Chapter 9: Shiro's House

170 8 5
                                    

Mikaela Coreen Casanova (Coreen) at the side. ^^,

Medyo mahaba po itong chapter na ito. ^^ enjoy reading everyone. salamat po sa patuloy pa ring nagaabang sa pagupdate namin. 

Love LOTS! (^3^)

--

Coreen's POV 

*FLASHBACK*

"Ui Coreen, wait for me" Narinig kong sigaw ni Shiro sa likuran ko.

Papunta na kami kina Nyli para kamustahin siya, tsaka mukhang hindi na namin mahahanap si Nurse Lily, padilim na kasi.

"Coreen, si Moie yun diba?" Turo ni Shiro na ngayon ay nasa tabi ko na pala. Tinuro niya yung lalaking papunta na atang parking lot, na nasa di kalayuan sa namin.

"Oo nga noh, saan siya pupunta? Si Nyli kaya na saan?" Binilisan na namin yung lakad. Pero maya maya din si Nyli naman yung nakita naming naglalakad, paika-ika pang maglakad si Nyli.

"Pauwi na ata sila, tara uwi na rin tayo" Tutulungan ko pa sana si Nyli kaso bigla naman akong hinawakan sa kamay ni Shiro at hinila palayo.

 "Te-teka! Si Nyli." Pero wala atang naririnig tong si Shiro. Sige pa rin siya sa paghatak sa kung saan.

"Ui! San mo ba ako dadalhin?!" Inaalis ko yung kamay niya sa pagkakahawak dun sa wrist ko pero sobrang higpit nung pagkakahawak niya.

"Bitawan mo nga ako." Kinabahan na ako kasi parang wala talaga siyang balak na bitawan ako. Tumingin ako sa paligid and to my surprise walang katao-tao sa paligid.

Waaaaaaaahh!! Mommy help me!! (TT__TT) Pinikit ko na lang yung mata ko habang hinahayaan ko  si Shiro na dalhin ako kung saan.

"Where here." Naramdaman kong huminto na kami sa paglalakad at dahandahan kong minulat ang mga mata ko.

Parking Lot?! 

"'Lika na" Sabi ni Shiro sabay alis sa tabi ko at umikot dun sa drivers seat nung Mitsubishi Eclipse Spyder GS-T na color red na nasa tapat namin. 

"Sayo 'toh?" Takang tanong ko sa kanya.

"Yeah. You like it?" Nakatingin siya sa akin na may mapangaras na ngiti.

"Hmpf! Yabang talaga." Bulong ko sa sarili.

"Huh?"

"Ahh, wala. Sige babalikan ko pa si Nyli doon." Tumalikod na ako sa kanya pero hindi pa ako nakakatatlong hakbang hinawakan na niya ako sa braso para pigilan.

"Coreen, si Moie na bahala sa kanya, uwi na tayo." Pacute niyang sabi, kala mo naman cute. Tseh!

"Eh, hindi pwe---" HIndi na niya ako pinatapos bigla na lang niya akong hinatak at ipinasok sa kotse niya na convertible pala.

"Pero si Nyli. Ang tigas talaga ng mukha nitong lalaking to eh! Hmpf!" Mahina kong sabi, pagkatapos niyang isara ung pinto sa tabi ko at umikot naman para buksan ung pinto sa drivers seat.

"Let's go?" Sabi niya pagkatapos nagseat belt na siya kaya nagseat belt na rin ako. Tumango lang ako bilang sagot may magagawa pa ba ako para makatanggi diba?. Ini-ON niya ung player niya dun sa kotse.

Inistart na niya ung kotse at pinaandar na ito, tahimik lang ako habang nagmamaneho siya.

"Do you feel comfortable?" tanong niya habang pasalit-salit yung tingin niya sa akin at sa daan.

He loves Ms. NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon