Part 16

1.3K 68 0
                                    

"Are you okay?" Nag-aalang lumapit agad ni Jaem kay Hesusa.

Nangangatal ang labi ng dalagang tumingin sa multong binata. Bakas sa mukha niya ang matinding takot. Putlang-putla siya. Akala niya ay katapusan na niya kanina.

"I told you. Nanganganib ka," sabi naman ni Saimo nang makalapit din. Ito ang galit. "Ayaw mo kasing maniwala."

"Muntik ka na. Wasak sana utak mo diyan," pananakot naman ni Lius.

Habang si Jelad ay blangko ang mukhang nakatingin lang.

Natigagal lalo si Hesu. Pinasadahan niya ang mga ito ng titig. Mukhang nagsasabi nga sila ng totoo. Na oras na nga niya upang mamatay. Jusko!

"Okay ka lang, Miss? Sorry nawalan ng prino," pangungumusta ng lalaking lumabas sa driver's seat ng kotseng muntik nang makabangga sa kaniya. Bakas na bakas ang pagkabahala o takot nito sa mukha.

Napatingin siya sa rito at mas nanlaki ang mga mata niya nang makita niya ang tumutulong dugo ng lalaki sa noo nito. Mukhang nahihilo ang lalaki dahil napasandal ito sa kotse at nasapo ang noong pumutok. Sunod na tumingin siya sa wasak na harapan ng kotse. Hindi niya ma-imagine kung nabangga siya roon. Malamang durog sana siya. Gosh!

Saglit lang ay dumami na ang tao. May tumulong na sa lalaki.

"You need to believe us, Hesusa. Magtiwala ka sa sinasabi naman upang mailayo ka namin sa susunod pang pangyayari na ganito. Kailangan mo rin ng tulong namin," agaw-pansin ulit ni Jaem kay Hesu.

Malinaw na narinig iyon ni Hesu, hindi nga lang na niya tinangkang tiningnan si Jaem dahil may mga tao na.

"If I were you, I would just help us, and in return, we'll also help you prolong your life," wika rin ni Lius.

Napapikit si Hesu. Dapat ba siyang maniwala sa mga multong ito? Pero pa'no niya maipapaliwanag ang mga sunod-sunod ngang nangyari sa kaniya na muntik na niyang ikinamatay lahat? Imposible namang coincidence lang ang mga iyon.

Napabuntong-hininga siya at tingin ulit sa apat na multo.

"Hesu!" subalit hindi na siya nakapagsalita dahil matinis nang tinig ni Cloria na narinig niya mula sa malayo.

Inantay niya itong makalapit sa kaniya at yumakap siya ng mahigpit.

"Ano na namang nangyari?" alalang-alala na tanong sa kaniya ni Cloria. Hinagud-hagod siya nito sa likod. "Kakambal mo na ba talaga ngayon ang kamalasan?"

Pasimpleng napasulyap ulit siya sa mga multo. Mga nakatingin ang mga ito sa kaniya. Wari ay inaantay pa rin nila na paniwalaan niya ang mga ito at tulungan.

"Miss, dalhin mo siya sa clinic at baka na-trauma siya sa nangyari. Muntik-muntikan na kasi siya kaya natutulala siya," sabi ng concern na estudyante kay Cloria.

"Halika, doon daw tayo sa clinic." Inakay nga siya ng kaibigan patungong clinic. Mahigpit siyang hinahawakan nito sa magkabilang balikat dahil kahit hindi siya natamaan ng kotse ay natamaan naman siya ng matinding takot.

Naguguluhan niyang nilinga ulit ang apat na multo. Nakasunod ang mga ito sa kanila. Walang kaalam-alam si Cloria.

"Baka sa susunod wala na siyang ligtas," parinig ni Saimo.

"Saimo, zip your mouth. Can you?" saway ni Jaem sa insensitive na kabarkada.

Iniwas ni Hesu ang tingin sa mga ito. Mukha nga, mukha ngang seryoso sila sa mga sinasabi nila. At kung pagtagpi-tagpian niya ang mga nangyari masasabi na nga niyang sila nga ang nagligtas sa buhay niya.

Pagdating nila sa clinic ay pinagpahinga at pinag-relax lang siya ng nagbabantay roon. Ikalma lang daw niya ang sarili at magpasalamat dahil walang nangyari sa kanyang masama. Huwag niya raw masyado isipin ang nangyari. Normal lang daw 'yon na mga aksidente.

THE FOUR BADBOY GHOSTS (free)Where stories live. Discover now