Chapter TWENTY THREE: Bracelet

388 10 4
                                    

Rona: 'Yun nga eh.

...

"Ma! Look look! Perfectako sa long test namin!"

Winagayway ko 'yung testpaper ko sa harap ni mama.

"Ma, tignan mo oh!"

Hindi niya ako pinapansin dahil abala siya sa pagsa-sign ng mga contracts at kung anu-ano pa.

"Mama, tignan niyo po oh."

"Can you stop, Rona?! Nakikita mong may ginagawa ako!"

Napa-frown ako nang sabihin niya 'yun. Haaay. Sayang naman 'to. Nagpakahirap akong i-perfect 'to para ipakita kay mama pero mukhang hindi niya naman na-appreciate.

"Gusto ko lang naman po ipakita 'tong long test ko eh."

Napatingin si mama sa'kin. Para siyang makakapatay ng tao sa titig niya. Cold pero nakakatunaw.

"Bakit?! Kung titignan ko ba 'yan maibabalik mo ang buhay ng daddy mo?! HA?!"

Napa-atras ako sa sinabi ni mama. Kung talagang nakakamatay ang tingin, kanina pa ako pinaglalamayan.

"Ma, hindi ko naman po sinabing gano—"

"TITIGNAN KO LANG 'YAN KUNG MAIBABALIK MO ANG BUHAY NG DADDY MO!"

Napalaki ang mata ko sa sinabi ni mama. Ibinabalik na naman niya 'yung topic na iyon! Hindi na ba siya pwedeng mag move-on?! Matagal nang patay si daddy!

"Ma, matagal na pong patay si daddy! Wala na tayong magagawa—"

*pak*

"Dahil sa'yo namatay ang daddy mo! Kung hindi ka sana nagpumilit na pumunta sa lecheng mall na 'yan, edi sana buhay pa siya!"

Sinampal na naman ako ni mama. Tuluy-tuloy ang pagtulo ng luha ko. Ako na naman ang sinisisi niya. Ako nga ba talaga ang may kasalanan?

Hindi na ako nakaimik sa kinatatayuan ko. Kinuha ni mama ang lahat ng gamit niya at umakyat papunta ng kwarto niya.

ARGH! Ako ang may kasalanan eh! Sana ako na lang 'yung namatay imbis na si daddy! Sana ako na lang!!

Hindi ko na lang namalayan na papunta na naman pala ako sa park.

Birthday day na niya bukas. 'Yun sana ang gift ko kay mama eh. Pero, wala talaga. Hindi niya na maa-appreciate ang mga ginawa ko. Hindi niya na ako maa-appreciate kahit kailan.

*sob*

"Hindi dapat sinasayang ng isang katulad mo ang luha."

Napatingin ako sa panyong nasa harap ko at humarap sa taong nakatayo sa harap ko.

"Andrei, ikaw pala."

Inabot ko ang panyo at pinunasan ang luha ko.

"Thank you ha?"

"Wala 'yun. Alam mo namang bestfriends tayo eh."

Buti na lang talaga nandito si Andrei.

"Si tita na naman ba?"

Tumango ako.

"Hindi pa rin kayo nagkakasundo? Birthday na niya bukas ah."

"'Yun nga eh."

"May gift ka na sa kanya?"

Napaisip ako. Napakita ko nga eh. Hindi lang niya naappreciate. Sigh.

A ChanceWhere stories live. Discover now