Chapter 11: NO CHOICE! (>_<)

197 7 8
                                    

sorry sa mga error.

^_^v

==

Nyli's POV

"Oh ano nang plano natin nan?" Nakaupo kaming 3 sa bermuda grass ng garden nila Coreen, tutal Saturday naman at wala kaming pasok, napagpasyahan na namin pagusapan kung anong gagawin namin para hindi makaattend ng acquaintance party.

"Mukha kasing malabo kung ang idadahilan natin ay may sakit tayo, napakaimposible namang magkakasabay tayong nagkasakit ng araw na yon at ang iisipin pa nila na ayaw nating umattend dun sa party." Sabi ni Juzz habang nagsusulat dun sa notebook niya.

"Eh ayaw naman talaga natin diba?! Haaaaay! Ang hirap naman nito, bakit kasi pinipilit pa nila ang mga estudyante na umattend sa party na yan. Ano bang mapapala natin jan?!" Sabi naman ni Coreen sabay higa sa bermuda grass nila.

"Juzz diba assistant ka nung SS (Scholastic Society) President siguro naman may kuneksyon siya dun sa mga officer ng SSC (Supreme Student Council)? Baka naman pwedeng ipabago pa yun?" Suhesyon ko naman.

"Tama! Talino mo talaga Nyli, ba't hindi ko naisip yon.. hmm Ah! diba si Allen nga pala yung Pres. ng SS, tamang tama pala eh!" Bumangon na si COreen sa pagkakahiga niya pagkasabi niya non.

"Masisiyahan pa kaya kayo kung sabihin kong si Allen pa ang nagsuggest na gawing compulsory ang pagattend dun sa acquaintance party?” Tinabi na ni Juzz yung notebook niya at nilagay dun sa maliit na bag na dala niya kanina.

“EH?!” - Ako

“HUWAAAAAT?!” – Coreen

"Oo, narinig ko kasing naguusap sila nung vice pres. ng SSC sa hallway bago magstart yung meeting namin, yung tinawagan ako ni Sir Dennis yun yon."

“Wala na ba talagang ibang paraan paara hindi tayo makaattend dun? TT^TT” Ayaw ko talagang umattend don!!

“Kaya nga..” mahina naman sabi ni Coreen.

“Wala na talaga, whether we like it or not, no choice na tayo kung hindi umattend na lang sa party na yon.” Sabi ni Juzz sa amin tapos tumayo na siya at nilagay yung bag niya dun sa balikat niya.

“Oh? Saan ka pupunta?” Nakatingalang tanong naming ni Coreen kay Juzz.

“San pa ba, eh di sisimulan ng maghanap ng isusuot sa party. Mahirap kayang maghanap ng panggoddess na damit. Ano halika na, walang mangyayari sa atin kung uupo at magmumukmok na lang tayo dito.” Wala na kaming nagawa ni Coreen, kaya tumayo na kami sa pagkakaupo namin  sa damuhan.

“Magpapalit lang ako ng damit. Wait lang ha.” Tumakbo na ako palabas ng bakuran nila Coreen at dumiretso na sa bahay namin.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa bahay si Kuya Niel agad ang nakita ko na nakahiga habang nakaangat ang isang paa sa sandalan ng sofa at nanunuod ng Anime sa Animax, alam niyo bang 20 yrs old na yang si kuya pero anime pa rin ang hilig, hmm hindi ko alam yung title ng anime na pinapanuod niya ngayon eh basta yung bida color orange yung buhok na tirik tirik tapos nakasuot ng parang itim na version ng damit ni inuyasha tapos may espadang dala. Ah! basta yon!

“Kuya, sila mama?” tanong ko sa kanya na hindi pa rin inaalis ang tingin sa T.V.

“Umalis, namalengke atah.” Umupo muna ako dun  sa pangsolong upuan dito sa salas at kumuha ng chips na kinakain ni kuya.

"Ahh.. hmm.."

"Bakit anong kelangan mo?" Nagulat ako sa tanong niyang yon.

"huh? kelangan? Wala kuya.."

"Sus, kilala kita Jinny kapag nag-a"Ahh..hmm" ka na eh ibig sabihin may gusto kang sabihin o di kaya may kelangan ka.. bakit ano ba yon?" In-off na niya yung T.V at umupo tapos may kinuha siyang stuffed toy na baboy sa likuran niya. (Si Niel po yung nasa gilid at yung stuffed toy na pig. ^^)

“Ahh.. eh.. kuya may bibilhin kasi kami nila Juzz para dun sa Acquaintance Party namin sa school, hmm.. kulang kasi yung pera ko jan, pwedeng pahingeng pangdagdag?”

"Ohha, sabi ko na nga ba, kelan ba yang acquaintance party niyo?" Sabi ni kuya habang nilalaro pa rin yung baboy na laruan.

"Next week na kuya. Ah.. kuya san mo nakuha yang baboy na yan?"

"Nakita ko sa bag ko kanina, oh siya kumuha ka na lang dun sa wallet ko, nakalagay dun sa gilid ng bag ko."

“Yes! Thank you kuya!” Tumayo na ako at umakyat sa taas para magpalit ng damit at para na rin makakuha ng pangdagdag sa pambili ko ng damit. Bait talaga ng kuya ko, palibhasa walang girlfriend kaya walang pinagkakagastusan. ^^v

“Alis na ako kuya, pasabi na lang kila mama at papa kapag dumating.” Wala din kasing pasok si Papa ngayon kaya sinamahan niya si mama sa pamamalengke, tuwing Monday to Friday lang ang pasok niya. Branch Manager nga pala si papa sa isang sikat na restaurant sa Manila.

“Geh, ingat! Wag ka magpapagabi ha” Pahabol pa ni kuya.

“Opo!” Lumabas na ako ng bahay, nasa labas na pala sila Juzz at Coreen.

“Let’s go! ^^”

==

Thank you for reading!

'AbiJaRie' ♥

He loves Ms. NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon