7 : Eavesdrop

25 0 0
                                    

Nagising ako ng nakatigil ang sasakyan at si Ice ay nasa labas ng sasakyan na nakasandal at naninigarilyo. Nandito na pala kami sa bahay namin.

"Bat di mo ko ginising?" Sabi ko nang lumabas ako. Nang makita nya ko ay tinapon ny ang yosi sa basurahan sa gilid at pinatay.

"Himbing ng tulog mo eh."

"Kanina pa ba tayo nandito?" Tanong ko habang humihikab pa.

"Medyo. Atleast 20 minutes?" Antagal din pala.

"Thank you sa paghatid. Umuwi ka na." Sabi ko at binuksan yong gate namin. Di pa naman gaanong late. Mga 10 palang naman kaya baka gising pa sina mommy.

"Alaska." Tawag nya sakin at napatingin ako.

"Hm?"

"Goodnight, sleep well at wag ka muna masyadong mag-isip. Una na ko, see you." Nagulat ako at kelan pa sya naging mabait saakin?

"Okay. Goodnight see you." Sabi ko. Magkalapit lang kasi yong bahay namin. Same kasi kami ng block ni Ice sa village namin.

Pagkasabi ko nuon ay nginitian nya ko at umalis na. Ngumiti rin ako na parang tanga. Wait. Bat ako ngumiti? Aytt. Nakasalubong ko si mommy ng paakyat na ko sa kwarto ko.

"Napa-gabi ka?" Tanong nya at kumiss sakin.

"Yes ma. Napashopping eh." Sabi ko na lang at hindi ko na minention na uminom talaga sila at yung sa tulog ko. "Goodnight, tulog na po ako." At umakyat na.

"Okay goodnight anak."

Pagka-akyat ko ay bumungad kaagad saakin si Kiwi. Yung aso ko. Hayy namiss ko sya.

"Wait lang ha. Maliligo lang si mommy!"

Kumuha ako ng damit at naligo. Paglabas ko ay may nagtext saakin.

Avah: Nakauwi ka na?

Jason : Are you asleep?

Nagbihis muna ako ng pajama at tshirt bago replyan.

Avah - Yep. Why?
Avah : just checking. Baka di ka na inuwi ni Jason eh. Hahaha.
Avah - lul! Goodnight na.

Jason - Can't sleep. You?
Jason: May I call? Sabi nya at biglang tumawag. Wala pa kong sagot na oo! 😂 umubo muna ako bago ko sagutin.

Jason : "I just want to hear your voice." Sabi nya at naramdaman ko ang ngiti nya habang sinasabi iyon.

Me : "haha ayan narinig mo na. Tulog ka na may pasok pa tayo bukas."

Jason : "Sige po. Sunduin kita bukas. Sabay tayo pumasok." Sinabi nya iyon ng hindi patanong.

Me : "Sige. Tulog ka na tulog na rin ako. Goodnight Jason."

Jason : "Goodnight Vi. I-I.. see you tomorrow." Di na nya naituloy yung mga sasabihin nya. Binaba ko na lang yung call at humiga. Tumulala ako sa kisame ng kwarto ko. Tiningnan ko ang orasan at 11 palang. Hindi pa ko dinadapuan ng antok. Umakyat si Kiwi sa kama ko at kinulit ako.

"Yes baby? Gabi na ah sleep ka na." Sabi ko at niyakap sya.

"Pagod na pagod si mommy mo. Alam mo ba? Si Jason liligawan raw ako! And eto pa yung first kiss ko! Wala na!" Sabi ko sakanya at dinilaan nya ko sa kamay.

Nagpunta ako sa balcony ng kwaro ko. Ang tahimik sa village. Kung sana ay ganto na lang araw araw. Bored na bored ako kaya naisipan kong maglakad lakad sa labas kasama si Kiwi. Maingat akong bumaba para hindi magising sina mommy. Nandun na ko sa labas at gate na ang bubuksan ko kaso nakalock na ito at tulog na yong guard sa gate namin kaya kaylangan kong akyatin yung pader. Si kiwi naman ay susuot na lang sa ilalim ng gate at kasya naman sya.

"Dating gawi Alaska." Sabi ko sa sarili ko. Inalyat ko yung puno at nang nakatungtong na ako sa pader ay tumalon na ko pababa. Nakaleggings lang ako at medyo loose shirt na itim ako na itim para komportable.

"Come kiwi!" Tawag ko sakanya sa ilalim ng gate namin at lumapit naman ito at lumusot. Basic.

Naglakad na kaming dalawa at mapadpad kami sa playground. Umupo ako sa swing. Walag katao tao. Sabagay at 11:30 na rin naman. Hinayaan kong maglaro si Kiwi.

"Putcha ano ba naman to. Una ay yong panliligaw ni Jason. Tapos ngayon yung first kiss ko naman? Sino ba kasi yung lalaki na yun? Si Jason kaya? Pero sabi Can I be him? Bat di na lang ako? Gulong gulo na ko. Wala namang magkakagusto sakin ah? Posible kayang nagkamali lang sya ng babae? Pero hinalikan nya ko! Hindi pwedeng mali sya. Alam nya yong pangalan ko. Sino syaaa? I can't stop overthinking." Sinabi ko ang mga salitang yan sa sarili ko habang pinapanood si Kiwi na nakikipag laro sa aso. Wait what?!

"So tell me about it." Sabi ng isang lalaki na nakaupo sa tabi ko. Wait omo! Nakikinig sya?! Naagaw nya ang buong atensyon ko at napatalon ako ng makita kong si Ice iyon!

"What the..?! Nakikinig ka? Narinig mo lahat?!" Gulat kong tanong sakanya.

"What if I said yes?"

"Tss wala naman akong magagawa. Narinig mo na eh."

"So what about the kiss?" Interesado nyang tanong.

"None of your business!" Masungit kong sabi.

"Tss. Alam kong gusto mo ng kausap tungkol dyan kaya just let it go. Makikinig lang ako. And baka mabawasan rin ang pagoover think mo." Sabi nya at nagbuntong hininga na lang ako.

"Nasa cr kasi ako nun nang namatay yung mga ilaw at may lalaking humalik saakin. It seems na may gusto sya saakin? Tapos nagseselos ata or something. You know what I mean, narinig mo naman ang mga sinabi ko kanina right?" Nung natapos ako ay tumingin sya sa malayo.

"Torpe naman non." Sabi nya at pinagmasdan si Vivi at Kiwi na naglalaro sa damuhan.

"So bakit hindi ka umoo kay Jason?" Tanong nya at tinitigan ako.

"Di ko rin alam. Part of me wants to say yes and but there's also a part of me that says I shouldn't. Ang gulo diba?" Pero wait, alam nya na may gusto ako kay Jason?

"Alam mo na crush ko si Jason?!" Gulat kong tanong sakanya. Natagalan naman bago sya sumagot.

"Di ba obvious?"

"Sino nagsabi sayo? Pano mo nalaman? Sino pa nakakalaam? Kelan pa?"

"Isa- isa lang tss. Secret. Secret. Lahat kami. Secret." At natawa sya ng bahagya. So it means alam rin ni Jason?! Nooo!! Pano na to? Kelan pa?! Ganun ba ko kahalata o may magsabi?

Hindi na lang ako umimik at baka may masabi pa kong hindi maganda. Ayoko na rin isipin at maisip iyon kaya nanahimik na lang ako. Kinuha ko yung ipod ko at nag-earphones.

Kinuha ni Ice yong isang headphone at sinuot ito.

"Huy ano ba!" Sabi ko at inagaw yun pero hindi nya pinaagaw.

"Eto naman, pa share lang. matapos kita pagdrive kanina." Sabi nya at nakinig na lang habang sinandal yung ulo nya sa tali nung swing, ganun lang rin ang ginawa ko.

Take me with youWhere stories live. Discover now