Chapter TWO

648 24 14
                                    

Mr. Arrogant

____________________________

"Mr. Vargas, mag-explain kayo kung bakit kayo naglalaro sa corridor!"

"Ma'am, we're just practicing for the try-outs." Sinungaling! Nakakainis! Kabago-bago ko dito, guidance agad ako. Pero okay lang Atleast hindi ako ang may kasalanan.

"At bakit sa corridor niyo pa naisipan mag-practice? Ang laki-laki ng court ng school." Ingay naman ng matandang 'to. Mukha akong tanga dito. Naka-upo sa sulok ng guidance office. Anong ginagawa ko dito? Malay ko! Pinasama ako eh.

"Occupied po ang court para sa try-outs." Ang daming palusot ng echos na 'to. This what was happened...

-

"Miss! Ilag!"

"Ouch!" May tumamang isang bahay sa ulo ko. Fuck! Ang sakit! Parang dinambahan ng sampung elepante. Nabagsak ang cellphone ko at namatay.

"Miss, sorry ha. Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo." Pusang kinalbo! Ayos ah! Ako pa may kasalanan? Ang sakit din ng pwet ko. Napaupo ako matapos akong madambahan ng sampung elepante--este isang matigas na bagay. Ang lampa ko naman.

Naramdaman ko na lang na may tumatalbog ulit. Nilingon ko kung ano yun at... Bola pala yung tumama sa akin. Ayos rin 'tong mga lalaking 'to ah. Ni hindi man lang ako tulungan.

"Miss, ayaw mo pang tumayo?" Tanong nung may hawak ng bola. Paano naman ako tatayo kung masakit ang pwet ko?

"Pwede bang tulungan mo ako?" I said in a sarcastic way. Ayos rin kasi eh noh? Nag smirk lang siya.

"Kaya mo naman tumayo ah. Tsaka may hawak ako oh." Sabay pakita nung bola niya.

Lumapit yung isa niyang kasama at inabot yung kamay niya sa akin. Dahil gusto ko na ngang tumayo, kumapit ako sa kanya.

"S-salamat." Sabi ko habang pinapagpag yung damit ko. Ang dumi kaya ng sahig!

"Sorry ulit. Hindi namin napansing may dadaan." Buti pa 'to, marunong magsorry ng maayos! Eh yung bastos na kasama niya, ni hindi man lang ako tulungan. Nanisi pa!

"A-ayos lang."

"Mr. Vargas and company, proceed to the guidance office. Now!" Halos mapatalon ako sa gulat nung nagsalita yung boses matanda sa likod ko.

"Pare, patay tayo." Sabi nung isang hindi siya kagwapuhan pero may itsura.

"Badtrip! Nakita tayo ni tanda!"  Sabi naman nung isa. Gwapo naman. Pabulong lang nilang sinabi yun.

Sunud-sunod silang pumasok sa loob nung isang room.  Naiwan akong nakatayo dito at tinitignan sila habang pumapasok.

"And you Miss. Get inside too!" Then pumasok yung matanda. Ang taray ha! Siya yata yung guidance. Matanda na yung itsura niya tapos may salamin siyang suot.

Ako naman si masunuring pumasok na din. Nakakatakot kasi yung matanda eh. Mamaya kulamin ako pag di ko siya sinunod.

And here we are, binubungangaan nung guidance counselor.

-

"For your detention, you'll serve Ms. Jimenez for 3 days!"

"But Ma'am!" Ani nung Mr. Vargas.. Bakit lagi na lang siya ang sumasagot? May speaker talaga sila?

"No buts Mr. Vargas! It's your fault kung bakit meron kayong detention. Alam niyo namang bawal maglaro sa corridor!" Tumingin naman sa akin si Mr. Vargas then hinead to toe ako. "Eh mas mukhang slave pa yan sa amin eh!"

A ChanceWhere stories live. Discover now