabaw ang takot sa atin kesa sa paghahangad na sundin ang sariling kaligayahan. Gayunpaman nangako tayo na sa tamang panahon pipilitin nating itama ang lahat. Felicia at ngayon ang tamang panahon na yun. Hindi pa naging huli ang lahat. Kumulubot man ang balat ko, pumuti man ang buhok ko, kahit nakukuba na ang likod ko at hindi na ako ganoon kabilis tumakbo nanatili pa ring sariwa ang alaala kung paano kita minahal noon hanggang ngayon (ngumiti si lola amelina kay lola felicia, matapos nyang ipaalala ang kanilang naging sitwasyon at kung paano naging maayos ang lahat) Alam kong ikaw ang unang nasasaktan ngayon para kay laura, pero alam mong may mali din siya sa naging relasyon nila ni alyssa kaya posibleng mauwi ang lahat sa ganito. Felicia ilang taon na ang nakalipas pero hindi nyo man lang ba naisip na ganito, na magiging ganito? Matagal ding nasaktan si alyssa ng iwanan nyo sya at siguro naman ay may karapatan ang poging yan na sumaya. At si dennise, dumating sya. Dumating sya para mahalin si alyssa, at dumating si alyssa para mahalin si Dennise. Balibaliktarin man natin e ganun pa din at iisa lang ang ibig sabihin. Kaya Felicia, wag na naten silang pakialaman."

Here in my Heart (AlyDen)Where stories live. Discover now