Part 12

1.5K 69 2
                                    

"Oy, okay ka lang?" Bahagyang siko ni Cloria kay Hesu. Kanina pa kasi nito napansin na mula nakausap ni Hesu si Hardy Evete ay natutuliro na ang kaibigan. Parang ang lalim na ng iniisip.

Pauwi na silang magkaibigan. Tapos na ang last subject nila. Malapit na sila sa main exit ng Sanchi College.

Tipid na tumango lamang si Hesu, kahit na ang totoo ay hindi siya okay, dahil sa pag-iisip niya sa lahat nang tinukoy ni Hardy Evete sa kanya. Hindi na mawala sa isip niya kung ano'ng nangyari sa 'The Badboys'. Dapat nga ay babalik siya sa office ng paranormal club, nga lang ay alas singko na ng hapon, baka wala na rin doon sina Hardy. Baka mga nag-uwian na kaya bukas na lamang siya babalik doon.

"Sure ka?" paniniguro ni Cloria.

Muli siyang tumango. Pinayapa niya ang sarili. Puwede pa naman bukas na muli niyang kausapin si Hardy.

"Parang hindi, eh. May gumugulo ba sa 'yo, besh?"

"W-wala," kaila pa rin niya kay Cloria. "Napagod lang ako kasi dire-diretso na 'yung klase natin."

"Ah, okay. Akala ko pa naman kung ano na naman ang nangyayari sa 'yo."

"Bakit ikaw? 'Di ka ba napagod?"

Nalukot ang mukha ni Cloria. "Napagod nga rin, eh, kaya tara. Bilisan na natin umuwi. Miss ko na ang kama ko."

•••

"She's now safe," nakahingang saad ni Lius nang makitang nakasakay agad ang magkaibigang sina Cloria at Hesu sa jeep.

"Yeah, but until now hindi pa rin natin siya nakakausap. Ang nice." Dismayadong sumampa si Saimo sa sementong harang ng rooftop. Nakitabi ito kay Jelad.

Hindi kasi sila nabigyan ng pagkakataon ulit para kausapin ang dalaga dahil naging dire-diretso na ang klase nina Hesusa kanina. Noong mag-break ay ayaw naman nilang gambalain sa pagkain sa may canteen ang dalaga. Saka naisip nila, baka kung gagambalain nila ito ay mas magiging mailap ito sa kanila.

"Makakatyempo rin tayo," Lius said confidently.

Si Jaem ay tahimik lamang na nakasandal sa pader. Nakapamulsa ang isang kamay nito at nakahawak naman sa baba nito ang isa pang kamay nito. Malalim ang iniisip. Tila may pinag-aaralan ito sa isipan nito.

"Jaem, are you okay?" pansin ni Lius dito.

Napatingin silang tatlo kay Jaem.

"Iniisip ko kung ano bang meron sa Hardy Evete na iyon?" pag-amin ni Jaem sa gumugulong bagay sa isipan nito.

"C'mon, forget about him. Nagyayabang lang 'yon," ani Saimo. Iritang-irita pa rin naman ito kay Hardy pero ayaw lang ma-stress ito.

"There is something strange about him," ngunit sabad na ni Jelad na dapat ay tahimik lang.

"Sa tingin ko rin," sang-ayon ni Jaem kay Jelad. "I think we need to be careful. Mukhang mapanganib siya."

"Nah! I don't think so," hindi sang-ayon na ani Saimo. Umiling-iling pa ito. "He's just a piece of conceited jerk!"

"Paano mo maipapaliwanag 'yung pwersang pinakawalan niya sa 'yo kanina?" tanong ni Jaem.

Humaba ang nguso ni Saimo. Hindi ito nakasagot.

"Sa akin ang ipinagtataka ko lang ay bakit parang prinuprotektahan niya sa Hesusa mula sa atin?" Paglalabas na rin ni Lius sa saloobin nito. "Hindi niyo ba napansin? Para bang ayaw niya tayong palapitin kay Hesusa."

Nagkatinginan silang apat.

"Oo nga, 'no," naisatinig ni Saimo pagkatapos nang mabilisan nitong pag-alala sa nangyari kanina. Napahimas-himas na rin ito sa baba nito. Napaisip.

THE FOUR BADBOY GHOSTS (free)Where stories live. Discover now