Chapter TWENTY: Love at first Sight

350 12 2
                                    

Mandy: Mukha nga,

...

"Uy! Ikaw ha! Ikaw ha! Ikaw ha!"

"Anong ako ha? ako ha? ako ha?"

Kanina pa ako kinukulit ni Yssa.

"Bakit dun ka natulog sa bahay nila Rick?"

Tanong naman ni Pat.

"Malamang wala akong kasama sa bahay. Alam niyo naman na takot ako magisa noh."

"Eh bakit kila Rick pa? Mas malapit naman kila Yssa."

Usisa ni Rona.

"Duh? Tinulugan kaya ako ni Yssa!"

"12 na kaya ako natulog! Alam mo naman si mommy pag nagdadasal pinapatay lahat ng ilaw."

Sabat ulit ni Yssa.

"Ano? Malaki ba yung kwarto niya? Tabi kayo matulog? Anong sabi ng parents niya?"

Sunod sunod na naman magtanong itong si Toni!

"Tumigil nga kayo! Sa kwarto ng kapatid niya ako natulog, OKAY?! Nilalagyan niyo masyado ng malisya eh."

"O? May kapatid si Rick?"-Yssa

"Yep! Ang bait ng nun eh. Ang dami niyang kinuwento tungkol kay Rick."

"Talaga? Gaya ng ano?"-Rona

"Nung bata pa daw sila, mga 7 si Rick. Basta ayun, nat—"

"GOOD MORNING MANDY! MASARAP BA AKONG KATABI?"-Rick

Anak ng tokwa! Anong pinagsasasabi nito?

O.O---> Mukha nung apat

"Hoy! Anong katabi?" Loko 'to ah.

"Aminin mo na Mandy! Niyayakap mo pa nga ako eh!" Ngumisi siya! Leche 'to ah. Parang kagabi lang ang bait-bait. ngayon naman saksakan ng hangin at yabang!

"Mandy, akala ko ba dun ka natulog sa kwarto ng kapatid niya?"-Pat

"Oo nga! Ewan ko ba sa sinasabi nitong unggoy na 'to."

"Sus! Deny ka pa diyan! Ang bigat bigat nga ng paa mo eh. Dinaganan mo pa ako." Ano daw? O.o May sapi na ba itong si Rick? Anong nangyari dito?

"Hoy Rick! Ano bang pinagsasabi mo? Parang kang ewan. Alam mo yun?" Lumapit siya sakin. Lumayo naman ako. Lumapit ulit siya at ako, lumayo. Hanggang sa na-corner niya ako sa wall.

"Bakit hindi mo pa aminin? Alam ko naman na may gusto ka sa'kin." Ano?!

Lumapit ulit siya at bumulong. "Subukan mo lang ikwento sa kanila, hahalikan kita." ANO DAAAW?! O.O

May sapi nga talaga si Rick. Ke bata bata pa, may pahalik-halik na'ng nalalaman.

Ayy! Oo nga pala. Sinabi ko na ba na bumalik na kami sa classroom? Hahaha! Ang daldal kasi nila Yssa eh. Ayan tuloy, nawala ako sa sarili.

"Ehem. Nandyan po ba si Mandy?" Rinig ko ang pangalan ko sa pinto ng room namin. May naghahanap sa'kin? Weh? Hahaha! Nandito kasi ako sa dulo. Nakikinig sa kaklase kong naggigitara. Nagpapaturo din ako.

"Mandy, may naghahanap sa'yo!" Sigaw ni Klariza na akala mo eh nasa kabilang bundok. Lakas talaga ng boses! hahaha!

Lumapit ako sa pinto para tignan kung sino 'yung naghahanap sa'kin.

"O, Shaira!"

"Hi Mandy! Dinalahan kita ng cake oh. Ang aga mo kasi pumasok kaya hindi ko na nabigay sa'yo." Naka smile pa siya ng sobrang laki. Ganito oh------> ^________^ Taas talaga ng energy. Mana sa kuya niya! :D

"Nuxx naman! Thank you! Ay. Halika, pasok ka muna." Pinapasok ko siya sa room tutal wala naman kaming classes. Free time lang.

"Girls! Si Shaira nga pala. Siya 'yung tinutukoy kong kapatid ni Rick. Shaira, sila ang mga kaibigan ko. Si Yssa, Pat, Rona at—"

"Hi Shaira! I'm Toni! Nice meeting you." Totoo ba itong naririnig at nakikita ko? O.O Si TONI? Weh? 'Yung malamya niyang boses......naging buo at lalaking lalaki. Di nga?!

Napatingin din sa kanya 'yung tatlo. Eto namang si Shaira, nakipagshakehands kay Toni. Ano bang nangyayari sa mundo?

"Nice meeting you too." ^____________^ Ganyan pa din 'yung ngiti niya. Anong problema ng mundo? Naging square na ba?

"Anong year ka na?"-Toni

"Ayy. Grade six pa lang ako."-Shaira

"Talaga? Mas bata ka pala kay Rick."-Toni

Kaming apat------> O.O Ano bang nangyari? Nasaan si Antonia? Bakit naging Antonio?

Silang dalawa na lang ang nagkwentuhan. Parang nawala lahat ng tao sa paligid nila.

"Girls, anong nangyari kay Toni?"-Pat

"Ewan din namin. Ikaw Mandy, may idea ka?"-Rona

"Sinapian ba si Toni ng masamang kaluluwa?"- Yssa

"Mukha nga."-Me

At bumalik na lang kami sa kanya kanya naming ginagawa. Kami ni Yssa, pinagsaluhan 'yung cake. Hindi kasi mahilig sa matamis si Pat, diet naman si Rona.

Sagutin niyo nga, na 'love at first sight' ang gayfriend namin? O.O

A/N: UPDATE ULIT! :) Hi! Pipilitin ko na na araw-araw mag update basta mag VOTE at COMMENT kayo. ^____^ Paki sagot ng tanong ni Mandy oh. ANO BANG NANGYARI KAY TONI?

A ChanceWhere stories live. Discover now