8 : Jacket

38 0 0
                                    

A/N:
Paki play na lang po yung vid sa taas! ^__^
<<<<<>>>>>>

Sya kaya yong humalik sakin? Biglang sumipot yung tanong na ito sa utak ko. Hmph no way! Di pwede noh? Anu ba namang tanong yan.

"Peram." Sabi nya at kinuha yong Ipod ko. Nagpunta sya sa spotify at shinuffle na lang nya at nagplay ang Can I be Him. Naalala ko tuloy yong lalaking humalik saakin kanina. >.<

"You walked into the room and now my hearts been stolen." Kanta nya. Nakakaakit yong boses nya. Ang ganda pa at mukang malungkot ang muka nya. May pinagdadaanan kaya to?
Tinuloy nya lang ang pag kanta habang ako naman ay nakikinig lang.

"Now you're all I want and I knew it from the very first moment." Knanta nya ang mga salitang iyon habang nakatitig saakin.

"I swear that every word you sing you wrote them for me.
Like it as a private show but I know you never saw me.
When the lights come on and I'm on my own will you be there to sing it again
Could I be the one you talk about in all your stories
Can I be him?" Kanta nya at hindi inaalis ang mga titig saakin. Luh baka naman matunaw ako neto ah. Sinabayan ko syang kumanta nong sa pangalawang chorus na. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Yong kayong dalawa lang at walang iniisip at gumugulo na iba. Luh wth am I thinking?

Sumimoy ang malamig na hangin at gininaw ako kaya napahawak ako sa mga braso ko.

"Here. Wear this." Sabi ni Ice habang hinubad yong kanyang jacket na itim at inabot saakin.

"May sakit ka ba?" Tanong ko sakanya. Kelan pa ba sya naging mabait saakin?

"Tss mag thank you ka na lang kaya noh?" Sabi nya sabay dutdot sa noo ko.

"Ah! Thanks." Sabi ko at tinanggap yong jacket at sinuot. It feels soft and warm na parang gusto ko na manatili na ganon na lang palagi.

"Do you really like him? Jason I mean." Tanong nya out of the blue.

"Hindi ko nga alam eh. Nagustuhan ko naman sya nang halos ilang taon pero ngayong may chance ako ay may pumipigil saakin." Sabi ko at tiningnan sya, nakatitig na pala sya saakin.

"Pumipigil? Why?"

"I don't know. May gumugulo kasi sakin eh."

"What is it?"

"Nevermind that."

"Di ka pa ba babalik sainyo nyo? It's almost 1 am."

"Ikaw ba?" Tanong ko at kinuha yong beer nya na hawak at ininom, hinayaan nya lang naman ako.

"Babalik na ko pag babalik ka na." Sagot nya habang nakatingin sa malayo at parang may malalim na iniisip.

"Okay. Let's go." Sabi ko sabay tayo at pinuntahan si Kiwi. Sumunod naman sya. Kinuha nya na rin si Vivi.

"Mahilig ka pala sa aso." Sabi ko at pinet yong ulo ni Vivi. Ngumisi lang sya sa sinabi ko. Magkasama kaming naglalakad. Parang na-aawkwardan ako? Tahimik kasi eh. Biglang sumagi sa isip ko si Anna at nainis ako pero at the same time na-curious.

"So kamusta kayo ni Anna?" Tanong ko at mismong ako ay napansin ang pagkairita sa boses ko ng nabanggit ang pangalan nya.

"Di naman kami eh." Bat ako nakaramdam ng pagkatuwa nang sinabi nya iyon? Tumango na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Why?" Tanong nya at napatingin ako sakanya at nakatitig na sya saakin. Kumalabog nanaman ang dibdib ko. Whyyy?!

"Curious lang."

"Tss." Sabi nya at nandun na kami sa tapat ng bahay nila pero hindi pa sya umalis. Kumunot ang noo ko at nabasa nya ang nasa isip ko.

"Hahatid na kita sainyo. Baka kung ano mangyari sayo eh. Malapit lang naman bahay nyo." Sabi nya at hinawakan ang pulso ko para hilahin ako papunta sa bahay ko.

"Thank you sa paghatid." Sabi ko. "Goodnight Vivi" at pinet ulit ito. "Night Ice, bukas na lang." sabi ko at nginitian sya.

"Matulog ka na ah. May pasok pa tayo bukas at mag-ingat ka sa pagakyat." Sabi nya at hinintay akong maka-akyat. Inabot nya saakin si Kiwi sa ilalim nung gate.

"Bye."

"Bye."

Pumasok na ko sa kwarto ko at nahiga. Napansin ko na suot ko parin ang jacket ni Ice at nakalimutan ko itong isoli. Inamoy ko ito at nalanghap ko ang amoy ng pabango nya. Jusko ang bangooo! Warm parin sa pakiramdam ko. Naisipan ko na itext sya.

"Hey. Forgot to return your jacket. Bukas na lang. Salamat. :)"

"No problem. :))" agad syang nagreply sa text ko. "Goodnight, Alaska. Sweet dreams."Sya lang ang tumatawag saakin ng Alaska and I feel happy everytime he says my name. Omg why?!

"Goodnight." Nakakailang goodnight na ba kami? 😂😂

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Take me with youWhere stories live. Discover now