Chapter 2: Accidental Encounter

387 11 4
                                    

Juzz's POV

"Hello! Scholars! Welcome Freshmen and upper classmen. This is our election day and I would like to inform you that whether you like it or not, I Mr. Allen Joeffrey Valdez, will be your president for this schoolyear and I was voted last year, so you just be voting for Vice President, Secretary, Treasurer, P.R.O, Auditor, and representative for each level.  Well, there will also be the president's personal assistant and he or she will be personally picked by me. And that would be...

You, Ms. Robles."

(0_0)

"Ha?? Bakit ako?!" Parang biglang umikot ang paligid pagkarinig ko non. Totoo ba 'to?? I was personally picked by Mr. Perfect himself??! Oh my gosh!! Paano ko siya pakikisamahan?? Baka mahalata niya ako! He's my all time crush kasi since last year. Kamukha nya kasi si Kim Heechul ng Super Junior, eh adik kasi ako doon kaya na starstruck ako nung una ko syang nakita.

"It's my right to choose and that's final.."

Ala wala na akong  kawala. Oo, gusto ko siyang makalapit kaya lang parang hindi ko yata kaya. Bakit kaya ako pa yung pinili niya na maging assistant samantalang ang dami namin dito. Ano kayang iniisip niya??

"Oi, bakit ka nakatulala jan?" Sabi ni Ella na katabi ko.

"Ha? Ah.. wala" Wala sa sarili kong sagot.

"Hindi ka ba masaya?? Isa si Allen sa pinakagwapo at pinakamatalinong lalaki dito sa campus, siguradong maraming maiingit sayo nan." Nginitian ko na lang si Ella. Pero deep inside kilig na kilig ako. hehehe. Ikaw ba naman binigyan ng chance na makasama yung crush mo, at take note ULTIMATE CRUSH MO PA ha! Sino pa namang hindi sasaya non di ba? 

Pagkatapos ng election ay niremind kami ni Allen na may meeting ang officers bukas. Habang naglalakad ako sa hallway ay naisipan kong tumawag kay Nyli upang ibalita na ako ang napili ni Allen na maging personal assistant niya. Pumunta muna ako sa lugar na wala gaanong nadaan na tao, saka ko dinial yung number ni Nyli.

*Calling Nyli-ngot! ..

'Kring.. Kring.. Kring.. Kring... Kring'

Ano bang ginagawa ng babaeng 'tot ang tagal sagutin yung cellphone niya.

"Hello?" Si Nyli.

"Bakit ang tagal mong sagutin yung phone?? Anong ginagawa mo ha??"

"Hahaha! Hindi ko kasi mahanap yung cellphone ko sa bag ko eh. Oh bakit ka napatawag??" 

"Ay oo nga pala!! May ibabalita ako sayo!!" excited kong sabi kay Nyli.

"Ano?"

"Ako ang personal assistant ni Allen!!!"

"What??!!"

"Oo, kinakabahan nga ako eh. Baka malaman niya sa all-time crush ko siya."

"Ano ka ba hindi ya...*Toot toot toot*"

"hello?? Hello, Nyleee!!"

Ay offline na? Ano kayang nangyari doon sa babaeng yon? Mahanap nga siya.

Nyli's POV

Kalalabas ko lang ng library.

Saan na kaya sina Juzz at Coreen??

Magwa1pm na pala, malapit na yung next class ko. Makapunta nga sa cafeteria baka andun sila. Medyo malapit lapit na ako sa hagdan ng tumunog yung cellphone ko na nasa bag ko. 

Habang naglalakad hinahanap ko yung phone ko sa bag. Asan na ba yung cellphone na yun? Dito ko lang yung nilagay eh. Medyo malaki kasi yung sholder bag ko eh nakasanayan ko na ihulog na lang yung bagay na inilalagay ko kagaya ng ballpen, panyo at yung cellphone ko.

"Hello?" Di ko na tinignan kung sino yung caller, kanina pa kasi nagriring, eh baka emergency call pala.

"Bakit ang tagal mong sagutin yung phone?? Anong ginagawa mo ha??" Si Juzz pala.

"Hahaha! Hindi ko kasi mahanap yung cellphone ko sa bag ko eh. Oh bakit ka napatawag??"

"Ay oo nga pala!! May ibabalita ako sayo!!" inilayo ko ng kunti yung phone sa tenga ko, paano ba naman kung makasigaw tong si Juzz eh parang bingi ako.

"Ano?"

"Ako ang personal assistant ni Allen!!!"

"What??!!" gulat gulatan kong sabi kay Juzz, alam ko naman kasi na patay na patay siya kay Allen eh, at sa tono pa lang ng boses niya alam ko ng kilig na kilig siya.

"Oo, kinakabahan nga ako eh. Baka malaman niya sa all-time crush ko siya."

"Ano ka ba hindi ya...."

Araaaaaaay!

Ano ba yan! Bakit may nakakalat na ballpen dito sa hallway, natapakan ko tuloy. Buti na lang walang tao dito sa hallway, nadulas kasi ako. Mapulot na nga lang tong ballpen na to baka may iba pangmakatapak, buti hindi sa hagdan nakakalat kundi.. tsk tsk tsk! Payuko na ako para pulutin yung ballpen ng mapatingin ako sa kamay ko..

ALA! YUNG CELLPHONE KO!

Nagpalingalinga ako sa paligid baka sakaling makita ko yung cellphone ko, kaso wala eh.

Asan na ba yon?

Pagtingin ko sa hagdan may nakita akong lalaking nakayuko't nailing habang hawak yung ulo nya.

Huh?

Pinagpatuloy ko na lang yung paghahanap ko sa phone ko at ayon nakita ko na kalaskalas malapit sa kinatatayuan nung lalaki sa hagdan. Lumapit agad ako para pulutin yung mga parts ng cellphone ko na nagkalat.

"Is that your phone??!!" Nagulat ako ng biglang sumigaw yung lalaki kaya napatayo ako bigla.

Ala! Baka natamaan sya sa ulo nung naihagis ko yung phone ko.

"So-sorry po" Sabi ko sa kanya habang nakayuko, nakakahiya naman sa kanya.

Pagangat ko ng ulo ko..

Uh-ow..

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Author's Note:

Sorry po kung natagalan yung pagupdate tapos maiiksi pa, tatry po namin pahabain yung susunod na chapters. Ang dami po kasi naming ginagawa sa school, palapit na kasing matapos yung first term, tapos final exam pa namin next week. 

Salamat po sa pagbabasa, pagvovote at pagcocomment sa prologue at chapter 1 . God bless!. :-*

Next chapter? makikilala niyo na yung mga boys. wieeeeeeeee! :)) 

Comment po kayo ha. Thanks! 

'AbiJaRie' ♥

He loves Ms. NobodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon