Part 19

1.2K 74 1
                                    

Napakamot sa ulo niya si Hesu. Titirik-tirik din ang kanyang mga mata at napapabuntong-hininga ng malalim. Ngayon siya nagsisisi bakit pinaalis niya sina Jaem, Saimo at Lius. Wala pala talagang kuwentang kausap ang Jelad na ito. Para lang siyang nakikipag-usap sa bato. Aisst!

"Fine. Kung ayaw mong magkuwento about kay Riyo ay iintindihin na lang kita. Pero paano ko kayo matutulungan kapag hindi kayo makikipag-cooperate sa 'kin?" malapit na siyang sumuko na sabi.

Hindi siya madaling sumuko pero kung ganito na magmumukha siyang tanga ay ibang usapan na 'yon. Saka ang alam niya sila ang humihingi ng tulong sa kanya kaya dapat sila ang makisama sa kanya. Hindi ganito na baliktad.

"Bakit ba kasi ako ang tinatanong mo?" sa wakas ay tinig na ng binata. Hindi nga lang ito tumingin man lang sa kanya.

Iningusan niya pa rin ito. Gustong-gusto na niya talagang itong batukan tulad nang ginawa noon nito sa kanya o kaya itulak sa kinauupuan nito nang mahulog at ma-double dead, pero pinili niyang magpakahinahon pa rin. Naisip niya hindi nga pala siya pumapatay ng patay na. Sayang lang ang effort. Kalma lang dapat.

"Kasi nga ikaw raw ang naging boyfriend niya. Sa tingin mo nagpakamatay siya dahil nakipag-break ka sa kanya? Sa tingin mo may koneksyon ang nangyari sa inyo sa pagpapakamatay niya? Kasi isipin mo halos magkasunod lang, eh. Sabi kasi sa akin ng kaibigan kong si Cloria ay one month after nagpakamatay si Riyo ay nawala naman din kayo rito sa school na walang nakakaalam if ano'ng nangyari sa inyo. So, naisip ko ay baka may koneksyon."

"Dunno," napakatipid na sagot naman ng binata.

Muntikan nang mag-transform as aswang si Hesu. Muntikan niyang nakalimutan ang sinabing 'kalma lang dapat'. Ang haba kasi ng sinabi niya, 'yon lang ang sagot?!

Aba'y nice!

"Kung ayaw mo akong tulungan! Bahala ka! Nice talking to you!" sarcastic niyang singhal na lamang sabay walk out na kaysa magkaroon pa siya ng sakit sa high blood sa pakikipag-usap sa binatang tamad magsalita.

May naapakan siyang lata ng softdrink habang patungo siya sa pinto ng roof top. Na-demonyo siyang pinulot iyon at ibinato kay Jelad. Multo naman, eh. Hindi naman matatamaan, eh.

"Ouch!" Subalit sapol ang ulo ang binata.

Natutop ni Hesu ang bunganga sabay bilog ng kanyang mga mata. Ay, natatamaan pala? Lagot!

Galit na nilingon siya ni Jelad. "What was that?!"

Kaysa matakot ay gusto ni Hesu na matawa. Pinigilan niya lang ang sarili. Imbes rin na sumagot ay kumaripas na siya ng takbo sa may pinto.

"Oy!" Nagulat na lang siya dahil tatlong binata ang nagtumbaan nang buksan niya ang pinto. Na agad din namang nagtayuan.

"Hi," pasimpleng bati sa kanya ni Saimo.

Nag-peace sign naman sa kanya si Lius at pasimpleng umiwas naman ng tingin si Jaem.

Maasim ang mukha ni Hesu na pinasadahan ang mga ito ng tingin. 'Yong isa na multo sa may railing walang pakialam sa mundo, itong tatlo naman ay mga tsismoso. Ay, naku namang talaga.

Bumuntong-hininga siya nang malalim at itinuro si Jelad. "Sa tingin ko wala akong mapapala sa kasama niyong iyon. Mas gusto pang mapanis ang laway niya kaysa ang kausapin ako kaya hindi ko na kasalanan kung hindi ko kayo matutulungan."

"Sorry, Hesusa, ganyan talaga si Jelad. Ang mabuti pa kami na lang ang tanungin mo. May mga alam din naman kami about kay Riyo," ani Jaem.

"Yeah, right. Ano ba ang mga kailangan mong malaman kay Riyo? Makakatulong ba talaga ang tungkol kay Riyo sa nangyari sa amin?" sang-ayon ni Lius sa sinabi ni Jaem.

THE FOUR BADBOY GHOSTS (free)Where stories live. Discover now