Tita Agnes at the side. ^^

may part 2 nga po pala ito. hmm.. we will post it this week din. 

(^.^)v

==

Coreen’s POV

 “Ito maganda oh.”  Pinakita ni Nyli yung nakita niyang white dress sa amin.

“Oo nga, hmm.. tingin pa muna tayo sa iba.” Yaya ni Juzz saka kami lumabas. Nasa SM nga pala kami ngayon, alam niyo na siguro kung bakit kami andito diba?

Yuppy Yuppy! Naghahanap nga kami ng maiisusuot para sa party sa school.

“Pasok tayo dito.” Pumasok kami sa isang store na puro girl things ang tinda.

Napagpasyahan nga pala naming tatlo na magtingin tingin muna ng maisusuot tapos kapag may nagustuhan yung isa sa amin, maghahanap naman kami ng isusuot ng isa pa. And then tsaka na namin bibilhin kapag nakahanap na ang kaming tatlo. Aksayado ba sa oras? Pake niyo ba eh ganon kami eh. Hahaha. jk! (^^)v Gawain na kasi talaga naming tatlo yun, hangga’t wala pa yung isa hindi pa pwedeng magkaroon yung isa, kaya nga nagtitingin kami ng mabilisan para matignan  naming yung iba pang store.

“Walang maganda dito.” Bulong ko sa kanilang dalawa.

“Labas na tayo.” Yaya ulit ni Juzz. Naglakad na kami palabas dun sa store at naghanap ulit kami ng magandang store para makahanap ng maisusuot sa party.

“Hindi ba muna tayo kakain? Nagugutom na ako.” Maya-maya’y sabi ni Nyli.

“Nakuu, kumalam na naman ang sikmura mo. Kakain lang natin kanina bago tayo umalis ng bahay ah.” Sabi ko.

“Kulang eh tsaka kanina pa yun. Hehehe!” Sabay hawak sa tiyan niya at ngiti sa amin ni Juzz.

“Sus! Lagi naman. Hahaha!” Pabirong sabi ni Juzz.

“Sige na kain muna tayo.” Pangungulit ulit ni Nyli. Humawak pa sa braso namin ni Juzz.

“Sige na nga.”

“Yes! Libre ko na lang kayo ng ice cream. Hehe. ^^” Pumasok kami sa isang fast food chain na all-time favorite naming tatlo. Naghanap muna kami ng mauupuan at naiwan si Nyli para bantayan yung upuan namin saka kami nagpunta ni Juzz sa counter para magorder na ng pagkain.

“Anong sa’yo Juzz?”

“Kagaya pa rin ng dati, ganon din daw yung kay Nyli.” May tatlong tao pa kasing nakapila kaya magaantay pa kami bago kami makapagorder.

“Mika?” Para akong naestatwa ng marinig ko ang pamilyar na boses na yon. Naramdaman ko ang biglang paghigpit ng hawak ni Juzz sa braso ko, unti-unti kung inilingon ang ulo ko sa pinanggalingan ng pamilyar na boses na iyon, at hindi nga ako nagkamali siya nga, siyang siya nga.

“Mm-mamaya na pala tayo kumain Coreen, may nakalimutan pa pala akong bilhin sa Department store.” Hindi na ako pumiglas ng bigla akong hatakin palabas ng fast food chain ni para mailayo ako dun sa lalaking yun. Tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makalabas na kami ng SM.

“Okay ka lang ba?”

“Hh-huh? Oo naman.” Nagawa ko pangngumiti pagkasabi ko non. Namalayan ko na lang na may humintong taxi sa tapat namin.

“'Lika na Coreen uwi na tayo.” Sabi ni Juzz. Sumakay na kaming dalawa at nagsimula nang umandar ang taxi nang biglang may pumasok sa isip ko.

“ALAH JUZZ! SI NYLI!”

Nyli’s POV

“Ang tagal naman nila.” Ang daming tao ngayon palibhasa Sabado, nasa bandang dulo nga palang upuan yung nakuha namin kaya hindi masyadong tanaw yung mga nabiling tao dun sa counter.

Masilip nga.

Tumayo muna ako sandali para dumungaw dun sa mga nakapila siguro naman malapit na silang makaorder kasi halos 5 mins na akong nagaantay sa kanila.

“Huh? Asan na yung dalawang yun.” Bumalik ako sa upuan namin at kinuha yung body bag kong maliit at hinanap yung cellphone ko.

Shhooooot! Pinaayos nga pala yung cellphone ko, paano ko sila matitxt nan. Kahit gutom tumayo na ako at lumabas para hanapin sila.

“Baka pinagtitripan na naman ako ng dalawang yun.” Sige pa rin ako sa paglalakad kasi baka makasalubong ko sila o kaya naman nakasunod lang sila sa akin at nagtatago lang. Maloko rin kasi minsan yung dalawang yun eh.

Halos magte-30 mins na akong nagpalakad lakad sa loob ng mall pero hindi ko pa rin sila nakikita o di pa rin sila nalabas kung nagtatago man sila. Sumasakit na yung paa ko at nawala na rin ang gutom ko kakahanap sa kanila.

“Makauwi na nga lang.” Lumabas na ako ng mall at naglakad pa punta sa terminal ng mga jeep para doon sumakay, hindi kasi ako pwedeng magtaxi kasi baka kulangin ang perang dala ko. Kanina kasi naghati-hati kaming tatlo sa pamasahe kaya hindi gaanong mabigat sa bulsa. ^^

“Nyli?” Hindi pa ako nakakalabas ng mall ng may tumawag sa akin sa bandang likuran ko.

“Tita Agnes?” 

==

Comment? ^^

'AbiJaRie' ♥