One

12.9K 291 47
                                    

Pagkagising sa akin ni Mama ay agad kong binuksan ang radyo at halos mapatili naman ako nang boses niya ang bumungad sa akin.

♫ Infatuation, not seeing the rest of you
Is getting the best of me
It's such a shame that you shot me down
Would have been nice to be around ♫

Nakangiti akong dumiretso sa kusina at umupo habang hinahain ni Mama ang almusal. Ang aga-aga pero inaaway na ako ng damuho kong Kuya. Ugh, lagi kasi niyang sinasabi na pangit daw si Mason. Bwiset! Hindi ata niya alam ang pinagkaiba ng pangit sa ubod ng gwapo eh. At siyempre, bilang dakilang fan ni Mason wala akong ibang ginawa kundi ang ipagtanggol siya.

"Kuya, sabi ko naman sa'yo, matuto kang tumingin sa salamin nang malaman mo ang totoong meaning ng pangit," malumanay at nagpapa-cute kong sabi.

Sinamaan naman niya ako ng tingin. Nakaamba na siyang batukan ako, "Pasalamat ka..."

"Oh Kiel tama na 'yan,” sita sa kaniya ni Mama. 

Binelatan ko na lang ang Kuya ko. Ganiyan kami tuwing umaga, pasensiya na.

Matapos kami kumain ay naligo na ako at nagmamadaling pumasok sa school. Hindi ako nagmamadali dahil sa mabait at huwaran akong studyante, nagmamadali ako dahil late na ako sa first class ko! Strict pa naman sa attendance ang matanda kong professor. Tsk-tsk. Pagkarating ko sa 3rd floor ay sumilip muna ako sa bintana ng pinto at nakita ko namang nakatalikod si Ma’am at nagsusulat sa board kaya naman I grab the chance! Binuksan ko ang pinto pero… damn, ang ingay ng pintuan! Napatingin tuloy ang lahat sa akin, including my strict professor.

“Quirino, late.” She marked my index card while she shook her head.

Naupo na ako at nilabas ang baon kong tubig, hingal na hingal ako sa pag-akyat ko eh. “Ayan, hinihingal ka nanaman. Ang tigas ng ulo mo,” sermon ng kaibigan ko.

“Sorry na Trisha.” Pinitik naman niya ako sa braso. Uminom ako ng tubig at pinahinga ang sarili ko.

Habang kumokopya siya ng lecture ay nagdadaldalan kaming dalawa. “Oy ah, mamaya sasamahan mo ‘ko,” sabi niya.

“Saan?” tanong ko habang kinukuhaan ng picture ang whiteboard. Nakakatamad kasi magsulat eh.

“’Di ba nga titingin ako ng dress para sa debut ng high school friend ko.”

Nag-isip pa muna ako at… “Shet, oo kailangan ko nga pumunta ng mall ngayon!”

“Bakit? May bibilhin ka rin?”

“Oo! Kailangan ko ng ticket para sa concert ni Mason! Shit!”’

Napalingon muli ang professor namin at inayos ang suot niyang salamin, “Who among you cursed?” she asked angrily.

Napayuko na lang ako at nagpanggap na nagsusulat pero ang totoo niyan ay nagpe-Flames lang naman ako.

FLAMES 

MASON ZAMORA

ZAIRA QUIRINO

Pero hindi ko naituloy dahil sa pesteng bell. Nagulat pa ako eh pero okay lang din ibig sabihin, next class na! Tapos, break time, tapos dalawang class pa then uwian na! Makakabili na ako ng ticket!

Andito na nga kami ni Trisha sa mall at kasalukuyan kaming nakikipagsiksikan. Medyo maraming tao sa ticket outlet, takot maubusan? Nakaka-stress!

“Sabi naman sa’yo eh, dapat namili muna tayo ng damit ko,” she blurted out.

Be my RomeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon