Chapter FOUR

532 21 8
                                    

Meet my alalay

____________________________________________________

"We meet again, Amanda."

"Ofcourse we'll meet, Derrick, huh. You're my slave, remember?"

Nalaglag ang panga ni kuya sa'kin, nawala ang ngisi ni Derrick at ngumiwi si Andrei dahil sa narinig.

Tumingin na ako sa stage. Nagpapatuloy ang program. Pinapaulanan kami ng tanong ni kuya dahil sa narinig na slave mula sa'kin. Hindi namin siya pinapansin.

Hindi na nakapagtiis si kuya. Hinawakan niya ang braso ko at ihinarap ito sa kanya. "What slave?" He asked.

"You don't know what a slave is?" I asked him too, in a sarcastic way.

"Alam ko Amanda Candellette! But, how?" Tinitigan ko siya ng masama. Uh! How will I rid with him?!

Bumuntong hininga ako. "Why did you leave me a while ago? Ba't 'di mo ako sinabay?" Nagbabakasakali akong maiiba ang topic kahit alam kong imposible.

Inirapan niya ako. Is he gay? "I left early beacause we have pratice for this shitty opening. Now, what slave, Mandy?"

"You didn't even tell me that you have pratice. Muntik na tuloy kaming malate ni Yssa." Humigpit ang hawak ni kuya sa braso ko.

Suminghap ako. "Ouch." I told him.

"Don't change the topic, bratt." Aniya at binitawan ang braso ko.

Inirapan ko siya. "Fine! But, why is it big deal kuya?"

"Well, I'm just curious, you know? Derrick the cold hearted jerk is my little sister's slave? Wow!" Ani kuya.

Nagkibit balikat ako. At kinuwento sa kanya ang mga nangyari kahapon. Nalaman niyang naguidance ako, great! Pagkatapos kong magkuwento, patapos na rin ang program at halos hindi na kami nakinig.

"Calling on the four voice band to sing before you take your break." Ani nung english coordinator namin. Naghiyawan na naman ang mga kapwa namin estudyante.

"Go ahead! They're calling you." Ilang sandali pa ay umalis na rin sila sa tabi namin. Napansin kong si Yssa ay naestatwa na sa kinauupuan niyang monoblock. Dahil siguro katabi niya si Jonaise.

Nagsimula na ulit kumanta ang bandang four voice. Nakakainis! Kung hindi lang mayabang 'yan si Derrick baka crush ko na iyan. Joke okay.

"Mandy!" Kumaway kaway si Rona kasama yung tatlo. Papalapit sila sa'min. Ngayon ko lang napansin na hindi pala namin sila kasama.

"Saan kayo galing?" Tanong ko sa kanila nang makalapit. Umalis kami sa loob ng conference hall. Papunta na kami sa cafeteria ngayon. Kakatapos lang ng program at binigyan kami ng 2 hours break.  Babalik ulit kami sa Conference hall pagtapos kumain dahil ipagpapatuloy ang program.

"Sa likod kami umupo. Hindi namin kayo mahanap kanina. Late ba kayo?" Tanong ni Toni sa'min ni Yssa.

"Ah. Oo, medyo late kami ng konti. Si kuya Charles kasi iniwan kami ni Mandy. And lumapit sa'min yung Four Voice kanina. Did you see it?! Ang gwapo ni Jonaise!" Tili ni Yssa. Pagkarating namin doon sa cafeteria, umupo kami malapit ulit doon sa bintana.

"Oo! Gwapo yun! Pati na rin yung iba. Ang kaso lang, si Andrei..." Natawa naman ako sa sinabi ni Toni. Okay naman si Andrei ah?

"Hoy bakla! Lumalandi n ah." Sabat ni Pat. Tahimik si Pat. Pero kapag nakisabat siya sa usapan ay masaya.

Second day ko pa lang dito, magkakaclose na kami agad. Dati kasi sa school naming all girls ay kaming dalawa lang ni Yssa ang madalas magusap. Pagkatapos umorder ng pagkain, nabanggit ko sa kanila Toni na alalay ko si Derrick ng one week.

"Grabe! Ang swerte mo!" Pinaghahampas niya na ako. Madami pa silang pinagsasabi. Ako naman ay nakikitawa lang dahil wala akong pake kay Derrick.

Pagkatapos kumain. Inikot kami nina Pat sa buong school. Malaki ito. Bale, may isang building pang pre-school. Hindi pa ako nakakapunta dun. Tinuro lang nila. Bawal pumunta doon pag class hours. Mabubulabog umano yung mga bata. Marami pa naman daw makukulit dun. May dalawang building para sa Elementary. Grades one-to-three yung Circinus building, sa four-to-six naman yung Centaurus building. Sa highschool rin, dalawang building. Mag kasama yung first at fourth year sa Phoenix building and yung second and thrid year sa Perseus building. Yung college ang pinaka maraming building. Bawat building ay may anim na floor. Ewan, basta napakalaki!

Napansin ko lang... Hindi naman siguro mahilig sa constellation yung may-ari ng school na 'to di ba? Joke.

Naglakad lakad pa kami at nakasalubong namin ang four voice.

"Oh. Andito pala ang alalay ko eh." Lahat sila nagtinginan sa'kin.

"Hi baby sister!" Hindi ko pinansin si kuya. Nababakla na naman.

Sila Rona ay halos maihi na sa pagkakaestatwa dahil sa paglapit sa'min ng four voice. Oh okay. Great!

May hawak ngayon na bola yung Derrick Arrogant Vargas na yun! Shit! Naaalala ko tuloy yung nangyaring pagkakapahiya ko kahapon. 'Wag niyang maulit ulita 'yun! Sinasabi ko sa kanya, masasapak ko talaga siya!

Hinila ko si Toni at Yssa pabalik ng conference hall. Sumunod na rin sa'min sila Rona at Pat. Nasa likod nila Pat sila kuya.

"Candy! Sa harap kayo umupo!" Sigaw ni kuya mula sa likod. Inalis ko ang kamay ko mula sa pagkakahila kela Yssa, dahil kusa na silang sumusunod. Sinunod ko si kuya.

"Candellette may babalikan lang ako sa room." Ani kuya. Tumango tango lang ako.

Malapit na kaming makarating sa harap ng bigla nalang napadpad yung mukha ko sa sahig. Ramdam kong naflat yung ilong ko at ang lakas ng tama ng baba at noo ko. Fuck!

Narinig kong nagtawanan ang nasa paligid ko. Tinulungan akong tumayo nila Yssa. Pinagpagan ko ang damit at ang mukha ko. Nakita ko sa may hilid ng paana ko ang isang bola! Yung bola na tumama sa ulo ko kahapon! Damn!

Tumaas ang tingin ko sa kung sinong nagrolyo ng bola mula sa paa ko dahilan para sumubsob ako sa lupa. Nakita ko ang isang poging demonyo na nakasmirk... Derrick Vargas!

May mga nagtatawanan pa rin. Nakita ko sa gilid ng paningin ko si Zeke kasama si kuya Charles. Pero wala na akong pake! Nakakahiya! Ang daming nagtitinginan sa akin! Pinalilibutan ako! Fuck it!

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob kong iyon, dahil na siguro sa pagkakapahiya. Lumapit ako kay Derrick at hinawakan ang tainga niya. Napaaray siya sa sakit. Hinila ko siya gamit ang pagkakahawak ko sa tainga niya patungo sa stage.

Rinig kong ang daming bulungan.

"Ang kapal naman niya."

"Hala napingot si Derrick."

"Derrick babes!"

"Who's that bitch?"

"Ayan ba yung kapatid ni Charles?"

Pero ano nga ba?! Wala na akong pakealam! Pinahiya niya ako ipapahiya ko rin siya!

Pagkarating sa stage. Binitawan ko ang tainga ni Derrick.

"Goodmorning ma'am!" Bati ko doon sa english coordinator namin. "Can I borrow the mic for a moment, please?" Dugtong ko.

"Sure. Why?" Malumanay na tanong niya. Binigay niya sa'kin ang mic.

Hindi ko na pinansin si ma'am at nagkunwaring hindi siya narinig dahil sa mga bulungan. Nasa harap na si Zeke at si kuya Charles ngayon.

"What are you doing?" Tanong ni Zeke. Tiningnan ko lang siya.

Hinila ko ulit si Derrick palapit sa'kin gamit ang paghawak ko sa tainga niya.

"Goodmorning everyone." Panimula ko. "I am Amanda Candellette Jimenez. First year. And I want to say something."

Hinigpitan ko lalo ang paghawak sa tainga ni Derrick dahilan para mapangiwi siya.

"This is Derrick Vargas. Meet my alalay." Sa mga sinabi kong iyon, halos lahat ng tao sa loob ng conference hall ay nagbulungan.



_________________________________________________

Edited.

_raj

A ChanceWhere stories live. Discover now