Ten

4.6K 190 34
                                    

“Mason! Omg Mason!”

“Shocks Mason! Pakasal na tayo!”

“Mason ang gwapo mo!”

“Pucha Mason I love you!”

“Mason! Taena pansinin mo ‘ko!”

Wala na akong ibang narinig kundi ang hiyawan ng mga babae. Hindi ko rin alam kung andito si Zai ngayon. Grand Fans Day ko ngayon eh pero mas okay na rin siguro na wala siya para makapag-pahinga siya.

Pinagpatuloy ko lang ang pagkanta at pagpapasaya sa mga taga-hanga ko. Kung hindi naman dahil sa kanila eh hindi ko mararating ‘to.

Nang makauwi ako sa bahay eh sinubukan kong tawagan si Zai kung kamusta na ba siya pero nagulat ako nang lalaki ang sumagot.

“Sino ka?” tanong ko.

“Pare boyfriend ka ba niya? Pasensiya na talaga… gipit lang. Sana hindi ko siya napuruhan. Patawarin niya sana ako.” Nakarinig pa ako ng mga mura sa kabilang linya na sinasabing bakit siya humihingi ng tawad.

“Teka an-…” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol na niya ang tawag. Sinubukan ko siyang tawagan ulit pero wala na, hindi ko na siya ma-contact.

Bigla akong kinabahan. Anong nangyari? Aalis sana ako pero nakatanggap ako ng tawag mula sa manager ko na magpahinga na raw ako dahil maaga pa ang flight ko bukas. May concert kasi sa Vegas. Napapalo na lang ako sa kama.

Kinabukasan ay nasa airport na kami at hinihintay na lamang ang flight nang tumunog ang cellphone ko. Si Trisha, o bakit naman kaya?

“Hey Trisha,” I greet. Pero wala namang sumagot sa kabilang linya. ‘Yung totoo? “Huy, siya nga pala. Anong nangyari kay Zai? Tinawagan ko siya kagabi pero lalaki ‘yung sumagot eh.”

I heard her sob. “Mason… si Zaira… si Zaira…” her voice cracks.

Bumalik nanaman ‘yung kaba ko. Ano ba talaga kasi ang nangyari? “Ano? Anong meron kay Zaira? Pucha, kagabi pa ako kinakabahan ha.”

“Wala na siya… Mason ‘yung best friend ko… wala na… wala.”

Nanginig ang buong katawan ko sa nalaman. Pinakiusapan ko ang manager ko na susunod na lang ako sa Vegas, kahit na hindi na ako makapag-rehearse, basta susunod na lang ako. Kailangan ko puntahan si Zaira… kahit anong mangyari.

Mabilis akong nagmaneho at dumiretso sa bahay nila. Sa labas pa lang ay mararamdaman mo na ang lungkot. Nag-doorbell ako at pinagbuksan ako ng Kuya niya ng gate. Gustuhin ko mang si Zaira sana ang magbukas ng gate sa akin at bigyan ako ng matamis na ngiti pero wala na eh… wala na siya.

Pinapasok ako ni Kuya Kiel sa bahay nila at inalok ng juice pero tinanggihan ko. “I heard about Zaira,” I started.

He gave me a bitter smile. “Masiyado ka talagang mahal ng kapatid ko ‘no.”

“Bakit?”

“Ang sabi nung ibang pasahero, during the investigation, ayaw niya ibigay ‘yung bag niya kasi importante raw ‘yung laman. Guess what, puro poster at album mo lang naman ang andoon sa bag niya.” Agad niyang pinunasan ang mata niya para hindi na tuluyan pang bumagsak ang luha niya. Wait, so it means she died because of a holdaper and hindi dahil sa sakit niya? “Tara punta tayo sa kwarto niya.”

Sumunod ako sa kaniya. Binuksan niya ang drawer ng study table ni Zaira at may inabot sa aking maliit na notebook. “I don’t know kung ikaw nga ang tinutukoy ng mga sulat niya diyan pero dahil importante ka sa kaniya ipapabasa ko na sa’yo. Madalas ko rin kasi basahin ‘yan ‘pag naiiwan niya eh. Pinapakialaman ko lang.” Natawa pa siya ng bahagya, pero isa ‘yong tawang hindi masaya. “Iwan na muna kita diyan. Pagkatapos mo punta na tayo sa funeral.” I nodded.

Be my RomeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon