Nine

5K 186 34
                                    

After a series of therapy naging okay na ako. Or so I thought?

Hindi nga ako makapag-focus sa pag-aaral dahil sa pesteng sakit ko eh. Mahirap lalo na kung nagha-hallucinate ako at kapag puro pakikipagtalo ang ginagawa ko, pinagpipilitan kong tama ako kahit na mali naman talaga ako. I always have false arguments.

Pero hindi ko ininda ang mga iyon dahil andiyan naman lagi ang mga taong nagmamahal sa akin eh, si Mama pinagbabaon niya ako baka raw kasi ma-isipan ko bigla na mag-skip ng lunch. Si Kuya naman ay madalas akong isabay pagpasok, siyempre ihahatid niya muna ako sa school tapos hindi na siya bababa dahil ‘pag nakita nanaman siya ng mga kaklase ko na nasa lanai o mga padaan lang ay sisigawan nanaman siya na akala mo close sila. Hindi rin naman ako papaya kasi bet ko na si Trisha para sa kaniya ‘no. At least we can be real sisters, as in legal sisters kung ikasal man sila ni Kuya. At speaking of Trisha, siya naman ang taga-bantay ko ‘pag nasa school kasi mahigpit akong ipinagbilin sa kaniya ni Kuya which is according to her na hindi na kailangan ‘yon sabihin ng kapatid ko talaga namang babantayan niya ako. At siyempre, ang Papa ko. Hindi man kami magkakasama sa iisang bahay eh hindi siya nakakalimot magparamdam sa akin. He’s still the first man that I love. Spoiled pa rin ako sa kaniya kasi sinusunod niya ang luho ko; like last weekend pinag-shopping niya kami ni Kuya, na medyo kinagalit ni Mama kasi napagod ako ng sobra at nanghina ako pagkauwi. I’m glad that my parents are still good friends despite of the things happened in the past.

And of course, that guy – Mason. He’s still the superstar that he is. Actually, mas sumikat pa nga siya kasi nagkakaroon na siya ng mga international concert and as a fangirl, I am very proud of him. Hindi pa rin siya nagbabago, mabait pa rin siya (binigyan niya kasi ako ng pasalubong nung pumunta siyang NY hihihi), at siyempre mahal ko pa rin siya. ‘Pag libre siya inaaya niya pa rin naman akong lumabas, pero as usual patago pa rin dahil ayaw naman niyang dumugin siya ng fans at madamay pa ako ang the most kilig part is, ayaw niyang masaktan ako ulit dahil sa fans niya. Ayaw niyang magalit sa fans niya kaya mas mabuti na raw na kami na ang umiwas sa gulo. Hihi. ‘Di ba, hindi siya paasa, pa-fall lang. Joke. Does that make any difference? But either way, at least we know our boundaries. Paano ba ako magmo-move on sa kaniya eh hindi naman naging kami? Nakaka-gago lang. Hahaha. Pero ‘di bale na nga, ang importante lang naman ay mahal ko siya at patuloy ko siyang susuportahan. I am still his number one fan. I am claiming that title.

At isa sa mga taong ayoko na makita eh si reindeer at ang doktor ko. ‘Pag andiyan kasi sila naaalala ko lang na may sakit ako eh. Pero itong punyemas na reindeer na ‘to madalas magparamdam sa facebook. Huhuhuhu, bwiset, hanggang sa facebook may nagre-remind sa akin na uminom ng gamot. Kailan ba ako makakatakas sa kanila? Unfriend ko na kaya ‘tong hayop na ‘to at baka sakaling bumalik sa North Pole?

Matapos kong harapin ang sandamakmak na survey results, in-encode ko kasi sa excel, eh naisipan ko ng matulog. Aba, tao ho ako marunong ako matulog, hobby ko nga ‘yon eh. Sa totoo nga niyan, pinag-usapan pa nila Papa kung ipagpapatuloy ko pa baa ng pag-aaral ko. Alam kong may alam sila na hindi ko alam tungkol sa kalagayan ko. Binilhan ako ni Papa ng eyeglasses kasi medyo lumalabo na ang paningin ko.

I sit on my bed, make a sign of the cross and prayed before I sleep.

“Lord, thanks for this day. Thank you kasi humihinga pa rin ako. Thank you kasi natapos ko lahat ng kailangan ko tapusin. There are so many things that I should be thankful. Lord, may isa na lang akong wish, hindi ako humihingi ng lovelife pero sana makita ko na ‘yung guy na tinakda mo sa’kin. Yes, tinakda, lalim.” I laugh at my own humor. “Ito deal natin Lord ha, ako na ang magbibigay ng sign, ‘yung lalaking magsasabi sa akin ng ‘You’re the sun.’ Kasi ‘di ba, ‘yan ‘yung sinabi ni Romeo nung mabighani siya sa ganda ni Juliet. I just want to feel that way. It is the east and Juliet is the sun. When will I be a sun to a guy? Basta po Lord, usapan ‘yan ha. Can’t wait to see that guy you destined for me. Good night, I love you.”

Be my RomeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon