CHAPTER 9 ~ Mission ~

151K 2.7K 147
                                    

CHAPTER 9

SKY'S POV

Iniangat ko ang bottled water na hawak ko at uminom. Kanina pa ako nakatayo dito sa isang tabi. Maingay din ang paligid sapagkat hindi na magkamayaw ang mga manonood sa kakasigaw sa Royalty, ang bandang tumutugtog ngayong gabi sa concert na 'to.

Natatawang napailing na lang ako ng makita kong kumindat sa gawi ko ang lead guitarist ng nasabing banda. My cousin, Thunder. Kasama niya ang nakasayaw ko dati sa Paige's na si Lucas Daryl King or King for short, the vocalist. Though King Luck ang isinisigaw ng mga nanonood.

Then Rushmore, the rhytm guitarist, ang napapabalitang kinababaliwan ni Den Montevedre. And yep, she's here too.

Next is Archer, he handles the bass. Tahimik lang siya katulad ni Rushmore at parehong tutok na tutok lang sa ginagawa. Hindi katulad ni Thunder at ni King na mukhang kasalukuyang namimili na ng mga babaeng aaliw sa kanila mamaya. Figures. Two serious type of guy and two flirty for their own good type of guy.

Lastly, the drumer, Comet. He looks like a happy go lucky person but he's not. Sa pagkakaalam ko ikakasal na siya sa babaeng ngayon ay malapit sa front stage at chinicheer siya. Katabi ng babae ang dalagitang kapatid ni Comet na si Harmony.

Balita ko inadopt siya ng pamilya ni Harmony ng four years old pa lang siya. Yup, I know too much. Mga tsismoso at tsismosa kasi ang mga tao sa BHO CAMP. Mahirap magtago ng mga balita.

Napatawa ako ng hinila ni King paakyat si Harmony sa stage. Agad na tumakbo ito sa natatawa lang nitong kapatid na si Comet at pagkatapos ay sumigaw ito sa mikropono. "I will be like my brother! I'LL BE THE BEST DRUMER IN THE WORLD!"

"Okay, okay, little girl that's enough." awat dito ni Comet. "Saka mo na ako palitan kapag nasa tamang gulang ka na, little sis."

"Hindi na ako little! I'm fifteen!"

"Still little for me, now go, masama na ang tingin sayo ni daddy."

Sinundan ko ang tingin niya. Tinitigan ko ang lalaking hindi naman masama ang tingin kay Harmony. Napapangiti pa nga ito. Hmm. That's why Harmony looks familiar. Kilala ko ang tatay niya.

Lake Ryland Ferrell. Sa pagkakatanda ko ex-husband siya ni tita Eika. Isa sa mga elite agents ng BHO CAMP noon.

Mukhang kailangan ko talagang mag seryoso sa mission namin ngayon. Tiyak na magagalit sakin ang second generation elite agents kapag may nangyaring masama sa kanila.

Walang ibang agents dito maliban sa amin ni Adonis at kay Thunder. May iba kasing mission ang ibang agents. Kung tutuusin hindi naman ito part ng higher mission. Madali lang naman ang gagawin namin.

Kailangan lang namin mahuli ang obsessed fan ng Royalty. Ilang beses na kasing pinadadalan ng mga death threat ang mga babaeng nalilink sa mga miyembro lalo na ang mapapangasawa ni Comet. Dumadating din daw sa punto na pakiramdam ng banda na sumusunod ito sa kanila kahit saan sila magpunta.

Sa ngayon lahat ng pumasok dito sa concert ay nakabitan na ng mga detector upang masigurong wala sa kanila ang may dala ng kahit na anong armas. Wala pa naman kaming nadedetect sa ngayon.

Siguro wala naman talagang balak totohanin ng obsesses fan na iyon ang mga banta niya sa buhay ng magiging asawa ni Comet na si Kelly. Kadalasan kasi ay hanggang banta lang naman ang mga nangyayari sa ganitong mga case. Mabibiling sa daliri ang mga death threaters na talagang gumawa ng hakbang para manakit.

"Don't you think they're just overeacting about this?" I whispered at my mic.

Nagsalubong ang tingin namin ni Adonis na nasa kabilang dulo ng kinaroroonan ko. "Mabuti na ang nakakasigurado."

BHO CAMP #1: The Playgirl's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon