Chapter FIVE

520 21 4
                                    

Mandy: Sa'yo na.

...

It's been a week since the first day of classes. Nagstart na nga kami ng lessons eh. Grabe. OP ako sa mga classmates ko. Ang tatanda na nila eh. Lahat sila either 12 or 13 years old. Eh ako? December pa ang birthday ko.

Si Mr. Vargas? War kami! Kahapon niya lang natripan mag-start maging alalay ko. Napahiya kasi nung isang araw eh. Pasalamat siya hindi buong school yung nakarinig, kundi, kahiya-hiya siya. Kasalanan niya naman eh. Kung hindi niya sana ako inasar, di sana peace kami, di ba?

"Huy! Lalim ng iniisip na'tin ah." May goodness! Kung may sakit lang ako sa puso, kanina pa ako patay. Nanggugulat naman kasi si Zeke eh.

"Leche ka. Wag ka nga manggulat! Papatayin mo naman ako eh!" I said while holding my chest. Lakas ng impact ng pangugulat niya eh. Yan tuloy.

"Sorry naman. Kanina ka pa kasi nagd-daydream eh. Kwento ako ng kwento, di ka naman nakikinig." Nag-pout naman ang loko. Pakyut? Nahawa ka kay kuya? Tss.

"Wag ka ngang gumanyan. Di bagay sa'yo." Nilagay ko yung right hand ko sa mukha niya para i-cover ang pagpapa-cute niya. Cute naman talaga siya eh. Naiilang lang ako. Lol.

"Uyy! May nabubuong pagtitinginan." Sabi ni Yssa. Lokaret na babae! Asarin ba daw ako sa best friend ko?

"Loka-loka! Anong nabubuo ka diyan?!" I said. Break nga pala namin ngayon. Nandito kami sa canteen. Si Yssa gumagawa ng kung anu-anong stuff. Sina Toni naman bumili ng food nila. Kanina pa nga yung tatlong yung eh. Binili na yata nila 'tong buong canteen sa tagal nila eh.

"Oy. Panget!" My gad! Nandito na naman 'tong panget na 'to? Bwisit! Hmp! Hindi ko nga papansinin. Panira ng magandang araw eh.

"Aw. Dinededma ka na pala ng mga babae ngayon pare?" Tanong naman ni Kevin. Tss. Kevin, FYI lang. Hindi lahat ng babae mauuto niyan.

"Yssa, tara na. Sa bleachers na lang tayo kumain. Mas okay pa simoy ng hangin dun kesa naman dito." Kumbinsi ko kay Yssa then tumayo na ako. Ayoko kasing pansinin 'tong mga epal na 'to eh. Buti kung uutusan ko siya.

"Bakit? Umutot ka ba?" Naku!! Kumukulo na naman ang dugo ko!! Dapat talaga lagi akong may dalang panaksak o pamukpok eh. Brutal ba? Nakakapikon kasi eh.

"Dude. Tara na. Wag mo na pikunin si Mandy." Buti pa 'tong si... Teka. Hindi ko pa nga pala kilala 'to ah. Siya yung tumulong sa'kin noon nung tumayo ako. Pero bakit wala siya sa Four Voice?

"Uy. Pare. Pumasok ka na pala. Bakit wala ka nung opening ng school?" Tanong ni Zeke sa kanya. Sinundan niya kasi sina Toni eh. Ang tagal naman kasi ng mga yun. Kung saang lupalop na ng mundo napunta.

"Nilagnat kasi ako eh. Ngayon lang ako nakapasok." Ah.. Kaya pala wala siya nun. Pero teka. Bakit kilala niya ako? Saan niya nalaman pangalan ko? Nagsidatingan na rin yung mga kasama nila. Wala si kuya? Malamang! Mamaya pa kaya yung break nila. Tungaw!

"By the way, magkakilala pala kayo ni Mandy?" Zeke said.

"Actually, we met last week. Nung first day ng class. I heard sister siya ni Charles kaya nalaman ko yung pangalan niya." Ah. Kaya pala nalaman niya. Ang bilis naman ng chismis dito.

"Ganun ba? Uh, Mandy, si Chino nga pala. One of the Four Voice members." Nilahad niya naman yung kamay niya sakin. We shook our hands.

"Nice meeting you again, Mandy." He said while smiling. Impernes! Cute siya ha. Nakakaloka yung ngiti niya. Pamatay!

Hoyhoy! Lumalandi ka na Mandy ha. Nahawa ka na yata kay Yssa eh.

Ngumiti lang ako sa kanya. Di ko keri magsalita eh. Alam niyo yung nakaka-froze yung ngiti niya. Hala! Nagkaka-crush na ba ako? Eto na ba ang first crush ko?

Ay shet! Buking ako! Hindi pa nga pala ako nagkaka-crush eversince. Hindi naman kasi ako nakikisalamuha sa boys except kay kuya eh. Kung may crush man ako, sa TV lang makikita tulad ni Kim Bum at ni Mario Maurer kaya imposibleng maabot ko yun. Hindi pa ako nagkaka-crush sa totoong tao.

Teka... Totoong tao naman yung dalawang yun ah.

"Miss Jimenez!" Natauhan na lang ako sa pagtawag ni ma'am. Ay. Joke ba 'to? Kanina pa ba ako tulala?

"Huy, Mandy. Ano bang pinagiisip mo diyan? Kanina ka pa tinatawag ni ma'am."-Yssa. Sabi ko nga. Hindi kasi ako nakikinig eh. Bakit ba iniisip ko pa yung mga dati kong hindi totoong taong crush? Ano daw?

"Ma'am?" Painosente kong tanong. Baka sakaling lumusot.

"Who developed the BASIC or Beginner's All-Purpose Symbolic Instruction Code?" Sus! Yun lang pala eh. Ang dali dali.

"John G. Kemeny and Thomas E. Kurtz, ma'am." Talino ko noh? Not. Nasabi ko na bang classmate namin yung apat na member ng Four Voice? Kung hindi pa, there I said it. Si kuya at si mayonnaise lang yung hindi namin classmate. Sophomore na pala si mayonnaise?

"Good. You may take your seat." Sinunod ko naman si ma'am. O, wag ka! Kahit di ako nakinig, alam ko isasagot ko. Yabang. Topic na kasi namin yan nung grade six eh. Si Yssa, kahit anong paliwanag, makakalimutan rin niya yan. What's new with her? Ni hindi nga yan umaabot sa top eh. Bad.

After ng ICT namin, dumiretso kami sa bulletin board sa tapat ng pool area. Nakalimutan kasi namin tignan kung nakapsa kami. Ulyanin na, pasensya.

"Hay. Buti pa kayo marunong lumangoy. Ako, langoy aso lang alam ko." Sabi ni Toni.

"Langoy aso ka diyan. Baka langoy bakla." Grabe talaga makahirit 'tong si Pat. Hindi mo talaga makikita sa itsura niya yun eh. Tahimik lang pero palaban. Kaya gusto siyang maging kaibigan eh. Idol ko na siya.

"Hindi ah. Langoy tuta alam niyan. Wag mo naman masyadong babain Pat." Pati 'tong si Rona. Akala mo ang hinhin, pero kalog din. Iba talaga mga barkada ko.

"Mandy!! Congrats!" Nagulat ako sa pagyakap ni Zeke. Teka, anong meron?

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Bigla bigla naman kasing nangyayakap eh.

"Ano ka ba best? Tinatanong pa ba yan? Siyempre pasado tayo sa try-outs. Official na tayong swimmer ng school!"-Yssa. Weh? Talaga? Ang inaasam-asam kong maging swimmer ng school natupad na rin. Dati kasi sa FAC ilang beses akong nagtry pumasok pero palpak eh.

Nagdabog paalis si Toni. Problema nun?

"Hoy, bakla! Problema mo?"-Pat.

"Selos kasi ako kay Mandy eh. Siya, niyayakap ni Zeke. Ako hindi." Sus! Umiral na naman ang pagkabading nito. Minsan naman kasi hindi umaatake yung sakit niyang kabaklaan eh. Oo, aminado ngang bakla siya. Pero hindi pa totally kaya pwede pang agapan. Ano 'to? Cancer?

"O, ayan. Sa'yo na siya." Tinulak ko naman si Zeke papunta kay Toni. Hindi malakas yung tulak ko ha. Hindi sa nababakla na rin si Zeke. Mapagbigay lang talaga 'tong best friend ko kahit mapapahamak na siya. Basta para sa kaibigan. Naalala ko tuloy nung niligtas niya ako nung muntik na ako mabangga dahil sa lintik na bike ko.

"Nakalimutan ko pala friend. May Competition sa July. Kung interested daw, magregister sa office ng swimming team ng school." Eto na ang pangarap ko. Ang makasali sa competition. Hay. Sa wakas.

"Sali ka Mandy ha. I'll support you." At niyakap ulit ako ni Zeke.

_________________________

A ChanceWhere stories live. Discover now