CHAPTER 15 ~ Mr. Malandi ~

138K 2.8K 202
                                    

CHAPTER 15

SKY'S POV

Kasalukuyan akong naglalakad sa malawak na lupain ng BHO CAMP. As usual wala na naman akong ginagawa. Natapos ko na ang tatlong nobela ko at naipasa ko na iyon. At dahil hindi naman ako nagtatrabaho sa BHO CAMP ay wala tuloy akong ginagagawa ngayon.

Nakasimangot na umupo ako sa isang bench. Nagtatrabaho si Adonis sa Craige's ngayon kaya wala tuloy akong makulit. Mamaya pa kasi siya matatapos.

Yup, inalam ko talaga. Aba siya na nga lang ang libangan ko dito, hindi ko pa aalamin diba? Hindi naman ako makapagparty dahil unang-una hapon pa lang at pangalawa baka maparusahan na naman ako ng hindi maintindihan na stranger na iyon. Ang laki ng galit sa mundo.

Nang hindi makuntento ay humiga na ako sa bench. Itinaas ko ang mga kamay ko pati na ang mga paa ko. Bahala na kung may makakita. Sa nabobored ako eh.

"I'm gonna die! What to do? What to do?"

Ibangga ko kaya ang kotse ni Adonis? Hmm. Nope. Mas malaking parusa ang aabutin ko. Baka bigla na lang niya akong pikutin kapalit ng pagbangga ko sa kotse niya.

"Best friend sama na ako!"

"Hindi nga pwede at baka kung mapano ka pa don. Isa pa hindi naman ako sasali sa race kaya hindi mo na kailangang sumama. Alam mong kotse lang ang gusto kong i-race. Titignan ko lang ang mga pinadala ni Sky na mga kabataan na siyang nag re-race doon."

"Sama parin ako!"

"Snow-"

"EH DI HUWAG! AYOKO NA SAYO!"

Napaupo ako at tinignan ko ang pinanggalingan ng ingay. Tumaas ang kilay ko ng makita ko di kalayuan si Snow at si Phoenix. Namumula ang mukha ni Snow na may hawak ng basket ng mangga. Mukhang namitas na naman sila.

"Snow. Saglit lang naman ako."

"Basta! Ayoko na sayo! Hindi kita bati!" sigaw ni Snow at ibinato kay Phoenix ang isang mangga. Nasalo naman niya iyon at lumapit kay Snow.

Inakbayan ni Phoenix si Snow at bumuntong-hininga. "Sige na nga sumama ka na. Basta wag kang magkukulit don."

"Talaga?"

"Oo nga."

"Yey! Halika na dali!"

Tumayo ako at pinagpag ang suot ko na leather jacket. Pumito ako at napatingin naman sila sa akin. Nakangiting kumaway sa akin si Snow.

Minsan na we-weirduhan ako kapag nakatingin kay Snow. Para kasing nakikita ko si Freezale sa kaniya. At kapag nakilala mo si Freezale parang paninindigan ka ng balahibo kapag naisip mo na ngumungiti siya katulad ng ginagawa ni Snow ngayon.

Kailangan mo lang talagang tandaan na ibang tao si Snow at tandaan din na hindi ka niya bibigyan ng frozen stare katulad ni Freezale.

"Sama ako." sabi ko sa kanila.

Napakamot sa batok niya si Phoenix. "Fine. Basta wag-"

Pinutol ko ang sasabihin niya. "Wag kang mag-alala dahil hindi ako makulit. Pangalawa hindi mo ako mapipigilan na tumapak ng race track lalo na kung motorbike ang meron ngayon doon."

"Fine, fine."

"Nandoon ba ang mga alagad ko?"

He gave me a chin up. Pinaikot ko ang mga mata ko at pagkatapos ay tumakbo na ako papunta sa kinaroroonan ng motorbike ko. Of course hindi ako sasabay sa kanila. Kotse kaya ang dala ni Phoenix at hindi pa iyong convertible. Ayokong matorture ngayong araw na to no.

BHO CAMP #1: The Playgirl's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon