5 : First Kiss ?

23 3 0
                                    

Pagkatapos ng pamimili namin  ay kumain kami sa isang fast food. Umorder kami ng kanya kanyang gusto at treat daw ni Jace since malapit na naman ang birthday nya. Bigtime ah.
Katabi ko si Jason at si Avah naman sa kanan ko tapos si Ivan. Sa kabilang side naman ay si Ice at Anna, Clare at Jace.

Nagkekwentuhan lang kami nang bigla akong tinanong ni Jason.

"Alaska.. uhm. M-may I court you?" Sabi nya at biglang namula. Natigilan ako at pati rin ang mga kaibigan namin ay natigilan sa tanong na iyon ni Jason. Nabalot kami ng nakabibinging katahimikan. Ni isa ay walang nagsasalita o kumikibo. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o irereact ko. Pwede bang magpakain na sa lupa? Nararamdaman ko na ang pisngi kong nangangamatis ngayon. Nakita kong nagkasalubong ang dalawang kilay ni Ice.

"Uy Alaska! Muka ka ng kamatis!" Pamamasag ni Jace ng katahimikan sabay halakhak. Natawa rin naman ang iba. So ako? Tatawa ba ko o ano. Nangisi si Jason sakin at kinurot ang pisngi ko.

"You answer that anytime. Guess right now isn't the time." Sabi nya sabay ngiti sakin. Nginitian ko na lang din sya para hindi masyadong awkward. Napaisip ako sa tanong nya. Bakit parang gusto ko na hindi? Gusto kong umoo pero may pumipigil saakin. Bakit? Gusto ko naman sya ha? Hindi ko na iyon inisip at kumain na lang.

"Babe, say aahh." Sabi ni Anna habang nakaturo ang kutsara sa bibig ni Ice at hinihintay itong buksan. Ngumanga naman si Ice at nginuya ang pagkain. Hinalikan ulit sya ni Anna sa pisngi. Naiinis na ko ah. He looks so happy and I don't know kung bakit ako naiinis.

Tinext ko si mommy na baka malate ako ng konti sa pag-uwi at nagmall pa kami ng friends ko. Baka kasi pagalitan ako. Kasi naman umorder pa sila ng beer kaya alam na namin kung san ito patungo. Malapit na magsarado ang mall kaya wala na masyadong tao.

"Cr muna ko." Paalam ko sakanila pero biglang hinawakan ni Jason ang wrist ko.

"Hm?" Tanong ko sakanya habang magkatinginan kami sa mata.

"Balik ka kagad." Sabi nya at binitawan ako. Bakit? Natawa ako sa loob loob ko.

"Makapag sabi naman tong si Jason ng balik sya kagad kala mong mawawala eh." halakhak ni Avah. Natawa rin sila at nabaling ako ng tingin kay Icr na nakatitig sakin at umiwas kaagad. Bat ko ba sya tinitingnan in the first place? Umalis na ako at pumuntang cr. Wala kasing restroom sa loob nong restau kaya kaylangan ko pa lumakad ng medyo malayo.

Pagkadating ko restroom ay walang tao. Nagpunta ako sa tapat ng salamin at naghilamos. Pagkatapos at kumuha ako ng tissue para ipunas. Nang palabas na ako ay biglang namatay ang ilaw at narinig kong sumara ang pinto. Jusko mamamatay na ba ko?! Wag muna!! Di pa ko ready! Narinig kong naglakad yong tao papunta saakin kaya nagpunta ako sa sulok ng pader at nagtakip ng muka. Ilang segundo matapos nuon ay naramdaman ko na ang malamig at amoy mint nyang hininga. Nakatukod ang buong katawan ko sa pader habang hawak hawak nya ang isang kamay nya sa balikat ko at ang isa naman ay nasa pader.

"Why him?" Sa toni ng boses nya ay napagalaman kong lalaki sya at ang husky ng boses nya. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nya at sa gulat at takot ko ay di ako nakasagot.

"Ganun ka ba ka-manhid?" Nabasag ang boses nya at naramdaman ko dito ang sakit na nararamdaman nya. Hindi parin ako nagsasalita.

"Can I be him?" Pagkasabi nya ng mga salitang ay naramdaman ko ang labi nya sa labi ko! Nablangko ang utak ko.

..
..
..
..
..
..
..

Nabigla ako at naestatwa sa kinatayatuan ko. First kiss. Fist kiss ko iyon at napunta lang sa isang misteryosong lalaki! Sa sobrang pagkablangko ko ay di ko namalayan na umalis na pala sya at naiwang bukas ang pintuan.

<<<<<>>>>>
A/N:
So ano, may something fishy na noh? HAHAHA hope you're all enjoying!Lablatsss!! ❤️

Take me with youWhere stories live. Discover now