CHAPTER 13 ~ Sister ~

148K 2.6K 108
                                    

CHAPTER 13
SKY'S POV

"Binigay ko sa kaniya ang lahat! Binilan ko siya ng rubber shoes na gustong-gusto niya kahit na nasaid na ang sweldo ko dahil ginto ata ang halaga ng pesteng sapatos na iyon! Isinangla ko pa ang regalo saking kwintas ng nanay ko para lang mabili ko ang gusto niyang relos pero iniwan parin niya ako! Ang sakit sakit, Nessie!"

"Wag ka ngang maingay Georgia. Mamaya mapagalitan pa tayo."

"Pero...pero hindi ko na talaga kaya! Gusto ko ng mamatay! Ibinigay ko sa kaniya ang lahat pero siya anong ginawa niya?!"

"Akala ko ba masaya ka na nakikita siya dati? At saka sino bang may kasalanan na ang dami mong ibinigay sa kaniya. Ikaw kasi hindi ka humihingi ng kapalit."

"May binigay naman siya ah."

"Ano?"

"Binati niya ako nong birthday ko. Tapos kinawayan niya ako nong nagkasalubong kami. Pero...ang sakit! Iniwan niya na ako!" muling palahaw ng iyak ng babaeng nagngangalang Georgia.

"Gaga. Hindi ka naman girlfriend. Crush mo lang 'yon."

Napahilot ako sa sentido ko. Kahit ayokong makinig, wala akong choice dahil ang ingay ng babaeng waitress na nasa isang tabi. Kasama niya ang kaibigan niya na busy na busy sa pagpupunas ng lamesa.

Pasalamat sila at wala pang masyadong tao dito kung hindi baka nasesante sila pareho ng boss nila. Nakakasakit ng ulo ang ingay ng umaatungal na si Nessie.

Nandito kami sa Volatile Hotel. May bagong project si Adonis dahil kasi sa pagkahold ng A Date With The Royalty, nagpasya ang manager ng banda na gawin na lang muna ang mga 'behind the scenes' kuno nila habang nagpapagaling si Archer at ang mga gagawin nila habang wala pa silang concert. Parang reality show lang.

Sa totoo lang hindi ako interesado sa ginagawa nila. Ififilm lang ang pagpaparty nila, ang pangbabae, mga trip at kung ano-ano pa. Pero syempre sa mga die hard fan, pati na ang pagtulog ng members ng banda ay interesting para sa kanila.

"Pero mahal ko siya!"

"Hindi mo naman boyfriend kaya walang kang karapatan." naiinis na sabi ni Nessie sa kaibigan.

Bahagya akong tumango. Kinuha ko ang kapena nasa harapan ko at uminom. Nasan na ba ang Adonis na iyon? Nagsasawa na ang tenga ko sa kakangawa ng babaeng to dito.

Naghahanda sila para filming na gagawin nila sa bar ng hotel na ito. Ipapakita nila kung paano magparty-party ang mga Royalty band members. Hindi ko talaga lubos maisip kung anong nakakaamaze doon but oh well.

Inabot ko ang phone ko at dinial ko ang number ni Adonis at isang ring lang ay kaagad siyang sumagot, "Hello?"

"Tapos na kayo? Ang tagal naman. Lasingin mo lang ng mga iyan at may mafifilm ka na. Aliwin mo ako! Nabobored ako!"

Narinig kong napabuntong-hininga si Adonis sa kabilang linya. "Ikaw naman kasi ang may gustong sumama. And Miss, hindi ganon kadali magfilm lalo ng kung ang mga pasaway na ito ang ipapakita sa camera."

"Isumbong ko kaya kayo sa mga fans niyang mga tukmol na iyan para malaman nilang scripted ang ginagawa ninyo?"

"They wouldn't mind."

I rolled my eyes. Kung sabagay may point. Iyan ang hirap sa ibang mga fanatics. Kahit na alam nila ang katotohanan at kahit na mali na minsan ang ginagawa ng mga hinahanggan nila, hindi nila pinapansin iyon.

Pero masisisi niyo ba sila? Lahat ng tao kailangan ng iidolohin. At lahat ng tao kailangan ng isang bagay na makakahila sa kanila mula sa realidad. Everybody deserves to dream. It's like a little piece of our personal heaven.

BHO CAMP #1: The Playgirl's KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon