Seven

5.2K 185 29
                                    

Mamayang alas-singko pa ang mall show ni Mason my loves pero nag-aayos na ako ngayon. Suot ko ang ombre shorts ko at maong blouse. Itinali ko ang buhok ko into a bun at nag-powder na ng mukha. Simple lang ako ngayon dahil wala akong time para magpaganda... kusang lumalabas na talaga kasi ang ganda ko eh. Sorry.

“Oh aalis ka?” tanong ni Kuya pagkababa ko ng hagdanan.

“Nagpaalam kaya ako sa’yo!” wala kasi si Mommy, nasa probinsiya may aasikasuhin daw doon tungkol sa lupa kaya si Kuya ang in-charge sa pag-aalaga sa akin at sa bahay, in short siya ang boss ngayon.

Nag-cross arms siya, “Wala akong natatandaan Zaira.”

Lumapit ako sa kaniya at inuga-uga siya sa braso. “Kuya naman! Nagpaalam ako sa’yo habang may ginagawa kang report dito!” itinuro ko pa ang couch. “Diyan ka pa nga nakaupo no’n eh!”

Sinamaan niya ako ng tingin. Nagsasabi naman ako ng totoo eh. Nagpaalam talaga ako… tulog nga lang siya. Alam ko kasing hindi siya papayag kaya sinamantala ko na habang tulog siya. Ang stupid niya talaga. Huhuhu, ulyanin.

“Zaira, ‘wag mo ‘kong pinaglololoko. Hindi ka aalis kasi hindi ka nagpaalam.” Nilagpasan niya ako nag-diretso papuntang kusina.

“Kuya, swear nagpaalam ako! Naghihilik ka pa nga no’n eh!”

Matapos ang ilang oras na panunuyo at pang-uuto sa magaling kong kapatid eh pinayagan na rin niya ako sa wakas! Tinawagan niya rin kasi si Mommy at pumayag naman si mudrabels, pero ayon nga ‘pag may nangyari daw sa akin lagot si Kuya.

Rinig ko na ang pag-busina ng sasakyan nila Trisha, oo sasamahan niya kasi ako, at bago pa ako makalabas ng tuluyan sa gate eh may sinabi sa akin si Kuya.

“’Wag kang tatanga-tanga ha dahil ‘pag may nangyari sa’yo ako pa mananagot. Susunduin kita doon mamaya. Don’t make me wait.”

Hinalikan ko na si Kuya sa pisngi para makaalis na ako. Nag-behave ako kasi nag-english na si Kuya Kiel, it means he’s dead serious. Huling beses na nakita ko siyang seryoso eh ‘yung mga panahong nahihirapan siya mag-move on sa ex niya. But don’t get me wrong, hindi naman ibig sabihin no’n eh ngayon na lang ulit nag-english si Kuya, magaling kaya mag-english ‘yan! Matalino at gwapo pa, siyempre magkadugo kami kaya nananalantay sa amin ang magandang lahi, bwisit nga lang. Ang kawawa kong Kuya, hahanapan ko na nga lang siyang lovelife, kawawa naman eh, baka ma-inggit pa sa amin ni Mason eh.

Pagkasakay ko naman sa sasakyan nila Trisha eh todo daldalan lang kami. Ano bang ine-expect niyo, mananahimik na lang kami? Duh, eh hindi nga namin mapigilan bibig namin ‘pag magkasama kami eh.

“Oy ha, basta tutulungan mo ‘ko sa paper natin, mas pinili pa kitang samahan sa pagfa-fangirl kaysa gawin ‘yon.” She raised an eyebrow.

“’Wag ka nga diyan, tinatamad ka rin naman gawin ‘yon eh.”

Tumawa na lang siya. At pinagkwentuhan pa namin ang tungol sa crush niya na Atenista, ini-stalk niya nanaman kasi sa FB, may icture daw kasi nan aka-tag ‘yung guy at naka-akbay sa isang babae sa bar. Ayan, umuusok nanaman ang ilong niya sa selos. O hanep ‘di ba, hindi sila pero nagseselos si Ateng.

Pagkarating namin sa mall eh marami na agad tao, ipinakita ko na sa guard ang VIP tickets namin kaya pinapasok na kami at pinaupo. Mabuti na nga lang at dala ni Trisha ang iPad niya kaya nakakapag-stalk kami, pinapakita niya sa akin iyong mga picture ng crush niya. Gwapo naman talaga kasi itong crush niya eh, family friend kaya niya nakilala. Kahit nakikinig ako kay Trsha eh hindi ko pa rin maiwasang mainip. Tinext ko na kanina pa si Mason kung nasaan na ba siya pero hindi pa rin nagrereply.

Lumabas na ang host nag-start na ng ilang games. Hindi na ako sumali diyan… joke, ‘di lang kasi ako nakaabot kanina nung naghahanap ng mga sasali sa games eh may mga napili na bago pa kami dumating. Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko at napangiti naman ako nang makita ang pangalan niya sa screen.

Be my RomeoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon