2 : Vulnerable

39 2 0
                                    

A/N:
Pakiplay po yung vid. Imaginine nyo na lang na sila yung kumakanta hehe. ^__^

••••••••
A l a s k a

Nagsimula na kong magstrum ng gitara at si Jason at Ice ang kakanta.

"Share with me the blankets that you're wrapped in.." panimula ni Jason. Ang ganda ng boses nya at pakiramdam ko ay lalo akong nahuhulog sakanya.

Pakiramdam ko ay namumula ako habang nag-gigitara duon. Ang swerte ko naman at makakaduet ko pa si Jason at Ice. Isa sa mga sikat, pinakagwapo at mayayaman dito sa Dream High.

"And your slowly shaking fingertips, show that your sacred like me so let's pretend we're alone..." nahumaling rin ako sa boses ni Ice, pakiramdam ko tuloy ay ako ang kinakantahan nila.

"I promise I can be anyone, I can be anything. Just because you were hurt doesn't mean you shouldn't bleed. I can be anyone..." salitan nilang pagkanta. Hindi ko maitanggi na talaga naman na nakakamangha ang talento nilang dalawa na kahit sila Avah na nagpapractice ng kanilang sayaw ay napatigil sa pagsasayaw at nanood na lang saamin.

"Please don't tell me that I'm the only one that's vulnerable, impossible." Kinanta ni Jason ang mga huling salita ng nakatitig sakin habang nakangisi. Jusko pakiramdam ko ay panaginip lang ang lahat. Naramdaman ko na nag-iinit ang mga pisngi ko sa kilig.

Pagkatapos non ay pumalakpak sila Clare, si Ice naman ay nagpunta sa dulo at naupo. Nilabas nya ang kanyang phone at nagearphones na lang.

"Tara na uwe! May nanalo na!" Sigaw ni Jace at nagtawanan naman kaming lahat.

Bumalik na sila sa pagpapractice ng sayaw habang ako ay nagstrum na lang ulit dahil wala akong magawa. Tinabihan ako ni Jason at kinabahan naman ako nang nagsimula syang magsalita.

"May susuot ka na para sa ball next week?" Tanong nya sakin habang nakatingin sa mga mata ko. Ayytt sarap magpakain sa lupa ha.

"Uhmm.. wala pa eh. Ikaw ba?" Mahinhon kong tanong sakanya. Nakakahiya jusme!

"Wala pa din. Sabay tayo pumili?" Sabi nya at hindi nya parin inaalis ang titig nya sa mga mata ko. 😫

Napangiti ako dahil hindi ko na mapigilan ang kilig ko. Mahirap itago enebe.

"Sure. Sabay ka na lang samin mamaya, pupunta kaming mall para pumili." Sabi ko sakanya. Hindi ko na kinaya ang pagtititigan na iyon kaya nilagpasan ko muna sya ng tingin at nakita ko si Ice na nakatitig sakin, nagulat sya nang makita akong nakatingin kaya umiwas sya bigla ng tingin.
Weird? Sabi ko sa sarili ko.

"Sige, isama ko na rin sila Ivan dahil wala padin naman silang susuotin. Masked nga daw and theme diba?" Sabi nya.

"Oo nga raw at masked. Kita na lang tayo sa lobby mamayang dismissal." Sabi ko habang nakangiti.

Umalis si Jason para tabihan si Ice. Pinagmasdan ko syang tumayo at nginisian si Ice na nakatingin din sakanya ngumit walang reaksyon.

Nang matapos na sila Clare at Avah ay napagdesisyunan namin na pumunta sa garden sa likod ng school upang doon magpahinga at kumain ng lunch.

"Sunod na lang kami sainyo duon." Sabi ni Jace nang paalis na kami.

Take me with youWhere stories live. Discover now