Chapter 12.2

167 7 0
                                    

 Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahh! MIAMI LEADS 2-0 . wuhooooooo! ganda ng laro nila kanina, natambakan na eh nakahabol pa. GALING TALAGA! 

 at TEEN TOP's COMEBACK STAGE na bukas!!  *\ (^0^) /*

Pasensya masyado lang maligaya ngayong araw. hohoho! (^o^)v

Ito na po ang Chapter 12 part 2.

pasensya na ulit sa mga errors :p

enjoy reading. ^^

==

Nyli's POV

"Nyli?” Hindi pa ako nakakalabas ng mall ng may tumawag sa akin sa bandang likuran ko.

“Tita Agnes? Kamusta po?.” Lumapit ako sa kanya at huminto sa harap niya.

“I’m glad you still remember me. Nagdadalawang-isip pa nga ako na tawagin ka kasi baka hindi ikaw yan at namamalik-mata lang ako.” Nakangiting sabi ni Tita Agnes sa akin. Kagaya ng una naming pagkikita madami na naman siyang bitbit na groceries pero ngayon may mga shopping bags na.

“Tulungan ko na po kayo.”

“Ahh.. thank you hija.” Kinuha ko na yung isang grocery bag na akap-akap niya. Hindi ko alam pero sa kagaya kong mahiyain at hindi sanay na makihalubilo sa ibang tao lalo na yung kakikilala ko palang, palagay na agad ang pakiramdam ko kay Tita Agnes, siguro kasi mabait at may maamong mukha si Tita Agnes pati ang ganda ng mata niya para ngang may nakilala na akong kapareho ng mata niya eh hindi ko lang maalala kung sino.

“Ano palang ginagawa mo dito? Wala ka bang kasama?” Tanong niya sa akin.

“Hmm.. meron po, kasama ko kanina yung dalawa kong kaibigan pero bigla po silang nawala eh naghahanap po kasi kami dito ng pwedeng maisusuot para po sa acquaintance party sa school next week .” Pagpapaiwanag ko.

“May nahanap naman ba kayo?”

“Meron po.” Nakarating na kami sa parking lot ng SM at natatanaw ko na yung sasakyan ni tita Anges.

“Saan ka nga pala nakatira hija para maihatid na rin kita?” Nilalagay na namin yung mga pinamili niya sa back seat ng kotse ng tinanong niya sa akin yun.

“Naku, hindi na po, malayo layo po kasi ang bahay namin dito.” Pagtatangi ko sa alok niya.

“Hay! Hindi, dalawang beses mo na akong tinulungan and I want to return the favor.”

“Hindi na po tala—“

“I insist.” Wala na akong nagawa kung hindi sundin si tita Agnes. Sumakay na kami sa kotse niya at sinabi ko na rin pala yung address namin.

“Malayo layo nga, hmm, ayos lang ba sa’yo hija kung idadaan muna natin yung mga pinamili ko sa bahay namin?"

“Ahh sige po, ayos lang.” Pinaandar na niya yung kotse at wala pa atang 30 mins pinasok ni tita Agnes yung kotse niya sa isang executive villages at di nagtagal huminto yung kotse sa tapat ng isang malaking bahay. Nagbusina si Tita Agnes at di nagtagal may babaeng nagbukas ng malaking gate.

“Good afternoon po ma’am.”

“Good afternood din Marie, patulong naman sa pagpasok ng mga pinamili ko.” Bumaba na si tita Agnes pero hindi pa rin ako bumababa, naisip ko kasi na sandali lang sila sa pagpasok ng mga pinamili sa loob ng bahay.

“Hija?”

“Po?”

“Pasok muna tayo sa loob para makapagmerienda muna.” Nakakahiya naman kung tatanggihan ko siya kaya bumaba na ako sa kotse at sumunod sa kanya sa loob ng bahay.

“Have a sit.” Umupo ako sa sofa nila. Grabe ang laki ng bahay nila, sa tingin ko triple ang laki nito sa bahay namin.

“Thank you po.” Habang pinapasok nung kasambahay nila yung pinamili pumasok naman si tita Agnes sa kitchen nila.

“Manang, palabas nga po ng merienda.”

“Sige po ma’am.”

“Wait lang hija ha?” Dumungaw siya sa kitchen para matanaw ako.

“Sige po.” Nilibot ko muna yung paningin ko sa kabuoan ng bahay nila, kagaya ng sinabi ko kanina malaki talaga yung bahay nila tapos ang linis linis, puro paintings ang dingding at may nakasabit na malaking portrait malapit sa grand staircase nila, isang pamilya ang nakalarawan doon, asawa ni tita Agnes, siya at isang batang lalaki na sa tansya ko’y nasa 7 taong gulang pa lamang, sa tingin ko’y matagal ng kinunan ang larawan na ito bata’y na rin sa itsura ni tita Agnes dito, mahaba pa ang buhok at medyo bata-bata pa ang itsura niya.

“Arf arf arf!” Narinig ko na nanggagaling sa labas yung kahol ng aso. Hindi ko napigilan ang sarili kong hindi sundan kung nasaan yung aso, malamang alaga nila tita Agnes yun.

 Hindi niyo man naitatanong pero mahilig kasi ako sa aso, ang kaso lang namatay yung unang aso na pinalaki at inalagaan namin 5 yrs ago, sobra akong nalungkot ng araw na mawala siya, iyak nga ako ng iyak eh pati rin si kuya Neil. Ang sabi nila mama, mas matanda daw ng isang taon si Tammy kay kuya, kaya lumaki kami na kasama namin siya. 

Hanggang isang araw nanghina si Tammy na halos hindi na siya kumakain, pinainom naman siya nila papa ng antibacterial na gamot kasi wala pang alam sila kung ano talaga yung nangyayari kay Tammy pero ang mas kinagulat namin eh yung nagsusuka na siya ng dugo. 2 araw na non nung nanghina si Tammy bago siya nagsuka ng dugo kaya minabuti na nila papa na dalhin na siya sa vet pero bago pa man siya madala, nakita na lang namin si Tammy na nakahiga at hindi na humuhingga sa garahe namin. Kaya ng mamatay si Tammy  hindi na ulit kami nagalaga ng aso kasi ang hirap na makita ng isang alaga na nagsilbing parte na ng pamilya niyo na mawala at wala man lang kayong magawa para maisalba siya.

“Arf arf arf!” Sinusundan ko pa rin yung kahol ng aso hanggang sa makarating ako sa garden.

“Arf arf!” Nasa halos dulo na ako ng bahay nila tita Agnes yun bang pinakakanto na pader ng bahay nila tapos katapat non eh yung bakod nila pero hindi kahoy kundi semento din tapos may mga bricks bricks, napansin kong pati garden nila tita Agnes ang laki rin kasi may mga puno pang nakatanim dito.

“Arf Arf!” Ayun sa wakas nakita ko na siya, nakahiga siya sa damuhan di kalayuan sa kinatatayuan ko. Ang cute nung aso parang ang sarap ilagay sa bag at iuwi sa bahay namin eh. hahaha. Isa siyang Akita Inu na puppy, color white siya yung dalawang tenga niya eh nakababa tapos ang balbon-balbon niya mukha na nga siyang teddy bear eh. (See the picture at the side ^^) ANG CUTE CUTE TALAGA!!   (/*3*)/ 

“Yuki!” Nagulat ako ng may marinig akong boses ng lalaki di kalayuan, biglang umalis yung aso sa pagkakaupo niya sa damuhan at pumunta sa pinanggalinggan ng boses nung lalaki.

Sumandal ako sa kantong pader ng bahay nila tita Agnes at dahan dahan kong sinilip yung lalaking nagsalita.

Ehhhhhhhhh?! Bakit siya nandito?! Dito kaya siya nakatira? Edi ibig sabihin lang non siya yung batang lalaki dun sa family portrait sa salas. 

Bakit ngayon ko lang napagtanto na doon sa lalaking natamaan ko ng celllphone yung kahawig ng mata ni tita Agnes. Urgh! Nyli ano bang nangyayari sa’yo.

Paano na ako nito ngayon? Lalabas ba ako at magpapakita o aalis na lang? Ah bahala na!

Pumihit na ako ng talikod at sa kinamalas-malasan ko, meron palang mga pala at pandilig na nakalagay sa paanan ko.

*falling objects/metals sound effects* ^^v

*patay! (/_\)

==

Thanks for reading guys. :D

'AbiJaRie' ♥

He loves Ms. NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon