CHAPTER 27 ~ Post Bachelorette ~

139K 2.9K 244
                                    

CHAPTER 27

SKY'S POV

Napangisi ako habang nililibot ko ang paningin ko sa paligid. Ibang klase talaga ang mga idea ni Storm. Ang weird. Mabuti na lang at alam na alam niya na hindi din normal ang taste ko sa mga bagay-bagay.

Nasa reception kami. Ang reception namin? Nandito sa may BHO CAMP...sa Jollibee.

Nasa unahan kami ni Adonis nakaupo kung saan kitang-kita namin silang lahat. May mga dekorasyon na pang wedding katulad ng bulaklak at mga puting table cloth pero the rest ay parang children's party na.

I tried not to laugh out loud ng makita ko si tita- Mama Thea na kasalukuyang naglalagay sa isang paperbag ng burgers at fries na nakalagay sa isang mahabang lamesa kung saan tambak doon ang mga pagkain ng Jollibee.

Nilingon ko si Adonis at nakita kong napapangiwi siya habang nakatingin sa ina niyang ngayon ay kumekembot-kembot pa habang nakatingin sa asawa nito na napapahilot na lang sa sentido nito.

And no. Hindi lang si mama Thea ang nag te-take out kundi maging ang ilan sa mga second generation elite agents. Alam naman natin ang history ng 'Jollibee' at 'Meeting' sa BHO CAMP. Kaya hanggang ngayon sa batch namin ay iba na ang meaning ng dalawang iyon. Meeting means the "meeting" of the bodies and Jollibee is simply part of the Second Generation Elite's sex life dahil hindi daw nila kailangan magluto "after" ng mga meeting nila dahil mabilis umorder sa Jollibee.

"Igiling mo, igiling mo!"

Parang gusto ko na lang hilahin si Adonis paalis ng makita kong kasalukuyang sumasayaw si grandpie Poseidon at pakanta-kanta pa. Mukhang nakainom na dahil sinasabayan narin siya ni tito Andreige, Wynd at Ice.

Obviously inarkila ang Jollibee at dahil hindi nga normal ang mga pagkatao namin ay nagawang makapagdala dito ng mga alcoholic drinks. Kung may makakakita lang sa amin na mga bata malamang magbabago ang pagtingin no'n kay Jollibee. Kung sabagay kailan pa ba naging inosente ang mutant na bubuyog na iyon sa amin?

"Inaantok ka na ba? We can go home if you want."

Napalingon ako kay Adonis ng may marinig ako na kung ano sa boses niya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang pamilyar na init sa mga mata niya. "Mukha na akong nakalunok ng pakwan, pinagnanasaan mo parin ako."

"You look beautiful."

"Bola-"

"Ay hindi na watermelon? Bola na?"

Binigyan ko ng matalim na tingin ang nagsalita na walang iba kundi ang kapatid ni Adonis na si Athena. May hawak-hawak siyang burger at sa kabilang kamay naman niya ay baso ng alak. Astig no?

"Hindi pakwan ang anak ko. Hindi din bola. Bata ito, bata."

"Weh?"

I rolled my eyes. Lumapit siya sa kuya niya at nakangiting kumandong. Naningkit ang mga mata ni Adonis. "Anong kailangan mo?"

"Grabe, kuya. Nakakasakit ka naman ng damdamin. Porke lumapit lang ako may kailangan na agad."

"Wala ba?"

Ngumisi si Athena. "Meron."

"Wag mong sabihin na magpapabili ka ng kotse?"

Athena wrinkled her nose. "Ano namang mapapala ko sa kotse? Makakain ba iyan? Malulunasan ba niyan ang gahamang mga tao sa ating lipunan? Ang gusto ko lang ay simple lamang! Lollipop para kay Athena!"

Kumuha ako ng french fries at isinubo ko iyon. "Malulunasan naman ba ng lollipop ang sakit ng lipunan?"

Nginitian ako ni Athena at nag beautiful eyes. "Hindi ata? Maya ate Sky sasabihin ko sayo. Malay mo lunas na pala sa cancer ang lollipop."

BHO CAMP #1: The Playgirl's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon