Five

6.2K 177 28
                                    

Madalas akong dinadalaw ni Mason pero tuwing madaling araw na iyon, pagkatapos ng taping niya. Hihihi. If I know, marami ng na-i-inggit sa’kin pero hindi pa sila informed na dapat na nila ako ka-inggit-an kasi hindi ko naman ma-tweet o ma-status kasi nga andito pa rin ako sa hospital. Mahirap naman mag-net nang naka-dextrose tapos bantay sarado pa sa’yo mga kasama mo. Eh kasi nga, ‘pag naglikot ka magdudugo na agad ‘yung nasa dextrose. Tss, pakaarte ng dextrose na ito. Okay puno ng word na ‘dextrose’ ang paragraph na ito.

Parang body clock ko na ang paggising ng alas-tres ng umaga at sa tuwing magigising naman ako ay saktong may kakatok kaya awtomatikong tatayo si Kuya at bubuksan ang pinto, dito na kasi siya gumagawa ng thesis niya kaya lagi siyang puyat.

“Oh, andito ka nanaman?” rinig kong tanong ni Kuya sa bisita ko. Bwiset. Pumasok na ito at nginitian na lamang si Kuya.

“Nakaka-istorbo ba ako? Pasensiya na,” nakangiting ganti naman ng gwapo kong bisita sa Kuya ko.

“Eh kung sana nagdadala ka ng pagkain edi hindi ka nakaka-istorbo,” pag-irit pang muli ng kapatid kong daig pa ang babaeng may dalaw.

Lumapit sa akin si Mason at nag-kwentuhan pa kami. Binuksan namin ang tv at sabay naming pinanuod ang Camp Rock sa Disney Channel, wala kasing ibang matinong palabas, okay? At hind naman nag-reklamo si Kuya dahil busy siya sa thesis niya at naka-earphones din naman siya. Tama lang ‘yan para hindi siya makasagap ng chismis sa kung ano mang pag-uusapan namin ni Mason.

“Kailan ka lalabas dito?” tanong niya after naming tumawa dahil sa joke niyang pinilit ko lang matawa. Corny kasi eh, pero mas funny kasi ‘yung facial reaction niya after niya sabihin ang “joke” na iyon.

“Sa susunod na araw. Bakit, susunduin mo ba ‘ko?” Sorry, assumera here.

“Nako, hindi pwede eh. May guesting ako,” natawa naman ako sa reaction niya kasi parang ang lungkot niya talaga. “But maybe I can take you out this Saturday?”

Nakipagtitigan muna ako sa kisama habang ina-absorb ko ang sinabi niya.

But maybe I can take you out this Saturday?

Ay punyemas, anong ibig sabihin no’n!

“A-ano…” Bwiset. Kung kailan kaharap ko na ‘yung lalaking gustong-gusto ko tsaka naman nawala lahat ng kakapalan ko sa mukha. Ano, na-isuka ko na ba ang pagiging confident?

“If that’s okay with you…”

I kept on nodding like a retard and that made him laugh. “Ah, so paano kita susunduin? May pasok ka ba sa Sabado?”

Nyetang iyan. Meron nga pala. “Meron eh, hanggang 2:30 class ko no’n,” kung hindi lang major subject ‘yon! Ay jusko! Moment ko na ito eh!

“Oh! Pwede sige, sunduin kita sa school?”

Again, I nod like a retard. Ah shit. Ano bang ginagawa sa akin nito ni Mason! Ako na baa ng susunod kay Annabel Rama? Sabi niya kasi sa interview noon fan lang siya dati ni Eddie Gutierrez tapos ngayon asawa na niya! (Kung tama man nga ang source ko, tanungin mo na ako tungkol sa tsismis ‘wag lang sa ProdMan na subject namin.) From fan to lovers, ang peg?

Na-imagine ko na agad ang sarili ko na kasama si Mason sa mall tapos pagtitinginan kami ng mga tao dahil sa sobrang gwapo at sikat ng kasama ko. Ano kayang feeling maging girlfriend niya ano? *Insert malanding tawa here*.

Namutawi muli ang kakapalan ko at kinuha ko ang number niya. Siyempre, dinahilan ko na paano niya ako mako-contact sa Sabado kung hindi niya alam number ko ‘di ba? Kaya kinuha na lang niya ang number ko tapos siya na lang daw ang magte-text sa akin.

Be my RomeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon