4: Mask

31 2 0
                                    

Uwian na namin kaya nagpunta na kagad ako sa lobby para makipag kita kela Avah. Pagdating ko duon ay wala pa ni isa sakanila ang dumarating kaya naman ay naupo muna ako sa mga benches don. Hinayaan ko na lang at maaga pa naman. Maya maya ay dumating si Ice na may kasamang babae, tss si Anna pa talaga dinala nya ha. Kasali kasi yun sa cheerleading team namin at maganda at sexy nga naman sya kaya hindi na ko magtataka kung maakit dito si Ice pero lately he's been like this. Parating may kasamang babae na ka-fling nya. Naiinis ako, buti pa si Jason, hindi sya mababae pero sabi nila ay sya ang player sa tropa nila pero hindi naman ako naniniwala.

"So babe, san punta nyo?" Tanong ni Anna gamit yong mapang-akit nyang boses. Nakakainis at dito pa nilang napiling maglandian.

"Sa mall, magsusukat ng damit for the masquerade." Sabi ni Ice.

"Sabay ako para terno tayo." Ani Anna habang kinindatan pa si Ice at hinalikan sa pisngi. Ugh just wth -__- pero bakit ba ko naiinis? Ano bang pake ko? Duh what's wrong with you Alaska!

Nagdecide kami na magdalawang kotse since 8 kaming lahat at deretso uwi narin naman kami. Ang kasama ko sa kotse ko ay si Jason, na syang magdadrive, ako sa front seat. Ang nasa likod naman ay si Ice na katabi si Anna. Sa kabilang kotse si Jace,Clare, Avah at Ivan.

Nagkekwentuhan at nagbubulungan lang si Ice at Anna sa likod habang naghaharutan on the way sa mall. Kami naman ni Jason ay naguusap lang.

"May partner ka na for the masquerade?" Tanong nya at bumaling ng tingin sakin. Katik na kong matunaw deym.

"Wala pa. Ikaw?"

"That's nice. Invite sana kita kung pwede?" Tanong nya habang nakangisi sakin at binalik ang tingin sa kalsada.
Wth! Mark Jason Lopez just invited me to dance omg why not diba. Nabaling ang tingin ko sa rear view mirror at nakitang nakatitig ng seryoso sakin si Ice pero umiwas din ng nakitang nakatingin ako, natigil din ang paghaharutan ng dalawa sa likod. 🤔

"Sure" sabi ko at nginitian sya. Aigoo! Tiningnan ko ulit si Ice sa likod gamit yung salamin at nakatingin lang ito sa bintana at tahimik habang si Anna ay nakasandal sa balikat nya.

<><><><><><><>
Pagkapark ni Jason ay lumabas na kami at nagkita-kita sa entrance ng mall. Nagpunta kami sa tita ni Ice na may ari ng isang shop duon. Fashion Designer kasi ang tita nya kaya madadalian kami sa pamimili.

"Maliit naman ang waist line mo, mahaba ang buhok mo and sakto lang din naman ang height mo and maputi ka naman kaya hindi ako mahihirapan hanapan ka ng dress." Paliwanag ng tita Mae. Tumango naman ako at sinundan sya sa mga dress section.

"So you like black right? Meron ako dito." Sabay turo nya sa isang mahabang dress na hanggang ankle ko ang haba. Cinocover nito ang arms ko at ang top nito ay lacy, pati yung sleeves ay lacy din at pagdating sa waist pababa ay all black sya. Ang ganda nya and I liked it. Nagpakita si tita Mae ng iba pang dresses pero iyon talaga yung nagustuhan ko kaya pinasukat nya sakin ito.

"Wow. Bagay sayo Alaska!" Sabi ni tita at ngumiti. Nginitian ko lang din sya at nang makita ako nila Avah ay ngumiti sila at nag thumbs up.

"Bagay sayo Vi!" Excited na sabi ni Avah at Clare sakin. Si Anna naman ay nagroll lang ng eyes nya. Nakita kong papalapit sakin si Jason at naramdaman ko ang pisngi kong nagiinit.

"You look beautiful." Sabi nya at tiningnan ako sa mata. Meged stob it!

"Thanks" nahihiya kong sagot sakanya at yumuko. Nadaanan ko ng tingin si Ice at nakitang nakatingin ito sakin at parang may malalim na iniisip. Hindi man lang sya umiwas ng tingin. May nagawa ba ko?

Ang suot ni Avah ay white dress na may mga silver crystals. Maganda at bagay sakanya ito. Ang partner nya raw ay si Ivan. Mukang naglalamabutihan sila ah. Si Clare naman ay naka red at parang pa tube and dating pero naka pa-ekis eto sa kanyang leeg. Si Anna naman ay hindi ko na pinansin ang suot. Ang boys naman ay mga naka tux na black para bumagay sa kahit anong dress ng partner nila.

"Thank you po tita Mae, and Ice." Sabi ko, at napatingin sakin si Ice.

"No problem." Sabay ngiti ni tita Mae saamin.

"See you po tita!" Sabi ni Avah at umalis na kami.

Nagdesisyon kami na bumili na ng maskara para sa event. Ang napili ko ay yong color black at may mga design na feather sa gilid at crystals na silver, pareho kami ni Jason na ganun and binili. Yong kay Clare naman ay red para terno sa kanyang gown at si Avah naman ay dark violet para match ng kanyang heels.
Si Ivan ay dark violet rin para pareho din sila ni Avah at partners sila. Si Clare naman ay walang choice kundi si Jace na lang dahil yong crush nyang si James ng varsity namin ay may partner na at taken na din naman yun. Si Ice naman ay di ko napansin kung bumili o hindi dahil wala syang hawak na mask.

"Excited na kong makasayaw ka." Bulong ni Jason sakin pero malakas rin ng konti, sapat na para marinig ni Ice na nasa likod nya at napatingin. Napansin kong nagkunot noo sya at sinamahan si Anna na bumili ng mask nya.

Take me with youWhere stories live. Discover now