Bye, Travis | Chapter 4

22K 539 52
                                    

"Happy Mother's Day" - kitinbaby




The Chapter 4 | Side story much.
*1/3*






Tumingin ako sa hospital bed niya. Ramdam ko ang namumuong luha sa gilid na mata ko per mas pinili kong manahimik at pigilan ang dapat. Puno ng poot ang buong puso ko hanggang ngayon at sa simula't simula pa lang.




Naging mabait ako.




Sinubukan kong maging isang mabait na kamag-anak sa kanya. Sa totoo lang, pinilit kong tanggapin siyang kapatid dahil sa kalagayan niya. Ipinagsawalang-bahala ko ang mga kirot na kinimkim ko simula ng dumating siya sa buhay ko..




May dahilan ako kung bakit ako nagkakaganito.




Inggit. Galit. Selos.



At kung ano ano pa.



Naramdaman ko 'yang lahat kay Lily.






Inagaw niya sakin ang magulang ko. Hindi dahil nawalan siya, kelangan niyang kuhanin ang sakin at gawing kanyang mga magulang.




Inagaw niya sakin ang kapatid ko. Hindi dahil wala siyang mapupuntahan, kelangang may umaruga sa kanyang isang kuya. Isang kuya na dapat umaalalay sa kanya.




Inagaw niya sakin ang best friend ko. Hindi dahil wala na siyang mabibigyan ng tiwala ay tatakbo siya kay Lyra para magpaawa at kunin ang magandang kalooban niya para makalimutan ako.






At ngayon aagawin pa niya ang taong mahal ko?





Aaminin ko, baliw na ako o nahihibang.





Pero hindi na tama ang dapat ipagsa-walang bahala nalang.



Ayoko.




Ayoko na.







“Mahal kita, Lily.” Pero mas mahal ko si T.






At kung dapat ipagpatuloy ko ito at maging kapalit ay ikaw. . .









Tatanggapin ko.





At ikaw na ang ipagsasawalang-bahala ko.



Hello, TravisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon