CHAPTER 29 ~ Husband and Wife, Stranger and Miss ~

142K 2.6K 84
                                    

CHAPTER 29

SKY' POV

Alas dose na ng gabi tahimik na tahimik ang paligid. Tanging ang mahinang paghinga ko at ng isa pa na tao at pati na ang mahinang takatitak ang naririnig ko. Madilim ang paligid dahil iilang ilaw lang ang nakasindi. Pero walang kahit na kaunting takot akong nararamdaman.

Excitement. Iyan ang maitatawag sa nangingibabaw na nararamdaman ko ngayon.

"Sky."

"Shh."

"Sky."

Napangiti ako. Isa sa mga napansin kong ugali mula nang maging mag asawa kami ay ang pagiging possesive niya sa atensyon ko. Kung dati baka sinakal ko na siya para lang maibsan ang pagkasakal na mararamdaman ko panigurado, ay hindi na ngayon. Para akong baliw na natutuwa pa. Pag-ibig nga naman. Nagiging corny kahit na ang mga dakilang katulad ko.

"Sky."

"What?"

"We need to get home at around two oclock."

"I know. Kaya nga kailangan na natin tong tapusin."

"Can you just sit wherever you are and let me handle things?"

"No."

Napangiti na naman ako ng mapabuntong-hininga siya. As always kunsumido na naman siya sa akin dahil wala akong balak sumunod sa kaniya. "Okay."

"Adonis?"

"Hmm?"

"Love you."

Hindi siya nagsalita. Pero dahil mas open na kami ngayon sa isa't-isa at alam ko na ang tumatakbo sa utak ng hotness ko na husband, alam kong umaariba na naman ang version of kilig niya.

"Kilig ka na niyan?" I whispered.

"Silly."

"Sus. Mahal mo ako, aminin mo na."

"Oo na."

"Oo na ano?"

"I love you too."

Parang gusto ko siyang makita ngayon. Ang sarap asarin niyan eh. Para ka lang nakikipag-asaran kay Freezale pero mas mababa ang level ni Adonis. Hindi naman siya taong bato hindi katulad ng taong yon. "Yuck!"

"Sky!"

"Kidding. Muah."

"Ulk. Cut it out guys. Silence. Focus."

Sino iyon? Si Freezale lang naman na kanina pa tipa ng tipa sa keyboard niya. Hindi na ako magtataka kung bigla na lang magkakaron ng kamay ang keyboard niya at itataas iyon tanda ng pagsuko.

"Opo." sabi ko.

"Good."

I rolled my eyes. Mag o-orasyon ako. Ipag o-orasyon ko ang pinsan kong ito hanggang sa magkatotoo ang lahat ng nararamdaman ko. Basta ramdam na ramdam ko na siya talaga ang susunod sa akin.

Kung ako nga noon mukhang imposible na lumagay sa tahimik eh di mas lalong mukhang imposible iyon dito sa pinsan ko na kahit ata sumasayaw na sa harapan niya ang prince charming niya ay hindi niya parin mapapansin.

Ipinilig ko ang ulo ko. Focus.

"Sky. Two oclock." paalala ni Adonis.

"Got it. Don't worry makakabalik tayo bago magising si Russia na paniguradong babasagin ang eardrums ni Freezale kapag nagising siya na wala ka."

Si Adonis kasi ang hinahanap niya kapag bagong gising siya. Kapag nagugutom siya ako ang hinahanap niya. Ako na ata ang nagsilbing kafood trip ni Russia. Kaliit-liit pa akala mo nakikipag eating contest lagi.

BHO CAMP #1: The Playgirl's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon